Chapter 2.
“W-Wala.”
Tipid niyang sagot. Nabuhayan ako ng loob. Lalapit na sana ako sa kanya para yakapin siya pero hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita ulit siya.
“Max, pwede pa naman tayong maging magkaibigan. Andito pa rin naman ako kaso hanggang kaibigan na lang ang kaya kong ibigay sa’yo.”
Napayuko ako sa sobrang frustration. Hindi ko yata kayang tanggapin na magkaibigan na lang kami. At hindi ko namalayan na nasa malayo na pala siya at iniwan na akong nag-iisa.
Hindi ko alam kung papaano ako nakarating sa kwarto. Nakatulog na pala ako. Ginising na ako ni Mama para kumain ng hapunan. Bumangon ako at humarap sa salamin. Nagulat ako nang makita ko ang sarili ko. Namumutla ako at namumugto ang mga mata. Saka ko lang naalala ang mga nangyari. Wala na kami ni Brian.
Parang hindi ko mapaniwalaan ang nangyari. Habang nakatitig ako sa sarili ko ay nagring ang cellphone ko bilang tanda na may nagtext. Si Brian. Hindi ko muna binuksan iyon dahil bigla pumasok sa isip ko ang mga nangyari. Baka naman panaginip lang ang lahat at naiyak lang ako habang nananaginip kaya ganito ang mga mata ko. Kaya sige, bubuksan ko na to.
Hindi ko na naman napigilang umiyak nang mabasa ko ang message sa akin ni Brian. Ibig sabihin lang totoo ang mga nangyari at hindi isang panaginip lang.
From: Brian my loves
Max, sorry. Sinubukan kitang mahalin pero alam kong hindi sapat yung pagmamahal ko para mapasaya kita. Kaya sorry kung nagdecide ako na maghiwalay tayo. Alam kong ito ang makakabuti para sa ating dalawa. Sorry kung hindi kita nagawang mahalin gaya ng pagmamahal mo para sa akin. Hindi ko din alam kung bakit. Naisip ko, siguro hindi lang tayo para sa isa’t isa. Hindi ko alam kung paano ako magsasabi sa’yo. Ayokong masaktan ka. Pero alam kong pareho lang tayo masasaktan kung ipagpapatuloy pa natin yung relasyon natin. Salamat sa lahat Max. Naramdaman ko kung gaano mo ako kamahal. Sana kahit na nangyari ito, huwag kang matatakot magmahal ulit. Dadating din ang tamang tao para sa’yo sa tamang panahon. Mahalin mo din siya katulad ng pagmamahal mo para sa akin at kung makakaya mo, higit pa doon. Sigurado ako na makakakita ka ng higit pa sa akin. At alam kong mas karapat dapat siya para sa’yo. I’m sorry again Max. Kung magagalit ka man sa akin, hindi kita masisisi. Pero sana mapatawad mo din ako. Goodbye Max.
Hilam na hilam na ang mga mata ko sa dami ng luhang naiiyak ko. Totoo nga ang lahat. Hindi nga ako nanaginip lang. Di ko pa rin matanggap. Makakaya ko kayang tanggapin? Magagawa ko kaya ang sinabi niyang magmahal ako ulit at higitan ko pa ang pagmamahal ko para sa kanya? Parang hindi ko kaya. Hindi. Hindi ko talaga kaya. Si Brian lang ang mamahalin ko.
Hindi ko alam kung paano ako magpapakita kina Mama na ganito ang itsura ko. Siguradong hindi nila ako titigilan hangga’t hindi nila nalalaman ang totoo. At mas lalong hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang totoong nangyari. Nagpalakad lakad lang ako sa loob ng kwarto ko. Pero wala talaga akong maisip. Bahala na nga.
Pagdating ko sa hapagkainan, nandoon na sila lahat. Pagkaupo ko ay naglead na si Papa ng prayer at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang akong nakaupo at medyo itinabing ko ang buhok ko sa mukha ko para hindi nila mapansin ang namumugto kong mga mata. Napansin na nila na masyado akong tahimik kaya pinuna nila ako.
“Ano ba naman Maxene yang buhok mo. Ako ang nahihirapan sa pagkain mo e.” Pagpuna ni Mama sa itsura ko sa harap ng pagkain. Lagot na.
“Oo nga ate. At saka bakit di ka nagsasalita ate ha? Speechless ka na ba sa masarap na luto ni Mama? Hahaha.” Pang-aasar ng kapatid ko. Pagdating talaga sa pang-aasar, napakagaling nitong batang to.

BINABASA MO ANG
I Just Love You (On-Going)
RomanceSimpleng babae lang si Maxene dela Vega. Kagaya ng karaniwang babae, nagka-crush, nagmahal, at nasaktan din siya. Pero hindi niya inakala na mapapaglaruan pala siya ng tadhana. Sa kabila ng pagsisinungaling, pagpapanggap at pagtatago ng sikreto sa k...