Chapter 4.

30 1 2
                                    

 Chapter  4.

Hindi ko alam kung paano pa aabutin ang nahulog kong ballpen na nasa ilalim ng kama ko dahil sa naramdaman kong takot. Naramdaman kong umiinit na ang mga mata ko dahil sa pagbabadyang pagtulo ng mga luha ko. Nakita ko ang multo.

Nakaramdam ako ng takot nang makita ko ang multo ng nakaraan. Isang kahon. Isang kahon kung saan nakatago ang mga alaala ng pinagsamahan namin ni Brian. Kinuha ko na ang ballpen kong nahulog. Kinuha ko rin ang kahon na pinaglalagyan ng mga sulat sa akin ni Brian noon.

Nang buksan ko ang kahon, bahagya akong napangiti nang makita ko ang ilang mga bagay na itinago ko bilang alaala ng mga unang nagawa namin na magkasama.

May balat ng Fres candy na may message na ‘I like you’. Ito ang unang candy na binigay niya sa akin nung first date namin. Naalala ko, sobrang kinilig ako nang mabasa ko ang message na iyon.

Narito rin ang resibo sa isang fast food chain na kinainan namin noong first date din namin. Nakakatawa kasi laminated yung resibo. Alam ko kasi na nagpe-fade yung print noon kapag matagal na nakatago kaya pinalaminate ko. Sagot ni Brian lahat ng gastos noon. Naalala ko, nabigla siya noon sa dami ng pinili kong pagkain. Hindi daw kasi niya akalain na may kalakasan akong kumain kasi hindi daw halata sa katawan ko.

Andito din yung gift wrapper na ginamit niya sa unang regalo niya sa akin. Naging favorite color ko lang ang violet dahil sa iyon ang kulay ng gift wrapper. Yung unang regalo niya sa akin ay yung couple shirt namin. Nung binigay niya sa akin iyon, suot na niya pala ang sa kanya sa loob ng polo niya. First monthsary namin yun at nagdate kami na yon ang suot namin.

Itinago ko rin pala sa kahon yung unang bulaklak na ibinigay niya sa akin. Isang rose iyon na pinitas niya sa garden ng Mommy niya noong ipinakilala niya ako sa kanila. Ang sweet niya nung binigay niya yung rose sa akin. Kagat kagat niya yung stem habang papalapit sa akin. Nung iaabot na niya sa akin ay bigla siyang umikot at saka isinabit sa tenga ko ang bulaklak. Ang romantic di ba?

Narito rin ang ilang mga sulat na ibinigay niya sa akin noong secret admirer ko pa lang siya. Siya pala ang tao sa likod ng mga love letters na bigla bigla na lang sumusulpot sa locker ko noon. Hindi ko inakala na magkakainteres sa akin ang isang katulad ni Brian. Isa kasi siya sa mga pinakakilala sa school naming noon dahil isa siyang varsity sa basketball. Isa siya sa pinakamalakas maglaro sa team nila kaya’t naging malakas ang dating niya sa mga kababaihan. Kahit naman ako noon, humahanga din sa galing niyang maglaro.

Dear Maxene,

The first time I laid my eyes on you, you already brought a different impact on my life. You are the only girl who could give me this kind of feeling. I like you. I like you a lot.

Superman

Noong una, binabalewala ko lang ang mga sulat niya. Wala naman kasi talaga sa isip ko na siya yon. Ang naiisip ko noon, baka hindi ko magustuhan kung sino man ang taong yon na sumusulat sa akin. Mabuti na din yung nag-iingat. Baka kasi pinagt-tripan lang ako ng kung sino.

Dear Maxene,

Do you like the flowers? I hope you do. You are as beautiful as these tulips. I hope that you are doing fine. Please take good care of yourself. When the right time comes, I’ll be the one to take care of you.

Superman

Sa totoo lang, sobrang ikinagulat ko ang pagkakita ng bulaklak na yun. Hindi pa nga ako nakapagconcentrate sa klase noong araw na yun e. Masyado kasi akong kinilig. Pakiramdam ko kasi ay sobrang special ko para sa kanya kahit hindi ko pa siya kilala. At mukhang seryoso naman siya sa mga sinasabi niya.

I Just Love You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon