Chapter 40: Amazona's Past

287 15 0
                                    

Silver's pov.

Nandito kami ngayon sa bahay, umuwi ulit kami dahil sa nalaman naming nakipag suntukan itong si Darren sa Captain ng 'Secil Academy' hula ko. Dahil kay Krisha.

Secil Academy is also our academy's greatest rival. It's a long story pero, mag kaaway talaga kami ng mga Secil. Mapa Basketball pa yan, Football, Archery, basta.

"Ano ba kasing nangyari at nakipag suntukan ka dun?" Tanong ni Zain habang Naka-upo sa lapag ng kuwarto ni Darren.

"Si Eliot kasi, nakita kong hinahalikan si Krisha doon malapit sa may Garden Area, tapos saktong mat hawak akong bola, binato ko sa ulo niya at hindi natuloy yung gagawin niya kay krisha. Tapos sinabi ng loko sakaniya lang daw o hahalikan muna daw niya siya bago umalis, GUYS KASE. Kung kayo ba naman nasa sitwasyon ko? Magagalit kayo diba? DIBA?! alam niyo namang sakin lang yung babaeng 'yun kaya-- ARAY! ANO BA?! DAHAN DAHAN!"

Napa sapo nalang ako sa noo, dahil talaga kay Krisha nakipag salaparan 'to eh.

"Ano ba Jecko! Dahan-dahan naman!" Reklamo ni Darren dahil masyadong diniinan ni Jecko ang pang gagamot.

"Hindi nga masi ako marunong eh, Tawagan niyo nalang si Laika sa kusina siya nalang dito!" Sabi ni Jecko sabay tayo.

"Pambihira naman oh, keysa gamutin mo yung mga pasa ko sa gwapo kong mukha 'eh pinapalala mo pa ata!" Sigaw ni Darren kay Jecko pero binelatan lang siya.

"Aish!, Can you shut up." Biglang sulpot ni Krisha sa pintuan, halatang kadarating lang.

Napalingon kami kay Daren na mabilis natahimik at isiniksik ang sarili sa kama. Duwag na bata.

"Wait, h-hoy! San mo nakuha yan, bakit ngayon ko lang napansin sugat mo sa pisngi?" lumapit si krisha at dahan-dahan hinawakan ang mukha ni Daren para tignan.

Hindi ko na maiwasang matawa at mapa ngiti ng palihim dahil sa itsura ni Daren, enjoy na enjoy pa ang gago eh. Hindi din maiwasan ng iba ang batuhan siya ng nakakatawa at mapang asar na tingin.

"Bakit Namumula ka?" Napatingin kami sa mukha ni Daren sa susunod na tanong ni Krisha. Right, he looks like a tomato. Para ding sinampal ng sampung bakla sa kanto.

"W-wala to, M-masakit kasi maglagay ng gamot si Jecko kaya sa sakit-- a-ano, u-uh namula na ako."

Halos pasabugin na ni Jecko pag mumukha ni Daren dahil nadamay pa siya, Siraulo talaga.

"Haystt, dapat kasi hindi mo na pinatulan. Yan tuloy, nagka sugat ka pa."

"Eh sa gusto ka niyang halikan?!" taas tonong dipensa ni Daren.

"Hindi ko naman hahayaan yun, kaya ko naman yung sarili ko."

"Kung hindi lang nga ako dumating nahalikan ka na ng kadiring ugok na 'yun!" parang batang dipensa niya ulit.

"Yeah, fine. You win. Salamat nalang." sabi ni Krisha sabay irap pa.

Ginagamot na ngayon ni Laika si Daren ng mapasulyap ako kay Zain na parang nakatingin sa kawalan, Selos to ah.

"Huy." Mabilis siyang napa lingon sa'kin "Lutang isip ka?"

"Wala, tsk" naiinis na sabi niya. Sunget ah.

"Uh, guys. Can someone please buy us these? And snacks." turo ni Laika sa mga pang gamot na ubos na.

"Ako nalang, wala din naman akong magawa eh." dinig kong sambit ni Amazona.

Kinuha niya yung pera kay Laika at mabilis ko siyang tinaasan ng isang kilay sa oras na lumapit siya sa akin, ano balak nito?

Fight For Love 1: The RuleWhere stories live. Discover now