Chapter 9.

39 1 0
                                    

Author's Note:

Hello to you, my silent readers! Haha! Dinamihan ko na po ang updates ng story na to. Di ko kasi sure kung sasapian pa ulit ako ng kasipagan kasi malapit na magpasukan. Huhuhu. Mas sinasapian kasi ako ng kaba. Graduating na kasi ako kaya ganito ang nararamdaman ko. Kapag natagalan yung sunod na update ko, pagpasensyahan niyo na lang po ako ha. Kapag naging regular na weekly naman base sa plano ko, ang swerte niyo. Wahaha! Yun lamang po. Salamat sa mga nagbabasa kahit na feeling ko hindi niyo nagugustuhan. Babye! Enjoy lang po kayo. ^___^V

---

Chapter 9.

“Si Bea?”

“Meron pa bang iba?”

Hindi ako sumagot. Napakunot na lang ang noo ko. Ha! Naitago niya sa akin ang katotohanan pero kay Kuya Carl nasabi niya. Ano bang problema nila? Natatakot ba sila? Natatakot silang sabihin sa akin ang katotohanan pero hindi sila natakot na pagtaksilan ako.

“I know Maxene na dapat hindi ka pinangunahan ni Bea. Wag kang magalit sa kanya. She’s just concerned. Intindihan mo na lang siya. Kasi kahit siya, hindi niya kayang ihandle yung sitwasyon.”

Hindi niyo kasi nararamdaman yung nararamdaman ko e. Kaya madali niyong nasasabi na wag akong magalit. At saka ano yun, humingi pa siya ng tulong kay Kuya Carl? Para ano? Para sila ni Brian ang magsama? Hindi niya daw kayang ihandle ang sitwasyon? E kung naghanap na lang ba siya ng ibang lalaki at hindi yang boyfriend ng bestfriend pa niya ang lalandiin niya.

Nakakainis! Nakakabwisit! Ang lakas ng mga loob nilang pumasok sa ganitong klase ng sitwasyon tapos hindi naman nila kayang pangatawanan. Kailangan pa nilang humingi ng tulong sa ibang tao para tuwirin ang gusot na ginawa nila. Ano bang klaseng  utak meron sila?

At saka intindihin ko si Bea? Bakit? Kasi sila ni Brian ang totoong nagmamahalan? Yun ba ang dahilan? Bakit ganun? Parang unfair e. Ako yung nawalan. Ako yung nasaktan. Ako yung naagawan. Tapos ako pa din ang iintindi? Anong kalokohan yun?

“Uuwi na ko Kuya Carl, gusto ko lang mapag-isa.”

“You sure? Mukhang hindi ka pa okay ah.”

“Gusto ko munang mapag-isa. At saka baka hinahanap na rin ako nina Mama. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanila.”

“Don’t worry Maxene. I already informed them na magkasama tayo.”

“Ganun ba?”

“Yeah. So? Let’s go, hatid na kita.”

Bakit parang pakiramdam ko mag-isa lang ako. Walang nakakaintindi sa akin. Wala akong kakampi. Akala ko, pag dumating na si Kuya Carl, may makakaintindi na sa akin. Kaso parang nasa panig siya ni Bea. Bakit? Di ba mali naman ang ginawa nila? Masama yung ginawa nila di ba? Kasi niloko nila ako. Tapos parang ako pa ang mali. Bakit ganito?

Hindi ako nagsasalita sa biyahe namin. Nawala ako sa mood makipag-usap dahil sa inis na nararamdaman ko. Bakit kasi ganito ang nangyayari? Nakakafrustrate naman tong buhay na to oh! Alam niyo yung pakiramdam na parang napapamura ka na kaso kailangan mo lang pigilan? Ganun ako nanggigigil ngayon e. Tapos pakiramdam ko pa maiiyak na ako sa inis. Bakit ba naman kasi ganito sila? Daig ko pa yata ang inabandunang kuting na tinapon sa ilat e.

Kahit hindi ko lingunin, napapansin kong napapalingon sa akin si Kuya Carl. Pasensya na Kuya Carl, ayoko munang kausapin ka. Ayokong ikaw ang mapagbuntungan ko ng sama ng loob ko kahit na is aka sa mga dahilan ng pagkainis kong to. Ayokong pati tayo e magkasamaan din ng loob. Hindi ko pa nga alam kung paano ko mapakikisamahan si Bea, ayokong pati tayo, magkaganun din.

I Just Love You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon