Chapter 7: The Liceps

13 2 0
                                    

Bridgette's POV

Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa isang malaking tigre na papalapit sa akin. 

"U-uhhh... Knife wind! Blocking air! T-tornad--- AAAHH!!!" The tiger groaned at me. Nakalimutan ko 'yung spell kaya kung anu-ano na lang ang pinagsasabi ko.

"Slash." Nanlaki ang mata ko nang mapugot ang ulo ng tigre sa harap ko. It's not an ordinary tiger. May breed siyang lion at ogre kaya ang creepy ng mukha niya. 

Tumingin ako kay Kyle. "S-salamat." He just nodded.

"Waaah! Bridgette!, Sorryyyy, 'di kita agad natulungan!" maluha-luhang sabi sa akin ni Scane habang nakayakap. "Okay lang. Ano bang ginagawa mo?"

Nag-peace sign siya. "Kumakain ako ng strawberries. Hihihi." I let out a sigh.

"Good job, Kyle. Naligtas mo si Bridge."

"'Wag mong tawaging Bridge si Bridgette, Quade! Hindi siya tulay!" angal ni Scane.

"Eh gusto ko eh, bakit ba?"

"Epal epal!"

"Immature!"

"Waaahh!!! Bridgette oh, inaaway ako," sumbong sa'kin ni Scane. 

"Let's now take a rest," biglang singit ni Kyle sa usapan. "Okaaaayy!!!"

Dumiretso na ako sa tent namin. Ginamitan ni Kyle ng magic ang buong area namin dito sa gitna ng gubat para magka-barrier. Paniguradong ligtas. 

Dalawang tent lang ang gamit namin. Isa para sa boys at isa para sa girls. 

"Scane?" Walang sumagot. 

"Scane???" Magkatalikuran kami at hindi pa rin siya sumasagot. 

"Scanium Villen-Sharvele?" Lumingon ako sa kanya at kitang-kita ko ang inosente niyang mukha na natutulog. "Tulog na pala."

Ipinikit ko ang mata ko. Bago lang ako sa Liceps. Liceps ang tawag sa mga napili ng Ersipus Tree. Isang buwan na ang nakalipas simula 'nung napili ako pero hindi pa rin ako marunong lumaban. Marunong ako ng mga basics pero kapag laban na, pang-depensa lang 'yon o pang-takas. Late daw ang progress ko. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako pinili eh. Isa akong duwag at mahina. Pakiramdam ko pabigat lang ako sa mga malalakas na kasama ko. Galing ako sa pamilyang Jaid. Mayaman kami pero pangit ang samahan namin. My family was so happy when I told them that I was chosen by our God. But they got disappointed when they discovered that I'm weak.

I'm Bridgette Jaid-Sharvele. Dating Bridgette Jaid, pero Sharvele na ngayon. Kapag napili ka ng Ersipus Tree, mapapalitan na rin ang apelyido mo base sa kung saang kaharian ka nabibilang.

Nandito kami sa gubat kung saan matatagpuan ang Ersipus Tree. Kasama ko ang natitira pang Liceps. They are Kyle Claviel Jaid-Sharvele, Scanium Villen-Sharvele and Quade Pherq-Sharvele. Dahil sa kapilyuhan namin, nag-cut kami ng classes at namasyal lang which is not appropriate because we must be the role model of our academy. And... This is now our punishment. Ang mag-stay sa wild forest na 'to sa loob ng 3 weeks. 

3 weeks din kasi ang sunod-sunod naming cutting.

For me, this is no joke. Maraming halimaw dito at mga hayop dito and I still don't know how to fight. Paano na?

"I can clearly hear you thoughts. Don't worry, we're here to protect you." Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses ni Kyle. "Thanks. Pero gusto ko ding matuto. Ayokong laging umasa sa inyo."

"Then we'll teach you."

"I'm not a fast learner."

"Three weeks is enough. Don't you trust me?"

Chosen MortalWhere stories live. Discover now