Chapter 13.
-Beatrice Quijano-
Isang linggo nang hindi makausap ng maayos si Maxy. Nakwento niya sa akin ang tungkol sa pag-uusap nila ni Brian. Ang kulit din kasi ng babaeng yun e. Ilang beses na naming pinagsabihan yun ni Carl na wag na umasang babalikan pa siya nun.
Alam ko naman kasi ang buong pangyayari. Sinabi lahat sa akin ni Brian ultimo pinakamaliit na detalye. Naisip ko lang na si Brian ang mas dapat na magsabi ng buong katotohanan kay Maxy. Hindi ko naman siya masisi kung bakit ganun na lang siya katakot na magsabi. Nakita ko naman kung gaano niya kamahal ang baliw na babaeng yun. Totoong perfect couple na sila. Kaso wala e. Ganito talaga ang buhay. Minsan talaga may mga dapat umeksena.
Eto naman kasing si Maxy girl e. Sinabihan ko na din noon na hinay hinay lang sa pagmamahal. Kaso ang sabi niya di daw niya kaya yung ganun. Kaya ayun, bigay todo. Bira kung bira. Buti na nga lang at sealed pa rin ang ‘down there’ niya. Kung hindi, naku lagot na talaga. Siguradong maglulupasay yung bruhang yun. At siguradong lagot siya kay Tito Lando at Tita Mercy.
“Carl, ano na? Ano bang gagawin natin kay Maxy?” Andito kasi ako ngayon sa mansion nina Carl. Nagtataka ba kayo kung bakit Carl lang ang tawag ko sa kanya at si Maxy ay tinatawag siyang kuya? Wala lang. Haha! Nasanay lang ako sa ganun. Crush ko kasi to dati, e ang pangit naman kung tatawagin ko siyang kuya.
Aware din siya na naging crush ko siya. Wala naman sa akin yun e. Di ako yung type na ma-awkward. Simply, I don’t take life seriously. Chill lang dapat. Kaya total opposite kami ni bestfriend Maxy e. Kaso ang nangyari, rejected ang lola niyo. Di kasi ako ang type niya. Pero oks lang yun. Magbestfriend naman kami. Okay na din ako dun. Kesa wala di ba?
“Bea, I didn’t know na ganito maaapektuhan si Maxene. She must really love him.” Malungkot na pahayag ni Carl. Sira din yata ang tuktok ng isang to e.
“Oo naman no. Halos tatlong taon lang naman sila. At isa pa, si Maxy kasi yung tipo na seryoso pagdating sa love. Alam mo namang magkaibang magkaiba kami di ba?” Hindi naman siya sumagot. Nakasandal lang siya sa malambot nilang sofa at nakatakip ng braso ang mga mata niya.
“Pero itutuloy mo ba talaga ang plano mo?” Tanong ko sa kanya.
“Yeah. Yun ang alam kong pinakamagandang gawin.” Umayos naman siya ng upo at tumatango-tango pa siyang nagsalita. Seryoso talaga siya. At mukhang hindi ko siya mapipigilan.
Naalala ko naman bigla nung unang kinausap ko Maxy about kay Brian. Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya. Ang hirap kasi. Aminado naman akong may pagkawalanghiya ako e. Pero pagdating sa kanya, syempre hindi ko kayang masaktan siya kahit na may pagkaMEAN ako sa kanya minsan.
“Siguraduhin mong hindi ka papalpak diyan ha.” Hindi naman sa nagdududa ako sa effectivity ng plano nila kasi successful naman yung first part e. Natatakot lang ako na baka dito sa second part pa sila maburilyaso. Mahirap na. Magkakabukingan pa.
“Papalpak lang naman to kung malalaman niya e. Kaya alam mo na ang dapat mong gawin Bea.” Haruyku naman. Seryoso masyado ang lolo niyo. Ang sama pa ng tingin sa akin. Mabuti na lang at ordinaryong tao lang siya. Kung nagkataong si Superman talaga to, siguradong lusaw na ako sa laser beam na lumabas sa mga mata niya.
“Para namang nadulas ako kahit minsan sa mga plano mo kung makapanakot ka.” Naiinis na sagot ko naman sa kanya. Ako pa ba? E takot ko na lang sa kanya no. At saka may matinong usapan na kami.
“Naninigurado lang.”
“Sure na sure. Sealed na sealed tong ever kissable lips ko basta tuparin mo ang pangako mo.”
BINABASA MO ANG
I Just Love You (On-Going)
RomanceSimpleng babae lang si Maxene dela Vega. Kagaya ng karaniwang babae, nagka-crush, nagmahal, at nasaktan din siya. Pero hindi niya inakala na mapapaglaruan pala siya ng tadhana. Sa kabila ng pagsisinungaling, pagpapanggap at pagtatago ng sikreto sa k...