Orette's POV
"Ang sarap mo talagang magluto, ate Orette!" Napangiti ako sa sinabi ni Saiah. "Hindi naman."
"She's right, Orette. Don't be too humble," paggatong naman ni Bridgette. Hindi na lang ako umimik at patuloy lang na kumain.
"Kinakabahan at nae-excite ako mamaya!" ani Scane. Kanya-kanyang sang-ayon naman kami.
Nandito nga pala ang boys sa Female Liceps' Dormitory. Nakikikain sila. Ewan ko ba sa mga 'yan. May cafeteria naman pero mas pinili nilang kumain dito.
"Paano natin aalamin kung sino ang kasalukuyang holder ng Mansria Flute?" tanong ko.
Tumingin silang lahat sa akin. Hinawakan ni Kyle ang baba niya na parang nag-iisip.
"The place," malamig na sabi ni Burn. Nagtataka kaming mga babaeng tumingin sa kaniya while the boys just nodded and keep praising Burn.
"Galing mo talaga, bro!" Tinapik pa ni Quade ang braso niya.
"Brilliant!" sang-ayon naman ni Kyle.
"Tama!" ani naman ni Kyle
Paano nila nalaman ang gustong iparating ni sunog sa pamamagitan ng dalawang salita?
"Ano?" medyo may kalakasang tanong ni Scane.
"Malalaman natin kung sino ang holder sa pamamagitan ng lugar kung saan pupunta ang monsters," paliwanag ni Kali.
Huh?
"Enlighten us please," mariing sabi ni Bridgette.
"We're going to separate the people who are capable of stealing the flute," ani Kyle. "When the culprit uses the flute, the monsters will go to the exact place of the user and we will know who he/she is," paliwanag niya.
"Pero marami 'yung mga taong kayang makapasok sa palasyo!" bulalas ni Saiah.
"Hmm... Let's see." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Burn.
Ang gulo nila!
***
My jaw dropped when I wandered my gaze at the Ezberg palace.
Ang gandaaaa!
Kamukhang-kamukha ng mga palasyo sa movies!
Pero... 'Yung nasa labas ng palasyo ay puro damages dahil nga sinugod ito ng mga monsters.
Nakarating kami dito sa Ezberg City by ship. Para kasing island 'tong bayan na ito kaya kinailangan pa namin ang ship. Hindi kami lumipad dahil mayroon kaming mga dalang bagahe.
Btw, hindi pala nakasama ang dalawang taga-section A. Si Kimly Decand at Flax Walts. At hahaha! Natakot daw sa akin si Flax samantalang ayaw na raw magpakita ni Kimly dahil sa pagkapahiya niya 'nung isang araw at hindi talaga sila napilit ni HM! Hahaha!
"Welcome to my place, Liceps," nakangiting bati sa amin ni Duke Joseff. We've had a small talk before the Duke left to visit the city outside.
"Tara, simulan na natin ang pag-iimbestiga." Tumango kami sa sinabi ni Kali.
Matapos maglibot sa palasyo, nalaman na namin kung sino ang posibleng user ng flute. Si Aling Sina, isang maid na laging naaatasang linisin ang office o kwarto ng Duke Joseff-- kung nasaan ang key ng chest at si Lady Diana, ang asawa ni Duke Joseff na araw-araw na nasa kwarto ng asawa dahil iisa lang sila ng tinutulugan. Tinanong namin kung sinong nakakapasok sa room ng duke dahil kokonti lang ang pwede at hindi naman 'to basta-bastang napapasok.
YOU ARE READING
Chosen Mortal
FantasyShe's Orette Domiana Henderson, living together with her bestfriend, Aviera Sharvele. Ordinaryo lang ang buhay niya. Normal lang ang lahat. Araw-araw siyang binubully. Walang nagbabago. Everything was nothing before she found out what Yera's real i...