Chapter 6: A real fantasy

11 2 0
                                    

Orette's POV

Tumakbo ako papalapit sa hot spring. Lumuhod ako sa harap 'nun. "Woah!"

"'Eto ang minsang pinaliliguan ng prinsesa sa tuwing gusto niyang mamahinga. Ang tawag dito ay 'Lurhaq' [Lur-Hak]." Napatango ako. 

Hinubad ko ang damit ko at dali-daling sumuong sa tubig. "Kyaaah!!! Ang sarap magbabad! Kaya siguro dito nagpapahinga si Yera!" sabi ko. Nagulat ako nang maghubad din si ate Leigh. Tinakpan ko ang katawan ko nang sumuong din siya sa tubig.

"'Wag kang mahiya, Nawahati. Parehas lang tayo ng kasarian," sabi niya. 

"P-pero ang awkward!"

"Ganyan ang kadalasang nadarama ng mga mortal na tao," nakapikit niyang saad, tila dinadama ang tubig.

Hoo! Nahahawa na ako sa lalim ng Tagalog ni ate Leigh! WAHAHAHA!

"Wanna hear a story, Orette?" Napatayo ako sa gulat sa nagsalita. "Omygosh Yera! Kailan ka pa naging kabute?!" Nasa tubig na rin at prenteng nakasandal sa batuhan.

"Tss. You're exposed." Namula ako at agad na umupo. Nilublob ko ang mukha ko sa tubig. 

Nakakahiya. Nakita ni Yera ang sexy kong katawaaan!

"Magkaibigan naman kayo at parehas na babae." 

"Hoy, Mr. Prophecy. Kabute ka na rin ba?"  tanong ko sa isip ko.

"Tsk tsk tsk."

"I'm asking you. Orette." Iniahon ko ang mukha ko. "Ano?"

"Wanna hear a story?"

Kumunot ang noo ko. "Ano bang story 'yan. Disney? Cinderella? The Little Mermaid? Snow White? Rapunzel? Frozen? Beauty and The Bea--" 

"Shut up." Napakamot ako sa ulo ko. "Hehehe, ano bang story?" tanong ko.

"My story," agad na sagot niya. "Really?! Writer ka na pala?!" Napaiwas ako nang batuhin niya ako ng batong panghilod. Saan nanggaling 'yon? Muntik na ako.

"'Nah, my story. The story of my life." 

"Naks, diba kanta 'yon? Story of my life~ I take her home~ I drive all night to keep her warm--" Napa-pout ako nang makita kong nakatingin siya sa akin nang masama. "Hehehe. Sabi ko, ano bang story'ng tungkol sa'yo?"

"Leigh, tell it to her," she said.

"Lahat po ba, prinsesa? Simula sa pinakaunang historya?" tanong ni ate Leigh. 

"Yeah, everything."

Tumikhim si ate Leigh bago magsalita. "Makinig ka sa ikukwento ko, nawahati." Tumango ako.

"Ang mundo natin, ang mundo ng Gremo--"

"Natin?! Bakit, ano ba ako? Sino ako? Kauri niyo ba ako? Anong role ko sa kwentong 'to? Ako ba ang heroine? Or kontrabida? O baka naman ako ang pinakamalakas?! Ano? Ano? Tell me!" 

"What. The. Heaven. Orette. Domiana. Henderson." Feeling ko nanikip ang dibdib ko nang maramdaman ko ang death glare ni Yera. (Hindi rin po siya nagmumura.) 

"Listen. To. Her. First. Understood?" Parang bata akong tumango.

Leigh's POV

Tumikhim ulit ako bago ipaliwanag ang mga pangyayari. "Nawahati, ang mundong ito ay ginawa ng aking panginoon. Mali, ng ating panginoon. Ang propesiya." Binigyan ko siya ng tingin upang magsilbing senyales kung may nais ba siyang tanong.

"Wala bang pangalan si Mr. Prophecy?"

"Ang sabi sa akin ng panginoon ay wala daw."

"Ahh. Okay, proceed."

Chosen MortalWhere stories live. Discover now