Orette's POV
"Wake up, Orette." Nagtalukbong ako ng kumot. "Hmm..."
"Hey," tawag sa akin ni Yera.
"20 minutes," sabi ko.
"Orette, on the count of 3..." Napabangon ako nang mas lalong lumamig ang boses niya.
"Yera naman eh! Ayokong pumasok! Huhuhu!" pagmamaktol ko.
"You have to." Tumayo na siya at pumuntang kusina. Magluluto siguro 'yun.
Naligo na ako at nagbihis. Pumunta ako sa kusina at nakita kong nakahanda na ang almusal namin sa lamesa.
"Eat," utos niya sa'kin.
Ang sama talaga! Huhuhu! Grabe makautos! Kahit 'di naman ako sabihan, kakain ako eh. Papalagpasin ko pa ba ang grasya? Hehehe.
Tiningnan ako nang malamig ni Yera. Ba't? Nabasa niya ba isip ko Hahahaha, imposible. Kumain na ako, ganun din siya. Binalot na kami ng katahimikan.
Oo nga pala, Hi everyone! I'm Orette Domiana Henderson, 17 years old and 1st year college! My course? Law lang ang kinuha ko. Friday ngayon at mayroon akong pasok na whole day. Loaded ang schedule, it means, hanggang sabado.
So... Hindi naman kami mayaman, sakto lang para matugunan ang needs lalo na sa pag-aaral. Hindi rin naman ako matalino, masipag lang. Hehe.
"Yera, ayoko talagang pumasok," naka-pout kong sabi. "Tsk."
"Natatakot nga kasi ako."
"Don't be."
Siya naman pala si Aviera Sharvele, my one and only bestfriend. Yup, one and only talaga kasi wala naman akong iba pang kaibigan maliban sa kanya. Same age kami.
Alam niyo ba, kamukhang-kamukha ko siya! Tama, kamukha ko siya! Mula ulo mukhang paa! Este, mula ulo hanggang paa, same ang appearance namin.
Sinubukan kong tanungin siya about 'dun dati pero ang laging sagot niya sa'kin ay 'Soon'. Next time niya raw sasabihin.
At kung itatanong niyo kung paano kami nag-kakilala, ganito kasi 'yan.
Papunta kami ng parents ko sa America para doon na manirahan pero... P-pero hindi 'yun natuloy dahil nabangga ang k-kotse namin sa isang 8 wheeler truck.
--Flashback--
Iminulat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang isang kisame. Agad akong bumangon. "N-nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili.
Nilibot ko ang tingin ko. Mukhang apartment. Maganda naman, hindi mukhang pipitsugin. Hehe.
"Already awake?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng isang malamig na boses at nakita ko ang isang babaeng kaedad ko at... kamukha ko? Nakatayo siya malapit sa veranda habang nakaharap sa akin.
"S-sino ka? B-bakit... Bakit kamukha kita?!" Binalot agad ako ng takot. Lumapit siya sa'kin. "I won't hurt you." Ang lamig. Grr...
"Paano naman ako makakasiguradong hindi mo ako sasaktan?!"
"Tss. Why would I hurt someone I just saved?"
10 years old pa lang ako at alam kong ganoon din siya pero ang mature niya manalita.
"Saved?"
"Yeah, your car was about to explode so I entered it and got 'yah."
WHAT?!
"Imposible! Bata ka rin tulad ko kaya imposible!"
"Tss." May kinuha siya sa isang table. "Eat." Ginawa ko naman ang sinabi niya.
YOU ARE READING
Chosen Mortal
FantasyShe's Orette Domiana Henderson, living together with her bestfriend, Aviera Sharvele. Ordinaryo lang ang buhay niya. Normal lang ang lahat. Araw-araw siyang binubully. Walang nagbabago. Everything was nothing before she found out what Yera's real i...