Prologue

63 9 2
                                    

"B-bakit ba ako nag-papaapi? Bakit h-hindi ako lumalaban? N-napakaduwag ko! A-ang... Ang hina-hina ko," umiiyak kong saad.

"You're not weak, Orette." Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Yera, ang kaisa-isahan kong kaibigan.

Humarap ako sa kanya. Sumalubong sa'kin ang malamig niyang tingin. "Ako? Hindi mahina?" sarkastiko akong tumawa. "Kalokohan."

"Tss. You don't know yourself fully." Katulad ng dati, malamig pa rin ang boses niya.

Naguluhan ako sa sinabi niya ngunit isinantabi ko na lang 'yon.

"Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko, Yera. Hindi ko alam... Wala akong maalalang may ginawa akong hindi maganda para magalit sila sa'kin. Gusto kong lumaban kaso... K-kaso hindi ko kaya," mahina kong sabi.

"You can. You can fight. You're strong." Tumayo siya kaya iniangat ko ang tingin ko sa kanya. Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. "Come with me, Orette."

"Saan naman tayo pupunta?"

"To the place where you can fight. To the place where you belong." Huminto siya at hinawakan ang kamay ko. "To the place where we will be one."

Bago pa ako makapagsalita, may lumabas na itim na usok mula sa kamay niya at unti-unti kaming binalot 'non.

"You're strong. We'll fight together."

***

Chosen MortalWhere stories live. Discover now