Chapter 5.
“Brian? Anong ginagawa mo dito?” Nagulat ako sa pagdating ni Brian. Hindi ko talaga inaasahan ang pagdating niya. Literal na napanganga ako sa pagkabigla. Habang siya, malawak na nakangiti sa akin.
“Mahal ko, andito na ako.” Totoo ba ang narinig ko? Mahal? Tinawag niya ulit ako na mahal? Hindi yata ako makagalaw. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Mahal pa ako ni Brian? Totoo bang mahal pa ako ni Brian?
“Max, halika na.” Pagyakag niya sa akin habang nakalahad ang isa niyang kamay. Kahit na naguguluhan ako, pakiramdam ko ay nawala lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Mas nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya. Namiss ko si Brian. Sobrang namiss ko siya.
“B-Brian, saan tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya nang abutin ko ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Brian. Baka may surpresa siya para sa akin. Hindi ko mapigilan mapangiti sa naisip ko.
“Come with me. Alam kong magugustuhan mo ang pupuntahan natin.” Nagsimula na kaming maglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko. Parang kumikislap ang mga mata niya. Nakikita kong mahal nga niya ako. Ang ganda ng ngiti niya habang nakatingin sa akin.
“S-Sandali lang Brian. M-Magbibihis lang ako. Nakakahiya naman, nakapantulog pa ako.” Nakakahiya naman, ang ganda ng porma niya tapos ako, nakapantulog pa ako. Patuloy lang sa pagngiti si Brian at saka binitawan ang kamay ko.
“Sige mahal ko. Hihintayin kita dito sa labas ng kwarto mo.” Hinalikan muna niya ako sa pisngi ko at saka lumabas na ng kwarto ko. Hindi ako makapaniwala. Sobrang sweet ni Brian. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan ang pisngi kong hinalikan niya. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo. Walang katumbas na kasiyahan.
Sinuot ko ang dress na binili namin ni Mama kanina. Siguro kaya ko to nagustuhan ay dahil sa darating ang ganitong panahon. Bagay na bagay ang ganda ng damit na ito sa ganda ng pakiramdam ko. Nasa plano ko na ang pagsuot ng dress na to sa first day of school. Hindi ko inasahan na ngayon ko ito isusuot. Kasama si Brian. Si Brian na mahal ko at mahal ako.
Huminga muna ako ng malalim at saka tinungo ang pinto ng kwarto. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan na natutuwa na natatakot. Kinakabahan ako sa kung anong magiging reaksyon ni Brian sa paglabas ko ng kwartong ito. At siyempre natutuwa ako kasi andito si Brian. Bumalik siya para sa akin. Binalikan ako ng taong mahal ko. Natatakot ako pero hindi ko alam kung bakit. Basta nakakaramdam ako ng takot.
Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bahagya akong napapitlag sa pagkabigla. Huminga muna ulit ako ng malalim at saka binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang magandang ngiti ni Brian. Parang maluluha ako sa sarap ng pakiramdam na nasa harapan ko siya ngayon. At nawala ang takot na naramdaman ko. Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako sa paglakad.
Lumabas kami ng bahay at bumungad sa akin ang isang magandang garden. Nakaayos iyon. May mga parang Christmas lights upang magkaroon ng magandang effects ang mga tanim na halaman ni Mama. Meron ding tent. Nasa gitna ng garden ang mga tables at upuan na parang ipina-cater pa nila. At sa may hindi kalayuan ay nakapwesto ang isang buffet. Maraming bisita. Nandito din ang buong pamilya ni Brian. Syempre kumpleto din ang pamilya ko. Lahat sila nakatingin at nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung anong meron ngayon. Pero nginitian ko na lamang din ang mga bisita namin.
Naglakad kami ni Brian sa bandang gitna. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilagay sa mga balikat niya. Ang mga kamay naman niya ay inilagay niya sa may waist ko. Sumayaw kami sa saliw ng magandang kanta. Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling ang tugtog na iyon kasi wala naman akong nakikitang speaker sa paligid.

BINABASA MO ANG
I Just Love You (On-Going)
RomantiekSimpleng babae lang si Maxene dela Vega. Kagaya ng karaniwang babae, nagka-crush, nagmahal, at nasaktan din siya. Pero hindi niya inakala na mapapaglaruan pala siya ng tadhana. Sa kabila ng pagsisinungaling, pagpapanggap at pagtatago ng sikreto sa k...