Chapter 8.
Sino nga ba ang mag-aakala na matapos ang lahat ng nangyari ay magkakaroon ako ng isang mapayapang tulog. Sa isang malambot na kama, sa ilalim ng makapal ng kumot, at napapalibutan ng maraming unan. Kung palagi bang ganito ang uuwian mo matapos ang isang nakakapagod at nakakabaliw na araw, edi ayos lang.
Teka. Malambot na kama? Makapal na kumot? Maraming unan? Kailan pa ako nagkaroon ng ganito sa kwarto ko? Agad akong bumangon dahil sa naisip ko. Ang resulta, heto ang sakit sa ulo.
Nasaan ba ako? At ano bang nangyari? Nagpunta ako sa bahay nina Bea. Dumating si Brian. Nagsumbatan kami. Umalis ako. Nagpunta ako sa dati naming tambayan at doon naglabas ng sama ng loob. Bumaba ako mula sa building na yun tapos may humablot sa akin.
Tama! Yun ang huling nangyari. May humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko. Nanghina ako at tapos wala na akong maalala.
Pero nasaan kaya ako ngayon? Kung nakidnap ako, bakit ganito ang itsura ng lugar? Bakit parang buhay prinsesa ako? Sobrang laki ng kwartong ito, kasing laki na yata ng bahay namin to ah. Joke. Exaggerated lang. Pero malaki kasi talaga.
Wow. Bongga ang sahig. Carpeted. Walang makitang kahit na katiting na semento. Walang problema kahit maglakad ng nakayapak.
Isa pang wow. May sariling CR pa ha! Big time tong kidnapper ko ah. Meron ding walk-in closet. Walang laman? Bakit naman kaya walang laman to? Sana hindi na lang naglagay ng ganito kung wala din naman siyang damit na ilalagay.
Sobrang laki naman yata ng kurtinang to. My god! Hindi to bintana! Sliding door pala to. At wow ulit. May sariling balkonahe ang kwarto. Ganito ang pangarap kong tirahan. Ganito ang gusto kong ipagawang bahay kapag yumaman ako.
5:30 AM pa lang pala. Kaya pala madilim pa sa labas. Ang sarap lang ng simoy ng hangin dito sa labas. Medyo may kalamigan pa. Ang sarap sa pakiramdam.
Halos matawa ako sa sarili ko nang kumalam ang tiyan ko. Nagmomoment ako e. Panira naman tong sikmurang to. Pero pramis, nagugutom na nga ako.
Kung ngayon lang ako nagising, ibig sabihin pala lang, isang buong magdamag akong walang kain? WOW! Record Breaking to! Ano kayang sasabihin nina Mama pag nalaman nilang nagawa kong hindi kumain ng isang magdamag? Hahaha!
Pero speaking of Mama, naku patay ako dun! Kasi magdamag din akong wala sa bahay! Ano naman kayang sasabihin ko sa kanila once makauwi na ako? Kailangan ko ng matindi-tinding alibi nito ah.
Dead batt pa ang phone ko. Kailangan ko na makatakas. Kailangan kong matakasan ang walanghiyang kidnapper ko. Siguradong pinaghahanap na ako nina Mama ngayon. Baka nagsumbong na sila sa mga pulis.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Hindi ako pwedeng gumawa ng kahit anong ingay kasi baka nasa labas lang ang kumidnap sa akin. Slowly but surely dapat ang pagtakas ko.
Heto na, bubuksan ko na ang pinto. Huwag kang gagawa ng kahit anong ingay pinto ka ha. Lagot ka sa akin! Bubugbugin kita pag tumunog ka ng kahit konti lang. Heto na, nabuksan ko na, makakalabas na ako. Yehey! Ang galing ko!
“Where do you think you are going?”
Shit! Sino yun? Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Nasaan ba yung nagsalitang yun? Wala namang tao sa labas ng kwarto. Ibig sabihin ba nun, nasa loob ng kwarto ang taong yun? Siya ba ang kidnapper? Naramdaman kong may humawak sa braso ko mula sa likod ko.
“Huwag niyo po akong sasaktan. Hindi naman po ako tatakas e. Nagugutom lang po ako. Baka po pwede niyo akong pakainin.”
Mangiyak-ngiyak na ako sa pakiusap ko sa kanya. Ayoko pa naman mamatay e. Pasukan na next week. Sayang naman yung binayad namin sa school kung mamamatay na ako. Sana naitago na lang yun ni Mama kung ganito lang din naman pala kaaga ako mamamatay. Ni hindi man lang ako umabot sa debut ko. Ang saklap naman ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
I Just Love You (On-Going)
RomanceSimpleng babae lang si Maxene dela Vega. Kagaya ng karaniwang babae, nagka-crush, nagmahal, at nasaktan din siya. Pero hindi niya inakala na mapapaglaruan pala siya ng tadhana. Sa kabila ng pagsisinungaling, pagpapanggap at pagtatago ng sikreto sa k...