Chapter 6.

41 2 0
                                    

Chapter 6.

To: Bea

Ligo lang ako.

“Ma, punta lang ako kay Bea. May sasabihin lang daw siya sa’ken.” Bilang isang mabait na anak, kailangan kong magpaalam muna kay Mama. Baka mamaya, may kailangan siya sa akin tapos hindi niya ako mahagilap. Mabuti nang alam niya kung nasaan ako.

“Baka naman ikaw ang may sasabihin sa kanya.” Napailing na lang ako at simpleng napangiti sa biro niya. Ewan ko din kung sasabihin ko na ba kay Bea yung nakita ko. Parang ayaw ko pa e. Huhlihin ko na lang siguro siya. O hihintayin na siya na mismo ang magsabi ng katotohanan. Bahala na nga lang mamaya.

“Hindi po Ma. Saka ano naman po sasabihin ko sa kanya?”

 “O siya sige na. Basta magdala ka ng panyo o tissue ha.” Kurutin ko kaya sa singit tong si Mama. Ang kulit ng lahi nito. Nagpunta muna ako sa kwarto at kumuha ng pamalit kong damit. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili, umalis na ako. At oo, nagdala nga ako ng panyo at extrang pera na rin. Baka may magustuhan akong bilhin e.

Habang nasa biyahe ako, nakita ko si Sarah na naglalakad. Parang may nagbago kay Sarah. O baka ganun naman talaga siya, di ko lang pansin noon kasi di naman kami close. Ewan ko. Bahala na siya. Di ko na siya iisipin kasi naaalala ko lang yung mga pictures nilang dalawa ni Brian.

Ilang minutes lang ay pumara na ako. Andito na ako sa kanto papunta sa bahay nina Bea. Tinext ko na siya na naglalakad na ako papasok. Hihintayin na lang daw niya ako sa kanila. Di daw niya maiwan yung pamangkin niya kaya di siya makakalabas. Mga 3 minutes lang na lakad at andito na ako sa harap ng bahay nila. At heto siya, inaabangan na ako sa labas. Ang sweet naman ng friend ko.

Pagpasok namin sa bahay, iniwan muna niya ako sa sala at dinala niya ang natutulog niyang pamangkin sa kwarto nito. Kukuha na din daw siya ng merienda. Nanonood lang ako ng TV kahit di ko type ang palabas. Di kasi ito ang channel na pinapanood namin sa bahay e. Pagbalik ni Bea dito sa sala, pinapili niya ako ng DVD na gusto ko daw panoorin at saka niya isinalang.

Habang nanonood kaming dalawa. Napapansin kong napapasulyap siya sa akin. Hindi naman siya ganyan dati e. Sa tagal naming magkaibigan, ngayon lang siya ganyan sa akin. Di ko naman siya matanong. Magsasabi na kaya siya? Baka kumukuha lang siya ng tyempo.

“Maxy, nagkita na ba kayo ni Brian? Nakapag-usap na ba kayo?” Sh*t. Anong sasabihin ko? Hindi pa? O sasabihin ko na ba? Wait lang. Di ako prepared dito. Bakit kasi yun agad ang tanong niya. Wala man lang segway.

“H-Hindi pa nga e. Huli kaming nagkita nung ano, kelan nga ba. Wait. Nung ano, nung b-birthday ni Mateo. Oo yun nga. Nun pa kami huling nagkita. S-Saka ano, hindi pa niya ako tinatawagan ulit. B-Baka wala siyang load.” Wew! Bago pa ako nakahagilap ng idadahilan. Nabubulol pa ako. Pakiramdam ko tuloy, ang defensive ng sagot ko. Wala pa naman siyang sinasabi. Sinubukan kong maging kaswal, pero hindi ko napigilan ang kaba ko.

“Okay ka lang Maxy?” Hindi. Hindi ako okay. Gusto ko yang isigaw sa pagmumukha niya. Pero ayokong magpadala sa emosyon ko. Kailangan kong magpigil ng sarili.

“O-Oo naman Bea. Bakit? May problema ba?” Kinakabahan ako sa tingin ni Bea. Kakaiba talaga. Para siyang maiiyak na ewan. Baka naman siya ang kailangan kong tanungin kung okay lang ba siya. O kung kamusta kaya sila ni Brian? Kamusta ang naging lakad nila kahapon?

“Sigurado ka ba na okay ka lang talaga? Napansin ko kasi na parang medyo maga ang mata mo. Umiyak ka ba?” Ah. Yun pala yun. Mukha pa bang kinagat ng ipis ang mata ko? Mahirap matanggal agad to kasi kaninang paggising ko lang naman ako huling umiyak e. Saka heavy ang pag-iyak ko na yun. So obvious pa rin pala kahit may tatlong oras na rin ang nakakalipas. Buti na lang at yon ang napansin niya at hindi ang kaba ko.

I Just Love You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon