Chapter 29: Still Searching

277 15 2
                                    

Xyra's pov.

We came back to the house to discuss the plan, nandito kami sa kuwarto ni devesin ngayon dahil nandito ang mga gamit na kailangan, like-- there's another secret room behind the bookshelf in her room.


"So what's the plan?" Silver asked boringly. 

Nakapaikot ang mga upuan namin sa harapan ng isang malaking pabilog na lamesa, It's already 8:40 pm at talagang wala kaming balak umalis dito dahil hindi talaga kami aalis hanggat wala pang plano.

"Just think, give any suggestions." Sabi ko.









11:02






Tang*na naman oh, dalawang oras na kaming nag iisip at wala parin kaming naiisip. Ako hindi ako nag iisip ng mg gagawin, iniisip ko kung bakit niya nagawa samin 'to, turning her back from us makes me so confused as shit.

"Any suggestions?" Inaantok na tanong ni Krisha.

"Halata naman na wala diba?" lokong giit ni silver na naka higa na sa upuan habang naka taas pa ang paa sa table.

"Pwede ba, ibaba mo nga yang paa mo!." inis na bawal sa kaniya ni scarlet.

"Ano bang pake mo?"

"Nakakasira ng concentration!"

"Tsk, hindi ka man nag iisip eh."

"Anong sabi mo?!"

"Ano, bingi kana ba amazona?"

"PWEDE BA TAMA NA?, could you just take this one seriously?" pigil sakanila ni Devesin.

Seryoso yung sitwasyon nagawa pa talaga nilang mag bangayan, haystt. Natahimik ulit kami, hanggang sa may magsalita.

Sa wakas.

"The gun. . ." Napatingin kaming lahat sakanya "Yung baril na itinago ni Julia sa Jacket ni Laika, m-may tatak yun."

"What do you mean Jecko?" Zain asked.

"Just look every picture closely."

"Where are the Pictures?" Binuksan ni Daren ang isang envelope at nanduon ang mga pictures.

Mabilis nyang sinuri bawat litrato, Napatigil sya ng makita nya yung hinahanap nya.

"What?" Daren.

"Where?" Krisha

Kinuha ni Krisha yung Litrato na nasa kamay ni Jecko.

"R-Red Legends?"

Red legeds?, what? why would they. . . Im confused fvck.

"Krisha bigay mo saakin" sabi ko at binigay nya saakin yung litrato.

Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Gusto ko man magising sa panaginip na to kung isa lamang itong panaginip, Gusto kong Burahin yung panahon na nakita ko yan. Gusto kong Burahin lahat ng alaala niya para di na sya masaktan sa kamay ni Mark.

Parang may naramdaman akong may yumakap saakin. I looked who.

"Xy." Scarlet hugged me.

Hindi ko namalayan na Umiiyak na pala ako. . . what the-- fvck. Agad kong pinunasan ang luha ko pero kahit anong gawing kong pigil pilit parin akong naiiyak.

Lumabas ako ng kuwarto at agad pumunta sa balcony para magpahangin. Doon ko binuhos ang luha ko, naririnig ko ang sariling hagulgol ko, im so fvcking worried.

What if. . . they killed her?

Baka may nangyari ng masama sa kaniya,

Darn it!

Fight For Love 1: The RuleWhere stories live. Discover now