Chapter 17: Scanium's rule

4 1 0
                                    

Quade's POV 

"Nagugutom na akoooo!!! Hindi ako nakakakain! 3pm na! Limang oras na ang nakalipas, gutom na gutom na akooo! Strawberry~" Napasimangot ako nang marinig ko ang boses ni Scane.

"Ang ingay mo!" saway ko sa kanya. 

Ang sakit niya sa tenga!

"Eh nagugutom ako eh!"

"Magtiis ka. Malapit na tayo sa bahay nila Orette!"

"Alam ko!"

"Then shut up!"

"Ayoko!"

"I said shut up!"

"Zip your mouth. Tsk, too noisy." Napatahimik ako nang marinig ko ang boses ng kuya ko. Takot talaga ako dito eh.

Kung hot-headed ako, cold naman 'to. Tss.

"We're here, guys," sabi ni Kyle.

Sabay-sabay kaming lumapag sa lupa nang makita namin ang bahay nila Orette. We were flying a while ago.

Kumatok si Kali sa pinto. Hinimas niya pa ang symbols sa taas ng pinto.

"Ngayon alam na natin ang ibig sabihin ng mga simbolong ito," nakangiti niyang sabi. Nagsitanguan naman kami.

Dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Leigh, ang libro ng propesiya na kasalukuyang naka-human form.

"Tuloy kayo, kumain na rin kayo. Alam kong gutom kayo. Nasa kwarto si Nawahati, kasama ang prinsesa," bungad niya sa amin. 

"Woah!" Scane reacted. "Paano niyo po nalamang gutom kami at kailangan namin si Orette?" Siniko siya ni Bridge.

"She's the book of prophecy." Tumango-tango naman si Scane. "Ahh... Ano naman?" I mentally face-palmed.

Bakit ba hindi nag-aaral 'to? Tsk!

"Ganito kasi 'yan, Scane," Tumikhim si Bridge. "Ang prophecy o ang panginoon natin ay ang may gawa ng lahat ng nangyayari dito sa mundo natin. Siya ang gumagawa ng lahat ng pangyayari. To make it easier, let's just say that he's the writer, Leigh is the book and we are the characters. Alam ni Leigh ang lahat ng nangyari, nangyayari o mangyayari dahil siya ang book. Get it?" paliwanag niya.

"Aahhh!" Nagliwanag ang mata niya pero sumimangot ulit. "Eh bakit hindi niya na lang patayin ang mga Evelesk? Tutal kaya niya naman 'yon." She pouted.

Napakamot kaming lahat sa ulo. "Uhh, ate Scane?" tawag sa kanya ni Saiah. 

"Bakit, Saiah?"

"Ano... Hindi ka po ba nakinig or nagbasa ng history ng Grimory World?" nagdadalawang-isip niyang tanong. Baka kasi ma-offend si Scane.

"Syempre naman--" Huminto siya at kinamot ang batok. "--hindi." We all sighed heavily.

Siya lang 'ata ang walang alam sa history. Heck, every first day of classes, 'yon agad ang topic pero hindi niya alam. 'Di kasi nakikinig. Tsk.

"Hindi naman kasi kontrolado ng panginoon ang mga Evelesk dahil mga mortal ang ninuno nila. Nakuha lang nila ang kauna-unahang Yldria at ayun, nagpasalinlahi na," pagsabat ni Kali.

"Yeey! Ngayon alam ko-- OMYGOSH, ORETTTEEEEE!!! PRINCESS AVIERA!!!" Tumakbo siya papasok sa loob. Dumiretso siya sa may hagdan kung nasaan ang mga prinsesa. Sinundan namin siya ng tingin at inakbayan ang dalawa. "Yiiieee, namiss ko kayo!!!" Kinurot niya ang pisngi ng dalawa. Lahat kami ay kinabahan sa ginawa niya.

Prinsesa ang mga 'yan!

"H-hey! Don't do that to the princesses!" kabadong saway ni Kyle.

Chosen MortalWhere stories live. Discover now