ASH POV
Dalidali siyang tumayo sa table niya pagbaba niya nung phone niya kaya tumayo ako at sinundan siya sa parking lot...
"Rochelle!!! "
Sigaw ko nung sinuot niya yung helmet niya. Akala ko ay hindi niya yun narinig pero lumingon siya sakin na parang nagtatanong kung bakit ko siya tinawag...
"San ka pupunta? Your my bodyguard and you must stay on my side."
Sabi ko habang nakakunot ang noo at may nagtatakang expression pero pinaandar niya lang yung motor niya kaya naiwan ako dito sa parking lot ng mag isa...
" sino bang pinuntahan mo dito ash.?"
Hinihingal na tanong ni keith sakin nung marating nila ang pwesto ko ngayon... Tumingin ako sa kanila tsaka sa parking space kung saan nanggaling kanina si rochelle...
"Wala. Someone annoying. "
sabi ko at naglakad na papuntang room kaya wala naman silang nagawa kundi ang sumunod naman sakin... naririnig ko pa nga ang reklamo nila pero hindi ko yun pinansin dahil sa inis...
Wala man lang siyang sinabi kahit isang salita bago umalis!
Bodyguard ko siya kaya dapat ay palagi siyang nasa tabi ko hindi yung aalis siya kung kailan niya gusto!
"Oy.? Diba sabi mo ngayon mo makikilala yung bodyguard mo?"
Naagaw ng tanong ni mark ang atensiyon ko nung makaupo kami dito sa room kaya tumingin ako sa kanya....
"Tsk yaan mo na yun. Ni hindi nga nagawang magpaalam sakin kanina eh. Umalis lang basta basta."
Kunot noong sabi ko dito tsaka tinuon ang paningin ko sa arm chair ko at dinutdot yun para mawala ang inis na nararamdaman ko...
"Baka naman may emergency lang? "
Tanong ni Louie kaya agad akong tumingin sa kanya. Nagulat naman siya dahil sa mabilisan kong paglingon sa pwesto niya...
"Mas importante sakin ?"
Singhal ko sa kanya. Kaya tumahimik silang tatlo. Napalunok naman ako ng mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko sa kanya.... naknamputing tupa! Bakit ko ba yun sinigaw?!
"Teka teka...Babae ba Yang bodyguard mo? "
Seryosong tanong nito. Tumango na lang ako sa kanya... alam kong seryoso talaga si Louie sa buhay pero tangNa! Hindi ako sanay ng ganito siya kung makipag usap sakin!
"Tsk tsk tsk sino ba yan at parang apektadong apektado ka? "
Tanong sakin ni keith. Gusto ko siyang pasalamatan dahil siya ang unang bumasag ng katahimikan saming apat.... Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya.... ano naman ngayon kung babae nga! Iinisin nila ako dahil babae pa yung naging bodyguard ko?!
"Yung transferee. "
Mahinang sabi ko kahit na labag sa loob ko ang sabihin ito sa kanila sa kadahilanang baka asarin nila ako... Nanlaki naman yung mata nilang tatlo....
"Halaaa!!! Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi talaga siya normal na estudyante.! "
Sabi ni mark with matching suntok sa hangin kaya napatingin kaming tatlo sa kanya siya naman ay taas noong ngumiti sa harap namin...
"So it means, hindi mo lang siya seatmate pati bodyguard mo din siya? "
Patango tango pa si keith habang hinihimas yung baba niya. Tsk akala mo naman may balbas siyang mahaba kung makaarte ng ganyan hahahaha...
"Para kayong mga timang, ano naman ngayon kung si rochelle nga yung bodyguard ni ash? Bodyguard lang naman diba? Hindi naman siya siguro mamamatay dahil dun. "
Sabi ni Louie tsaka nagbasa ulit. Siya yung unang nakarecover. Hahahaha. Mabuti na lang at hindi na ulit siya nag tanong sakin....
"Pero ash, San naman yung punta nun at inuna niya pa yun kaysa sau? "
Tanong ulit ni louie sakin kaya nabura yung ngiti ko at napalitan ng kunot noo.
Tsk talagang pinaalala pa! Tibay ah!
Lagot talaga yun sakin mamaya!"Yan kasi louie! Bad mood tuloy yung isa dyan. Hahahaha"
bulong ni Mark kay louie tsaka sila tumawa ng malakas.. akala ko ba ay nagbabasa na to ng libro? Ngayon naman tumatawa na ng malakas!
Humanda ka talagang babae ka mamaya...
Teka... bakit ba ako nagkakaganito??
Paki ko ba dun sa babaeng yun?
__________________________________
Votes and comments are highly appreciated.
Edited
![](https://img.wattpad.com/cover/129408580-288-k602125.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bodyguard (Completed)
Teen Fiction"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga ginagawa niya? Ako nga pala si Kiel Ashley Adams and this is a story about me and my bodyguard.