Chapter 7.
Parang gusto ko mapatawa sa naisip ko. Nagulat si Brian sa pagkakita sa akin. Nagulat si Bea sa pagdating ni Brian. At ako nagulat sa reaksiyon ni Bea.
Unexpected? Halata naman di ba? Hindi namin lahat inasahan ang ganitong pagkikita. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para magkaalaman na. Wala na sigurong takbuhan to.
Sa ngayon ay nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko naririnig mula kay Brian ang totoo. Kahit na narinig ko na kay Bea, gusto ko ring manggaling mismo sa bibig ni Brian ang lahat. Torture kung torture. Wala na akong pakialam. Basta gusto kong pareho silang magsabi.
Mula sa likuran ko ay naglakad si Bea palapit kay Brian. Nag-uusap sila ng pabulong. Umamin na nga siya sa akin, magbubulungan pa sila? Ano pa ba ang hindi ko alam. Mayamaya ay itinutulak nan i Bea si Brian palabas ng gate nila.
“Bakit Bea? Bakit mo pinapaalis si Brian? Tama bang ikaw lang ang magsabi sa akin ng katotohanan?” Pareho silang natigilan. Napayuko naman si Brian at si Bea naman ay nilapitan ako. Hinawakan niya ako sa braso ko pero hinawi ko lang iyon. Nagpipigil lang talaga ako ng sarili ko para hindi ko siya masaktan ng pisikal.
Lumapit ako kay Brian at pilit siyang pinaharap sa akin. Kita sa mukha niya ang guilt. Dapat lang. Dapat lang na maramdaman na iyan. Matapos ang kataksilan nila!
“O ano Brian? Wala ka bang sasabihin sa akin?”
“Sorry Max.”
Kalokohan! Pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko sa narinig ko. Wala na ba siyang ibang alam sabihin kundi ang sorry? Ano pa ba ang magagawa ng sorry niya? Wasak na ako! Wala ng magagawa ang sorry niya kahit ilang milyong beses pa niya ulitin.
“Yan na lang ba ang laman ng utak mo at yan lang ang kaya mong sabihin? Ha?” Hindi ko alam kung totoo ang nakikita ko. Hindi ko na lang ipinahalatang nagulat ako nang tumulo ang luha ni Brian. Ang isang Brian Montalbo, lumuluha. Sa bagay, ngayon lang naman kami nagkaganito. Yung sinisigawan ko siya, at tapos sa harap pa ng ibang tao.
“Hindi ko naman sinasadya Max e. Huwag ka namang magalit ng ganyan sa akin.”
“Sino ka para pagsabihan ako na wag ako magalit ng ganito? Wala ba akong karapatang magalit sa panlolokong ginawa mo sa akin? O baka gusto mo ng celebration?” Ang tigas din ng mukha para pakiusapan akong wag magalit. Ginagawa niya ba akong tanga? Hindi ba kagalit-galit ang ginawa niya? Ang ginawa nila?
“Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Please understand me Max. Hindi ko naman akalain na hahantong sa ganito e. Kung alam ko lang sana, edi sana noon pa lang dumistansiya na ako sa kanya.”
“Paano kita magagawang intindihin? Niloko mo na nga ako, nagsinungaling ka pa! Tinanong kita kung meron na bang iba pero anong sinagot mo? Sabi mo wala! Tapos ngayon, malalaman ko na meron palang iba! Kung hindi ko pa kayo nakitang magkasama kahapon sa mall at kung hindi pa umamin ang babaeng to sa’kin hindi ko pa malalaman ang kasinungalingan mo! Wala kang kwenta! Bakit Brian ha? Bakit? Dahil ba hindi ko maibigay sa’yo ang gusto mo?! Dahil hindi mo makuha ang katawan ko?! Yun lang ba ang gusto mo?!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Wala nang makakapigil sa akin ngayon. Pero pasalamat pa rin silang dalawa dahil hanggang sa salita ko pa lang sila sinasaktan.
“Hindi ko naman ginustong magsinungaling sa’yo e. Sasabihin ko na sana sa’yo ang totoo kaso naunahan ako ng takot. Alam kong lalo ka pang masasaktan pag nalaman mo na ang totoo.”

BINABASA MO ANG
I Just Love You (On-Going)
RomanceSimpleng babae lang si Maxene dela Vega. Kagaya ng karaniwang babae, nagka-crush, nagmahal, at nasaktan din siya. Pero hindi niya inakala na mapapaglaruan pala siya ng tadhana. Sa kabila ng pagsisinungaling, pagpapanggap at pagtatago ng sikreto sa k...