Chapter 36: Favor

250 14 0
                                    

Krisha's pov.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon, it's almost lunch but we're still eating like it's breakfast, we can't skip meals tho. Si scarlet, juliana at silver nalang ang kulang, tinawagan kasi ni juliana si scarlet tulog pa, mukhang mahimbing yata tulog niya ngayon, sabi din niya sakin kagabi masama pakiramdam niya.

"Hm, ang sarap!" Giit ni daren habang nguya ng nguya ng bacon na luto ni Laika.

Ano ba 'yan, hindi pa ako nakatikim ng bacon malapit nang maubos-- baboy talaga tong daren na 'to.

Kukuha pa sana si daren ng bacon kaso agad kong kinuha ang bacon na ikinagulat niya.

"Sakin yun eh--"

"I was first" sabi ko at nag patuloy sa pag kain.

Nagtawanan silang lahat ng mag dabog si daren na parang bata. So immature.

Mga ilang minuto bumaba na si juliana, na mukhang malungkot at wala sa mood.

"Aakyat lang ako sandali sa kuwarto." Paalam bigla ni silver at tumayo at iniwan ang pag kain niya.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni julia kay juliana.

"Nothing." she replied and smiled.

"Nasaan si scarlet?" Tanong ni Daren.

"Ah, na sa kuwarto pa. Susunod nalang daw siya." Saad niya kaya naman nagpatuloy nalang kami sa pag kain.

Ilang minuto bago bumaba si silver na mukhang problemado, naka bihis din siya at mukhang may pupuntahan. Lumapit siya sa amin at kumuha ng tubig taka naman kaming natigilan lahat ng kumakain at tinignan siya.

"Where are you going?" tanong ni jecko.

"She's sick." sino?

"Who?" takang tanong ko, si scarlet ba?

"Scarlet." sabi ko na nga ba eh, "i'll be back, i'll just go and buy medicine. Take care of her for a while and tell her not to leave her room." saad niya at ininom ang tubig sabay alis.

Napano 'yun?, Mukhang galit yata?.

"Napano 'yun?" tanong ni devesin.

"He's just. . . worried, maybe?" saad ni zain at kumain.

"How could he be worried, eh halos gusto na nga niya patayin si scarlet." natatawang saad ni laika.

"Right. Hindi talaga niya pinapakita na nag aaalala siya, maybe he's sick of it and can't hold back anymore. So maybe that's why he's worried." sa sinabi ni daren, na gets ko na din yon.

Habang tahimik kaming kumakain biglang sumagi sa isip ko si chloe, avy, at bianca. Out of the blue i remembered them, again.

"Krisha." napa lingon ako kay xyra sa oras na banggitin niya ang pangalan ko. "What's with the tears?"

Doon ko namalayan na umiiyak pala ako, agad kong pinunasan 'yun gamit ang mga palad ko at agad tumayo. "I-im already full." at agad akong dumeretsyo sa garden kung saan ako nakakapag isip-isip dahil sa presko at tahimik na lugar.

Umupo ako sa damuhan at doon nag isip, pumasok sa utak ko lahat ng mga memorya na nakasama namin sila, simula nung una-- hanggang sa katapusan. . . i really miss them, so much and it's killing me. I don't know how much did they suffered before they died, but i know it hurts. Wala naman akong sinisisi sa nangyari, wala. . . Pero masakit lang kasi saakin yung biglaang pagka wala nila, we changed because of that-- and i hate it. . .

"You shouldn't skip meals."

Natigilan ako sa pag iyak at agad pinunasan ang mga luha ko at ngumiti sa kaniya.

Fight For Love 1: The RuleWhere stories live. Discover now