Chapter 1.

77 2 0
                                    

Chapter 1.

“Brian! Napadalaw ka? Halika, pasok ka.”

Nagulat ako sa biglaang pagdalaw sa akin ni Brian. Madalas kasi ay may pasabi naman siya sa tuwing dadalawin ako. Pero ngayong araw na ito ay wala. Namiss siguro niya ako. Hehehe. Assuming lang? E bakit ba, boyfriend ko naman siya. Walang aangal!

“Hmm. Wala naman Max. Andito ba sina Tita?”

Pakiramdam ko talaga namiss niya ako. Kilig much lang! Hindi lang siguro niya maamin na namimiss na ako. Di ko mapigilan mapangiti sa sobrang kilig ko. Hihihi.

“Wala e. Ako lang mag-isa ngayon. Nagpunta sina Mama sa dentist para sa dental check-up ni My kasi kailangan sa school nila. Si Papa naman, ayun nasa trabaho pa. Wait lang Brian ha, kukuha lang ako ng merienda.”

Mabilis pa kay Flash na nagpunta ako sa kusina para maghanda ng makakain ni Brian. Actually para sa aming dalawa. Hehehe. Sarap kaya kumain. At siyempre kinikilig pa ako sa pagprepare. Para syempre sa mahal kong si Brian to kaya dapat may kasamang pagmamahal.

Pinakita ko kay Brian ang pinakamatamis kong ngiti habang papalapit ako sa kanya. Nakakakilig talaga kasi nakatitig siya sa akin habang naglalakad ako. Pakiramdam ko tuloy ay nasa teleserye ako at slow motion ang paglalakad ko. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Mahal ko talaga siya.

“Heto Brian o. Kain ka na. Masarap yan, syempre ako ang gumawa niyan e. At para sa’yo, may halong pagmamahal yan. Hehehe.”

Pagmamalaki ko sa kanya ng merienda namin. Kahit na simpleng juice at sandwich lang to, para sa akin sobrang special nito. Basta lahat ng bagay na may halong love ay special. Wala na akong mahihiling pa.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Hindi ko din alam kung bakit hindi siya nagsasalita pero hindi ko na iniintindi iyon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang magkasama kaming dalawa. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa sobrang kakiligan ko. Kahit kasi matagal na kaming dalawa ni Brian ay hindi pa rin kumukupas ang kilig ko sa tuwing nakikita ko siya.

Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako kay Brian para iligpit at hugasan ang pinagkainan namin. Iniwanan ko na muna siya sa sala habang nanonood siya ng isinalang kong pelikula. Napapakanta pa ako at medyo napapakembot sa tuwa. Hehehe. Sorry naman, kayo kaya ang kiligin no? Hindi kaya kaya mapakembot sa tuwa? Peace y’all. Oh Brian, my Brian! I could not ask for more.

Pagbalik ko sa sala, syempre nakangiti pa rin ako. Ano pa nga ba ang aasahan sa mababaw ang kaligayahang katulad ko? Pero ang pagmamahal ko para sa kanya, walang kasing lalim. Naks! Boom! Hehehe. Nanood lang kami nung movie. Tahimik lang kaming dalawa. Sumisilay ako sa kanya ng patago. Kapag magkasama kami, hindi ko kayang hindi tumingin sa kanya. Namamagnet ang mata ko sa kanya. Kiligness overload!

Pagkatapos ng movie, katahimikan pa rin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi nagsasalita si Brian. Kaso di ko siya matanong. Baka kasi may pakulo siya at ayoko naman i-spoil ang moment niya. Mahirap na, baka mabadtrip at hindi niya ituloy. Mayamaya pa ay kinuha niya mula sa case ang dala niyang gitara. My goodness! Sa sobrang tuwa ko na nakita ko siya ay hindi ko napansin ang dala niyang gitara. Sabin a nga ba at may pakulo siya. Kinikilig ako, haharanahin niya ako. At mainggit kayong lahat!

Nagsimula na siyang magstrum ng gitara niya. Pambabae yung kanta, I mean, babae yung artist na kumanta noon. Naririnig ko na ito dati sa radyo e paminsan minsan, hindi ko lang alam ang title. Mas trip ko kasi pakinggan yung mga rock and alternative songs. Itatanong ko na lang sa kanya mamaya pag natapos na siyang kumanta. Para kapag nakapag-internet ako, mada-download ko at gagawin kong theme song namin. Hehehe.

I Just Love You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon