Chapter 49: Sana.

239 10 0
                                    

Scarlet's pov.

Kaka-uwi ko lang. Galing kaming lumabas mag mall kanina, kasama ko si Diego (stalker ko,)

"Oh kumusta yung Date niyo? Ayiee~~" Sulpot ni Juliana kasama yung mga barkada namin. Girls kaming lahat.

"Hindi 'yun date.. Nag Aya lang siyang lumabas, date na yun?" Sabi ko at Huminga ng malalim.

"Mukhang bothered ka yata?, may problema kaba?" Tanong ni Laika

Meron nga ba? O sadyang Na bothered lang ako kasi sa nalaman ko na kung sino yung Stalker ko?

"I don't Know..." Sabi ko

"Its obvious Scarlet. Sabihin mo na, bakit parang malalim yung iniisip mo? Parang nag aalala kang ewan?" Sabi ni Krisha.

"Hindi ko nga rin alam yung dahilan eh!" Sabi ko.

Kaloka to! Ano nga bang dahilan kung bakit lutang yung isip ko? Maski nung kaninang lumabas kami ni Diego nag tataka Siya kung bakit parang lumilipad ba daw isip ko!, eh sa wala ako sa sarili ko? Tapos Hindi ko alan dahilan ano ba 'to?! Ano ba y--
Y-YUNG T-TEXT BA?- nah! Bakit naman ako ma b-bothered sa text na yun? Tsk! Pero teka. Baka yun nga--

"Scarlet." Napalingon ako sakanila sa mahinhin na pagtawag nila.

"Tignan mo na. Lutang talaga isip mo eh, Mula dito Hanggang sa Labas ng terminal" Sabi ni Devesin.

"Oo nga. Ano ba kasi yon?" Sabi ni Jasmin.

"May nangyari bang masama? Or may nagsabi ba sayong parang Na c-curiousan ka kung bakit? Ha?" Tanong ni Julia.

"His text..." Hindi ko ba alam! May sarili yatang Utak yung Bibig ko 'eh!

"Anong text? Sinong nag text?" Tanong ni Xyra.

Pinakita ko sakanila yung Text ni Silver at parang Huminga sila ng malalim. May alam ba sila tungkol dito?

"Ano? May alam ba kayo about dito?? " tanong ko

"Parang ipinapaubaya kana sa kapatid niya ah?" Sabi ni Juliana.

"Bakit niya sinasabing 'sana maging masaya kana?' Parang may ipinaparating siya eh." Sabi ni Krisha.

"Malay ko..." Yung lang yung sinabi ko.

"Oh sige.. Pahinga kana," sabi ni Jasmin.

"Oo nga, For sure napagod ka sa lakad mo kasama yung--"

"FUTURE BOYFRIEND MO!" Duet talaga eh no? Binato ko ng pillow at nagtakbuhan palabas.

Tsk.. Im still thinking why? Bakit kaya niya sinabi yon? Alam kong Simpleng salita lang yung sinabi niya, pero parang malaki at parang may ibig Sabihin yung mga Tinext niya...


Silver's pov.

"Kuya," napalingon ako sa Nagsalita galing likod ko.

"Kumusta yung..... Yung Pag i-ikot niyo?" Tanong ko, I can't say its a date! Because they are not having a Freaking relationship.

"Okay naman, Ang saya nga niya eh para siyang bata nung pumunta kami sa Park nakilaro sa mga bata" natatawang sabi niya.

"I hope you really made her happy "naka ngiting sabi ko.

Pero parang Lumungkot yung mukha niya. May ginawa ba 'to? Kung meron nako! Makakalimutan ko na kapatid ko to!

"Pero kuya. Parang lutang yung isip niya kanina eh," sabi niya. Luh?

"Huh? Bakit.. Tinanong mo kung bakit?" Tanong ko. Sana malaman ko kung bakit

"Oo tinanong ko, pero sabi niya 'wala lang. May iniisip lang ako' yun lang yung sagot eh" Wapengas! Bakit di sinabi

"Baka doon sa text mo?" A-ahh?

*dug*dug*dug* oh my! Ano tong heartbeat ko! Sobrang bilis parang aatakihin ako sa puso!

"Hoy kuya! Ayos kalang parang Hihimatayin kana ah?" Tanong ni Diego. "Wag kang hihimatayin, nakakahiya" bulong niya. Pambihirs. --__--

Nandito nga pala kami sa park, Umalis ako ng walang paalam kahit kanino man.

"O sige. Yung phone ko pala" Binigay niya saakin yung Phone ko.

"Kuya...." Parang may gusto siyang Sabihin eh

"Oh?"

"W-wala. H-he. He." Sabi niya habang nangangamot pa

"Oh sige. Aalis na ako, Baka hinahanap na nila ako eh" sabi ko.

"Bye kuya." Kinawayan ko lang siya at umalis na ako. Sinuot KO yung hood ko..

Sana talaga, Hindi sila mahulog sa isa't isa. Hindi ko Mapapatawad yung sarili ko, sa maling Planong Nagawa ko...

Fight For Love 1: The RuleWhere stories live. Discover now