Orette's POV
-After 8 months-
Time flies so fast talaga eh 'no? December 07 na... Malapit na ang birthday ko-- I mean, namin ni Yera.
Kinakabahan ako sa pag-iisang katawan namin.
Nasa parang veranda ako ng Elgon. Umupo ako at tumingin sa baba.
Hays...
Mas gumaling na ako kaka-training. Almost 1 year na akong nandito sa Grimory World. Nasanay naman na ako sa paligid. Naka-adjust na ako at hindi na gaanong nabibigla sa mga kakaibang bagay.
Namiss ko 'yung mortal world kahit lagi akong nabubully 'don.
"Hey."
"Ay bully!" sigaw ko dahil sa gulat. "Yeraaaa!!!" gigil kong sigaw.
"What?" malamig at inosente niyang tanong.
"Nanggugulat ka na naman! Kainis ka!"
"Tss, I didn't. Masyado lang talagang malalim ang iniisip mo." Oh diba? Improving si Yera. Humahaba na magsalita at pagt-Tagalog pero grrr-- Ang lamig pa rin.
Umupo siya sa kaharap kong upuan. Bumuntong hininga na lang ako. "Are you alright?"
"No, I'm not. I'm Orette Domiana Henderson," pamimilosopo ko na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil mas lumamig at nawalan ng emosyon ang kaharap ko na nakatitig sa akin. Shems!
"J-joke lang naman. 'To naman, h-hindi m-mabiro. H-hehehehe?" utal-utal kong sabi.
"I'm asking you."
Tiningnan ko ang buong katawan ko. "Okay lang naman ako ah? Wala akong sakit." Mas naging cold ang tingin niya sa'kin.
WAAAAAHHH!!! Breeeeennntttt!!!
"What?!" Narinig kong bulyaw ni Brent.
"Aray ah, makabulyaw naman 'to. Heller, masakit sa tenga, kahit telepathy lang gamit natin. Tch."
"Ang ingay mo din kasi. Ano bang kailangan mo?" tanong niya. "Iligtas mo ako kay Yeraaaa!!!" pagsusumamo ko.
"Bahala ka diyan. Tsk."
"Waaahh!!!"
"Orette Domiana Henderson." Napatayo ako agad. "Y-yes ma'am?!" She glared at me. Nagtayuan ang balahibo ko.
"A-ano kasi hehehe. Ano! Ano, n-naaano kasi ako sa ano ko kasi nga diba, a-ano na! Hehehe," natataranta kong sabi.
"ANO?!" Mas nataranta ako nang lumakas ang boses niya pero ang cold pa rin.
Tumingin-tingin ako sa paligid. "A-aahh, Yera. alam mo ba na ang N-nitrogen ang most abundant element. Tapos, ang p-penguin ay isang uri n-ng ibon pero hindi marunong lumipad!" Nanginig ang tuhod ko sa titig niya at medyo nakakunot na ang noo niya. "But wait! There's more! Alam mo ba 'yung commercial sa KFC?! 'Yung TGIT? Thanks God It's Tuesd--"
"Cut that."
Agad akong lumuhod at nakalapat din ang dalawang braso ko sa sahig na parang sinasamba siya. "Marami pa po akong pangarap sa buhay! 'Wag po! 'Wag po! Alam ko naman na masyado akong madaldal at hindi ko alam kung kasalanan 'yon pero feeling ko oo, kaya patawarin niyo na po ako sa lahat ng masasamang nagawa ko sa mundo at sa pagiging konsumisyon ko. Hindi ko po sinasadya pero parang sinadya ko na din dahil inborn na po ang pagiging madaldal ko pero 'wag niyo po akong puputulan ng dila!!!" Hiningal ako pagkatapos kong sabihin 'yon.
"Orette," mahina at mahinahon niyang tawag sa akin. Dahan-dahan ko namang iniangat ang ulo ko para tingnan siya. Pinatayo niya ako.
She tapped my shoulder. "You're not okay. You're being nervous because we're going to be one on your birthday. Calm down. Everything will be alright," medyo mahaba at kalmado niyang sabi. Pero ang cold pa rin talaga. Tss.
YOU ARE READING
Chosen Mortal
FantasyShe's Orette Domiana Henderson, living together with her bestfriend, Aviera Sharvele. Ordinaryo lang ang buhay niya. Normal lang ang lahat. Araw-araw siyang binubully. Walang nagbabago. Everything was nothing before she found out what Yera's real i...