Chapter 2: Training

777 18 1
                                    

c h a p t e r 2
scarlet's pov.

“Scarlet! Yung tumbler mo!”

Mabilis akong natigilan sa pag takbo sa oras na marinig ko ang boses ni Laika, lumingon ako at nakita ko siyang kumakaway saakin habang hawak ang tumbler ko. Nagsisimula ko nang ikutin ang field, nag umpisa na akong mag warm up mag isa, kilos pagong 'tong mga bruha.

Wala na din naman akong choice kung hindi bumalik para kunin ang tumbler ko kay Laika, as soon as I reached them. Tumigil kami sa pag-lalakad kaya naman uminom muna ako dahil hingal na hingal narin ako.

We only have 10 minutes, sobrang excited na ako para sa training na 'to. Lalo na't marami-raming Ragons ang nakaabang sa field dahil paniguradong nabalitaan nila yung tungkol sa labanan namin at aabangan nila kami.

“Nasaan si Xyra atsaka si Dev?” tanong ko sakanila nang mapansin kong sila lang dalawa ni Krisha.

Krisha started doing stretches. “Still inside the locker building, may nakalimutan yata.”

“Hintayin na natin dito, sandali lang naman sigurado yung mga 'yun.” Laika suggested, kaya naman nanatili kaming naka tayo habang nag k-kwentuhan.


“Tsk, sumisikip na training uniform ko. I should get another from the tailor's office.” reklamo ni Krisha habang hinihila ang dulo ng sleeves niya.

We have training uniforms. It's a black fitted, long sleeved, high collar jumpsuit, naka lagay ang logo ng agency namin sa kanang balikat ng sleeves. Sobrang gaan ng tela kaya hindi abala pag gumagalaw kami.

“Nasaan na ba sina Xyra, bakit ang tagal naman yata nila sa loob—”

“HEY— tsk, Silver! Yung salamin ko ibalik mo gago ka talag— AY SHIT—”

Bago pa ako maka lingon para tignan kung saan nang-gagaling ang malakas na sigaw na 'yun, nagulat ako nang maramdaman kong may bumangga sa akin dahilan para mabitawan ko ang tumbler ko. Buti nalang nasalo ako ni Laika kung hindi, nahalikan kona ang sahig ng wala sa oras.

“Putcha..”

Sabay-sabay kaming napa lingon sa taong papalapit sa direksyon namin, you can see the scowl in his face while walking towards our direction.

“Silver I told you to stop running. Tignan mo kung ano nanamang nangyari sa 'yo.”

Tumayo ako ng maayos para harapin yung taong bumangga saakin, halos mabatuhan ko siya ng tumbler sa oras na makitang si Dugyot nanaman ang umabala saakin.

“Bulag ka?” nag-pamaywang ako, kinunutan niya ako ng noo. “Ano bang trip mo sa buhay mo ha? Gusto mo bang hampasin kita hanggang sa mabali yang leeg m—”

“Bakit hindi ka ba kasi tumatabi!?”

“Ah so ako pa talaga may kasalanan ngayon? Ikaw yung bumangga sa akin, nag loloko ka ba? Konti nalang talaga hahampasin na kita ng makapal na kahoy na kasing kapal ng pagmumukha mo!”


"Aba, sige gawin mo! Kaso 'wag kang tatakbo pag pinasamol ko sayo yung kahoy na kasing kapal ko!”

“Buti naman tinanggap mo na makapal ka, tanggapin mo na din sana na bobo ka!"

Fight For Love 1: The RuleWhere stories live. Discover now