Chapter 11.

50 2 0
                                    

Author's Note:

Hello dear readers! As I promised, here's the 11th chapter of this story. At last, malalaman niyo rin ang side ng another character dito. Wahaha! About my updates, ita-try ko po talaga na magkaroon ng atleast one chapter every week starting next, next week. One week na lang kasi ang natitira sa ating precious vacation. Tapos pasukan na ulit. Waaah!

Anyways, if you just want to, you may also read my other stories. On-going din po lahat to. Mas konti nga lang yung chapters ng mga to compared dito sa IJLY.

*The Snob Prince

*Stand By You

*Hidden Agenda

Salamat po sa pagbabasa. Keep on reading. Enjoy! ^___^

---

Chapter 11.

-Brian Montalbo-

Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayanan to. Tsk! Ang hirap naman ng ganito. Mahal ko kasi talaga si Max pero hindi ko na siya pwedeng balikan. Pareho lang kasi kaming mahihirapan kung lalaban pa kaming dalawa.

Pero sa ngayon, sana ay paniwalaan niya ang paliwanag ko. Sana wag niya isiping gumagawa lang ako ng kwento. The last time kasi na nagkita kami, naramdaman ko ang matinding galit niya sa akin. Sagad sa buto ang galit niya. At ngayon lang ulit kami mag-uusap simula nung araw na yun.

Nasa biyahe na ako ngayon papunta sa lumang simbahan kung saan kami magkikita ni Max. Di ko maiwasang makaramdam ng takot. Kahit na napansin kong hindi naman siya galit sa akin kanina nung nasa school kami, baka kasi biglang mag-iba ang pakikitungo niya sa akin mamaya pag kami na lang ang magkasama.

Pagkababa ko ng jeep ay naglakad pa ako ng konti. Medyo malapit na ako at nakita kong nandun na si Max. Parang sumisikip na ang dibdib ko. Lord, tulungan niyo po ako dito.

Nakita na niya ako. Pero hindi siya natinag sa pagkaupo niya. Nakatingin lang siya sa akin. Honestly, gusto ko siyang yakapin ngayon. Sobrang namimiss ko na si Max. Maiiyak pa yata ako sa naiisip ko ngayon. Pero hindi. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko. Ayoko na siyang mahirapan. Ayoko na siyang masaktan pa kaya hindi na siya pwedeng umasa.

Tahimik lang kaming dalawa ngayon na magkatabi sa hagdanan. Hindi ko alam kung paano ako magsissimula. Kanina lang alam ko pa ang sasabihin ko pero ngayon nawala na yata lahat. Pati yata dila ko nawala na.

“Max.”/”Brian.” Nagkasabay pa nga kami.

“Sige mauna ka na.” Sabi ko kay Max.

“Ikaw na muna.” Sagot naman niya.

“Hindi, ikaw na mauna.” Ulit ko.

“Ikaw na kasi. Ikaw naman ang nagyakag di ba?” Sagot niya ulit. She has a point. Ako nga naman ang nagyakag para sa pag-uusap na to. Hindi ko lang kasi ma-construct ulit yung mga dapat na sasabihin ko sa kanya.

“Ah, Max. Galit ka pa ba sa akin?” Umpisa ko sa usapan namin. Pero nagkibit balikat lang siya. Ano yun, hindi niya alam? Di ba yun ang ibig sabihin ng ganun?

“Noong una, nagalit ako. Syempre, sinong hindi magagalit di ba? Pero nag-usap na kami ni Bea. Sinabi niya sa akin lahat ng inamin mo sa kanya. Totoo ba?”

“Hindi ko kasi talaga alam kung paano nangyari yun.” Huminga muna ako ng malalim bago itinuloy ang sinabi ko. Sinabi ko sa kanya lahat lahat ng nangyari noong birthday ni Mateo.

I Just Love You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon