Chapter 10: Light Magic?

7 1 0
                                    

Orette's POV

"Bye, Orette!" Ginabi na pala kami.

"Byeeeee!" Naglakad na ako palayo sa kanila. Biglang may humawak sa braso ko. Tiningnan ko kung sino 'to. "Bakit, Quade?" nagtatakang tanong ko.

"A-ahh, saan ka nakatira?" Nahihiya siyang ngumiti.

Nabigla ako sa tanong niya pero hindi ko 'to pinahalata. "Diyan lang. Malapit dito sa kagubatan." I smiled back.

"Sige na, sumunod ka na sa kanila. Nauna na sila oh," ani ko.

"Sige. Bye, Orette. Take care." Tumalikod na siya at tinahak ang direksyon na dinaanan nila Scane. Scane na lang ang tawag ko sa kanya, sabi niya eh. 

Speaking of Scane, nakita ko siyang nakatingin sa akin. Nang makita niyang nakatingin din ako sa kaniya, ngumiti siya at kumaway.

Pinagmasdan ko silang lahat na umalis at nanlaki ang mata ko nang may mapansin ako. Kinurap ko nang tatlong beses ang mata ko.

Tiningnan ko ang nakasulat sa isang color green na box na nasa taas ng bawat isa sa kanila. Parang hologram?

[Kyle Claviel Jaid, 18 - Licep
Kingdom : Sharvele (Dark)
Element/Attribute: Water and Ice
Ability: Foresight]

[Bridgette Jaid, 19 - Licep
Kingdom: Sharvele (Dark)
Element/Attribute: Air
Ability: Time and Space]

[Scanium Villen, 16 - Licep
Kingdom: Sharvele (Dark)
Element/Attribute: Fire
Ability: Illusionist & Strength]

[Quade Pherq, 18 - Licep
Kingdom: Sharvele (Dark)
Element/Attribute: Earth
Ability: Healing]

Binalewala ko na lang ang napansin ko dahil baka naman namamalik-mata lang ako at pagod. Umalis na lang ako at umuwi papunta sa Ersipus Tree. Pagkadating ko dumiretso ako sa kwarto ko. I sat on the couch and closed my eyes. Magpapahinga muna ako.

"How was it?" Dumilat ako at bumungad sa akin ang babaeng nakatayo sa tapat ng bintana.

Huh? Anong 'it'? It? Eat? How was eat? Parang wrong grammar naman 'ata?

"Tss, I can read your mind, Orette."

"Bakit? Anong 'it'?" naguguluhang tanong ko.

"Feeling of having another friends," cold niyang sagot. "Hmm... Okay naman! Ang saya makipaglaban kasama sila, ang ganda kasi merong ka-teamwork!" masaya kong sabi.

"I see." Napansin kong medyo malungkot ang tono niya pero pinilit niyang hindi ipahalata. Kahit hindi ko mabasa ang iniisip niya, alam ko kung ba't siya ganyan.

Ngumiti ako. "Don't worry, Yera. Hindi kita ipagpapalit." Umirap lang siya at tumalikod. But I saw her smile.

"Prinsesa, Nawahati, oras na para kumain." Biglang sumulpot si ate Leigh.

"Sigeeee!" Nauna na si ate Leigh at Yera sa kusina. Pumunta ako sa banyo at nag-half bath. Duh, amoy pawis na ako. Nagbihis na ako at nagtali ng messy bun.

I went to the kitchen and I saw them, waiting for me. "Salamat sa paghihintay!" maganang sabi ko.

"Tss."

"Gueralwou!" Sinimulan ko ng lumamon. 

Oo, lamon. Gutom ako eh, may problema?

"Wala naman."

"Ikaw ba kausap ko, Mr. Prophecy?"

"Ikaw din ba kausap ko?"

"Tch."

Chosen MortalWhere stories live. Discover now