Chapter 12.

44 2 0
                                    

Chapter 12.

-Maxene dela Vega-

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang marinig ko na mula mismo kay Brian kung anong totoong nagyari. Kahit pala alam ko na ang nangyari dahil nga sa sinabi na sa akin ni Bea, talaga palang mas masakit kapag mismong kay Brian nanggaling. Doble ang sakit. Yung parang hinihiling ko na sana hini totoo, pero hindi e. Eto at sinabi pa din niya.

Pero kahit na ganito kasakit, hindi ko siya makakayang saktan. Kahit pa ito ang gusto niyang mangyari, hinding hindi ko yon gagawin. Hindi ko siya sasaktan para lang makaganti ako. At kung meron man akong gustong gawin ngayon, iyon ay ang lumaban. Lumaban para sa aming dalawa. Ipaglaban kaming dalawa. Dahil mahal na mahal ko siya at alam kong mahal pa niya ako.

“Brian, alam mong hindi ko magagawa yan sa’yo. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay mahalin ka.” Umiiyak na sabi ko sa kanya habang yakap ko siya.

“Max – “ Hindi ko na siya pinatapos sa kung ano man ang sasabihin niya. “Brian sorry. Sorry kung nagalit ako sa’yo. Sorry kung nasigawan kita noon. Dapat kasi nakinig muna ako sa’yo. Sorry kasi nagpadala ako sa galit ko. Sorry kung hindi kita pinayagang magpaliwanag nung nagkita tayo dati.”

Kumalas naman siya sa pagkakayakap at iniharap ako sa kanya. Matiim niya akong tiningnan sa mga mata ko. “Wag kang magsorry. Naiintindihan kita. At deserve ko ang galit na nararamdaman mo.”

Umiling naman ako sa sinabi niya. “Hindi. Hindi dapat ako nagalit sa’yo. Dapat inintindi kita. Kasi di mo naman sinasadya yun di ba? Hindi mo naman ginusto yung nangyari di ba?”

“H-Hindi. Wala akong ginusto sa lahat ng nangyari noon.” Sagot naman niya.

Diretso at seryoso naman akong tumingin sa kanya. “Mahal mo pa ako di ba?” Tanong ko sa kanya.

“Oo. P-Pero Max – “

“Mahal pa din naman kita. Brian, nagmamahalan pa naman tayong dalawa. Pwede pa tayong lumaban.”

“Max hindi na pwede.” Umiiling niyang sagot.

Naguguluhan ako. Bakit ganito siya. Sabi niya mahal niya pa naman ako. Pero bakit ayaw niyang lumaban? Bakit parang wala siyang balak na lumaban? Ganito kadali na lang ba niya itatapon ang pinagsamahan namin?

“Panong hindi pwede? Ako ang mahal mo at hindi si Sarah. Tayo ang may karapatan. Hindi kayo ni Sarah. Kasi umepal lang naman siya sa atin e. Siguro.. Siguro pagsubok lang sa atin si Sarah. Para mas tumatag pa tayong dalawa. Di ba? Para malaman natin kung hanggang saan natin kayang lumaban. Kaya dapat lumaban tayo pareho.”

Yumuko siya at umiling. “Hindi Max. Hindi mo naiintindihan e.”

“Ano bang hindi ko naiintindihan? Kung meron man akong hindi naiintindihan, please lang ipaintindi mo sa akin.” Desperada kong sagot sa sinabi niya.

“Naka-set na ang kasal naming dalawa ni Sarah. At hindi ako pwedeng umurong. Maniwala ka, ginagawa ko to para sa ating dalawa.”

“Teka Brian. Mas naguguluhan yata ako. Para sa ating dalawa? E sa ginagawa mong to, mas sinasaktan mo lang ako. At alam kong nasasaktan ka din. Kasi napipilitan ka lang gawin to. Hindi mo mahal si Sarah kaya wag mo itali ang sarili mo sa kanya. Hindi ka magiging masaya.”

“Hindi ko nga siya mahal pero magkakaanak kami. Kailangan kong panagutan ang bata.”

Ang sakit isipin na nasira kaming dalawa dahil sa ganito. Hindi ko masabi kung pagkakamali ba o kung aksidente ba o kung ano ang itatawag ko dito. Ganito pala to kasakit. Ngayon ko lang narealize, hinanda ko ang sarili ko para mahalin ko siya pero hindi ko naihanda ang sarili ko para masaktan. Bakit ba kasi hindi ko naisip na dadating kami sa ganito?

I Just Love You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon