chapter 8
"Omg, is that the King's I see- sino 'yung mga kasama nila?"
"Girl- hindi ba sila 'yung binabalita sa academy na next queen's daw?"
"Gosh, oo nga- teka, they're with the Kings? Omg, girl. What's going on?"
"Are they dating?"
"Oh my- Daren looked at me!"
"Asa ka girl, ako kaya tinignan niya!"
Namuo ng bulungan at sigawan sa bawat parte ng academy sa oras na makita nila ang pag dating nila, they were late and missed their first classes. Dahil nga wala silang choice dahil isa lang ang driver nila, they called the other driver to drive them to school, nasolusyunan naman.
Pero sabay silang naka dating sa Academy at isa pa, pareho ang tatak ng kotse na naghatid sakanila. Halatang-halata na may nangyayaring hindi nila alam.
"Ugh, girls." irap ni Krisha nang marinig ang malalakas na sigawan ng kababaihan, ang iba nag sasampalan na sa pag aagawan kay Daren. "When will they learn how to shut up."
Daren waved at them, may pa flying kiss pang nalalaman, kulang nalang mahimatay na ang mga kababaihan sa ka-gwapuhan niya.
"Stop entertaining them!" bulyaw ni Krisha. "Sobrang ingay na sa hallway oh!"
"Kasalanan ko bang guwapo ako?" proud na tanong ni Daren. "They're just happy to see me!"
"Happy mo mukha mo mukha kalang ding chonggo." bulong ni Scarlet na naiirita na din sa sigaw ng mga kababaihan.
Dumeretsyo na sila sa classroom nila at napa tikom lahat ng bibig ang mga kaklase nila sa oras na mapag tanto kung sino ang mga pumasok, ilang segundo ang nagdaan nag simula na din silang mag bulungan.
Malamang nagtataka kung bakit sabay-sabay silang pumasok ng classroom eh halos mag patayan at saksakan na sila kahapon.
Umuunat na pumili ng upuan si Scarlet, mabilis niyang ipinatong ang bag pack niya sa lamesa niya at nag muk-mok, hindi pa man niya napipikit ang mga mata para maka tulog agad na siyang naistorbo.
Pakiramdam niya nabutas ang likod ng ulo niya sa lakas ng pag bato ng bote ng taong wala nang alam gawin sa buhay kung hindi sirain ang araw niya.
"Sinong nag sabing puwede kang umupo diyan?" tanong ni Silver habang naka pamulsa hawak parin ang bote.
Inangat niya ang ulo niya. "Letche ka talagang dugyot ka, pakielam mo ba kung saan ako umupo? Gusto mong lumipad sa bintana?"
"Hindi ka puwedeng umupo sa tabi ko!" turo niya sa bakanteng upuan sa tabi ng dalaga.
Nagsalubong ang kilay ni Scarlet sa kabobohan ng taong 'to. "Edi humanap ka ng ibang mauupuan! Mas ayaw kitang katabi!"

YOU ARE READING
Fight For Love 1: The Rule
RandomA Group of assassin living in a world of rules, They have rules they need to follow, rules that once you broke? darling, you'll face death. But, can they still obey those rules once they find out a dark secret that can possibly change their lives m...