Chapter 3: Confused

19 6 0
                                    

Orette's POV

"Yey! Gising ka na!"

"Tss. At dahil tinawanan mo ako kanina 'nung sinabi kong ako ang propesiya, lagot ka sa'kin!" Narinig ko ulit 'yung lalaking boses. 

"Ano namang gagawin mo?" tanong ko. Tiningnan naman ako ni Yera. "Talking to...?"

"'Di mo ba naririnig 'yung boses?"

"Huh?" cold niyang tanong.

"Patuloy kang maguguluhan," mahiwagang sambit 'nung lalaki. Ano raw?

"By the way, bakit ka nangingitim kanina?" Napaisip ako sa tinanong ko. "Huh? Ano bang pinagsasabi ko? Nangingitim ka ba kanina?" Bahagyang kumunot ang noo ni Yera. 

"Paano nawala 'yung mga saksak ko sa katawa-- Wait! What am I saying? May naganap bang saksakan kanina? Waaah! Yera! What's happening to me?! May mga pangyayaring kusang lumalabas sa bibig ko kahit wala naman akong maalala na may nangyaring ganon!" natataranta kong sigaw. Inalog-alog ko pa ang balikat niya.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Huh?"

"Kanina... May narinig akong boses ng lalaki tapo-- Aaahh!!! Anong narinig, Orette? May narinig ba akong lalaki kanina? Am I crazy?!" 

Waah! Kailangan ko na 'atang pumunta sa Asylum! Nababaliw na ako!

"Did you?" Narinig kong bukong ni Yera sa hangin. Maya-maya ay tumango siya na parang may kausap.

Hala! Baliw na rin 'ata siya! Huhuhu! Mukhang magsasama kami sa Mental Hospital!

"What's with the face?" malamig niyang tanong. "Eeeehhh... Kasi, nababaliw ka na rin kaya sure akong parehas tayong madadala sa Mental," mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Idiot." Tumayo siya at iniwan ako.

Huhuhu. Anong nangyari? 

Pilit kong inalala ang mga naganap pero wala akong maalala. Eh ano 'yung saksak 'thingy' na 'yon? 'Yung nangingitim si Yera at 'yung boses. 

Gosssshhhh!!! Mababaliw na ako!!!

***

Matapos 'yung mga weird na happening sa akin ay wala naman nang nangyari. Normal na ulit ang lahat.

Naglalakad kami ni Yera sa hallway. Papasok na ako.

Teka, bakit may mga pulis? May huhulihin ba sila? May ambulansya? 

"Grabe pala 'no? Nakita niyo ba 'yung bangkay nila? Grabe, parang ang brutal ng pagkakapatay sa kanila."

"Oo nga eh. Lalo na 'yung kay Bhea."

Ano raw sabi nila? No no... Don't mind them, Orette! May mga pulis!

O-M-G! Waah! Baka ako ang hulihin nila dahil sa mga ka-weirduhan ko!

Mas kinabahan ako nang lumapit sa akin ang mga pulis. 

Mommy!!! Daddy!!!

"Ikaw po ba si Ms. Henderson?" Tiningnan ako ng lalaking pulis nang taas-baba at parang nagtataka.

"Aah... eehh... Opo, bakit?"

"Sumama po kayo sa akin." 

"H-huh?! Inosente po ako! Ikukulong niyo po ba ako?! Waaah! Yera!!!" Tahimik lang akong pinagmasdan ni Yera at parang may idea siya kung anong nangyayari.

"I-interview-hin ka lang po namin." Nakahinga naman ako nang maluwag. Pero bakit naman? Bakit ako? Ganoon ba ako ka-special?

Wews. Special. Rebisco Crackers! May pasobra dahil special ka! Hahahaha!

Chosen MortalWhere stories live. Discover now