Chapter 4: Where am... I?

12 2 0
                                    

Orette's POV

Ngumiti ako kay Yera. "Tss."

Okay?

Pagkatapos ng promise chuchu namin, back to cold again? Abaw.

"Let's go home," malamig niyang saad.

Grr, so cold, Yera. So coolllldddd.

"Eh? Anyare sa'yo, Yera? Malapit ko na talagang isiping may sapak ka?" nagtatakang tanong ko. "Tss. Shut up."

Aguy, nababaliw na ang kakambal (kunwari) ko.

Aviera's POV

Why did I say it? That promise... I almost said that I am different from mortals. Oh gosh.

But... that was a big relief. It feels like I have removed something heavy inside me.

What's with that promise?

***

Orette's POV

So ayun na nga. Cold na ulit si mayora. Pagkatapos niya akong dramahan ng promise niya. Psh.

Pero sabi niya... 'pag nalaman ko ang tunay niyang pagkatao, hindi masisira ang pagkakaibigan namin? Bakit? Ano ba siya? Alien? 

Napahagalpak ako ng tawa sa inisip ko. 

"Stupid weird," mahinang sabi ni Yera. "Oy, narinig ko 'yon," mataray kong saad.

"I know," aniya.

Hooo! Nagugutom na ako.

By the way, about 'dun sa mga kung anu-anong ka-ek-ekan na lumalabas sa bibig ko, pinagsawalang bahala ko na lang 'yon but it is still bothering me. Gosh.

"Hays, ang sarap mag-movie marathon!" sigaw ko. Lalapit sana ako para buksan ang TV pero humarang bigla si Yera.

"Do not. You have classes tomorrow." Nanlumo naman ako.

"Oo na nga po, sabi oo nga. Hindi na manonood. Hmp!" Binigyan niya lang ako ng isang malamig na tingin at saka tumalikod.

Sinungayan ko siya gamit ang daliri ko habang nakatalikod siya kasabay ng pagm-make face ko.

"Nyenyenyeeee," mahinang pang-aasar ko at patuloy pa rin siyang sinusungayan.

"What's that?" Natigilan ako nang makitang nakaharap siya sa'kin. 

"Ah... ahh hehehe. Hindi mo 'to a-alam? 'E-eto 'yung a-ano! 'Yung ano! Peace sign! Tama! P-peace sign ang tawag dito," natataranta kong sabi. "Tss."

Hoo! Muntik na ako 'dun!

***

"Wake up." Nagtayuan ang balahibo ko nang marinig ko ang napakalamig na boses ni Yera.

"Ano ba naman, Yera! Aga-aga, nananakot ka!" sigaw ko. "Do I look scary?" walang emosyon niyang tanong.

May naisip akong kalokohan. "Oo kaya! Nakakatakot ka! Maliban na lang kung---" pabitin kong sabi. Bahagyang kumunot ang noo niya. "---kung magpapa-cute ka sa'kin! Like this!" Todo pa-cute ako sa harap niya. Todo wacky, pabebe at kung anu-ano pang pose ang pinaggagawa ko.

Tumaas ang kaliwa niyang kilay. "As if I would do that," aniya, sabay puntang kusina.

Huhuhuhu! Sayang effort ko!

Ginawa ko na ang morning routine ko at saka pumunta sa kusina. Nandoon si Yera at kumakain na.

"Hindi man lang ako hinintay. Tss," pagpaparinig ko.

Chosen MortalWhere stories live. Discover now