Orette's POV
Nakakamangha pero nakapagtataka. Nasaan ba kami? Nananaginip ba ako? Or baka patay na ako at ito ang heaven? Kung heaven 'to, bakit wala si Peter, ang nagbabantay sa gate ng langit? Baka naman baliw ako at nagh-hallucinate? Emegeeeesssshhh. What is happening?
"Welcome to our world, Orette. The place where that body was born, the place where you were born," nakangiting sabi sa'kin ni Yera.
"Huh? Nagbibiro ka ba, Aviera Sharvele? Anong hinithit mo ngayon? Solvent o rugby? Huy, tumino ka nga," seryoso kong saad. Bumalik ang poker face niya. "Tsk."
"Hoy sumagot ka."
"Tss. Let's take a rest first. I'm sure you're already tired after being bullied by those transferees."
"Saan naman tayo magpapahinga?" tanong ko. "Wala naman 'atang bahay dito ah?"
"Just shut up." Pumikit si Yera at ewan. Basta parang dinadama niya ang malamig na simoy ng hangin. Bigla akong nakarinig ng pumapagaspas na pakpak. Napatingin ako 'don.
W-what the heaven?! (Hindi po ako nagmumura) Anong klaseng...
Napanganga ako. "Librong may pakpak?!!" pasigaw kong tanong. Mas lalo akong nagulat nang sumagot ang libro, "Naglilingkod para sa inyo."
Wala siyang bibig pero sigurado akong nagsalita siya! WAAAAHHH!!!
"Mahal na prinsesa, antagal kong naghintay para maging pula ang buwan dito sa mundo. Nagagalak ako ngayong nakita na kitaaaa! Tinupad mo ang iyong pangako!" Lumipad siya papunta kay Yera. "Siya na ba ang iyong nawawalang kalahati?"
Inabot siya ni Yera. "She's my bestfriend and at the same time, my lost half. Introduce," malamig na sambit ni Yera.
"Magandang umaga! Ako nga pala si Leigh! Ang libro ng propesiya at ako'y pagmamay-ari ng lalaking bumulong sa'yo para pagalingin ang prinsesa. Siya ang propesiya at ang ating panginoon!" Hindi ako nakapagsalita. Totoo ba 'to?
"Lagi akong nakakausap ng prinsesa noong bata pa siya hanggang sa paglaki niya sa mundo ng mga tao," masayang pahayag niya.
"A-a-a-aaaaaaahhhh!!!" Agad akong tumakbo palayo. "Don't be scared, Orette. She's a friend. She's harmless."
"A-ano bang nangyayari??!!!!"
"Pumunta po muna tayo sa magiging tahanan niyo at doon namin ipapaliwanag ng prinsesa ang lahat." Lumipad siya papunta sa isang direksyon kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Laking gulat ko nang mapansin kong papunta kami sa direksyon 'nung punong color green ang katawan at silver white ang mga dahon.
"I-is that it? 'Yan ang magiging tahanan namin?" tanong ko.
"Tama ka, 'Nawahati.'"
"Anong 'Nawahati', Leigh?"
"Nakakatuwang tinawag mo ako sa aking ngalan! Ang nawahati ay nangangahulugang nawawalang kalahati. Pinaikli ko lamang upang hindi ako mahirapan," paliwanag niya. Hindi ko talaga alam kung bakit nawawalang kalahati? Mukha ba akong pizza na nahiwalay sa mga kapwa ko pizza?
"May name ako, Leigh. Call me Orette." Umiling siya. "Nawahati."
I don't have a choice.
Huminto kami sa harap ng magandang puno. Unti-unting may namuong kulay puti sa katawan nito. "Ano 'yan? Portal?" tanong ko. "Magaling! Tama ka, Nawahati! Isa 'yang lagusan na nakareserba para sa pagbabalik ng prinsesa kasama ang nawawalang kalahati at diyan tayo maninirahan!"
"Huh? Engkanto lang ang peg?"
"Maaari bang malaman ang ibig sabihin ng engkanto, Nawahati?"
"Wala bang ganun dito?"
YOU ARE READING
Chosen Mortal
FantasyShe's Orette Domiana Henderson, living together with her bestfriend, Aviera Sharvele. Ordinaryo lang ang buhay niya. Normal lang ang lahat. Araw-araw siyang binubully. Walang nagbabago. Everything was nothing before she found out what Yera's real i...