ASH POV
Hindi pa din ako makapaniwala na si rochelle yung gumising sakin kaninang umaga...
Akala ko kasi nananaginip pa din ako nung marinig ko yung boses niya yun pala nasa tabi ko talaga siya...
Gusto ko tuloy na magtago na lang at wag lumabas... shit! Nakakahiya kaya yun! Nakita niya yung mukha ko ng hindi pa ako nakakaligo!
"Anak? Ayos ka lang ba? "
tanong ni dad sakin habang umiinom ng kape niya... Tumango na lang ako at tinapos ang kinakain ko. I ate in silence dahil wala naman kaming mapag usapan ni dad...
"Alis na po ako dad. "
sabi ko tsaka lumabas at pumunta sa garage. Nakita ko naman si rochelle na nakasandal sa kotse ko.
"Tara "
sabi niya at pumasok na sa kotse. Sumunod na lang ako sa kanya at tahimik na kinabit ang seat belt ko...
*sigh*
napatingin naman ako sa kanya dahil panay ang buntong hininga niya. May problema ba siya.?
"Ash/rochelle"
sabay na banggit namin sa pangalan ng isat isa kaya napalunok ako at umiwas ng tingin...
"Sige mauna ka na"
sabay ulit kami kaya napatingin ako sa kanya. Nag dadrive siya at pasulyap sulyap lang ito sa pwesto ko..
"Sabihin mo na ash. "
Mahinang sabi niya kaya Nag clear throat naman ako bago magsalita. Actually nung isang araw ko pa to gustong sabihin sa kanya...
"Nakatanggap ulit ako ng black letter. "
napahawak naman ako sa dibdib ko dahil bigla siyang nagpreno. Mabuti na lang at wala akong sakit sa puso kundi baka paglamayan na agad ako..
"The heck was that??! "
Mabilis akong napalingon sa kanya at nanlalaki ang matang sigaw ko dito...
"Anong sabi? "
mahinang tanong niya sakin kaya bahagya pa akong nagulat...
"Bakit ka nagpreno! "
grabe yung kaba ko dahil kanina. Sino ba ang hindi kung nasa bingit ka ng lofe and death situation?!
"SABIHIN MO ANONG NAKASULAT ?"
sigaw niya sakin kaya napatigil ako sa pag iisip at napatitig sa kanya..
"Please.... Tell me... Anong nakasulat?! "
ulit niya kaya napalunok naman ako habang kinukuha ang letter sa bulsa ng pants ko...
"I-ito. "
inabot ko sa kanya yung letter. Pagkatapos niya itong basahin ay pinaharurut niya agad ang kotse ko papuntang school kaya in less than a minute ay nakarating kami sa parking lot ng RHM.
May tinawagan naman siya kaya tumingin muna ako sa labas.
"Parking lot. Space#12."
Sabi niya tsaka binaba yung tawag. I can see her through my peripheral vision.
"Ano pang hinihintay natin? "
pagbabasag ko sa katahimikan.
"Maghintay ka. "
two words pero grabe yung epekto nito sakin. Ewan ko ba hindi ko maintindihan pero may lumilipad sa loob ng tyan ko. May sakit na ata ako. -_-
*Toktok*
Binuksan niya yung pinto sa may driver's seat at bumaba.
Kaya bumaba na din ako nakita ko pang
hinalikan nung lalaki sa pisngi si rochelle."What can I do for you amore?"
tanong nito. Tsk bakit ba ang daming unggoy ang nakapaligid sa babaeng to? Dapat ako lang ang gagawa niyan at wala ng iba. -_-
"Keep your eye on him. "
sabi ni rochelle tsaka niya ako tinuro.
"Teka? Bakit naman siya yung magbabantay sakin? "
tanong ko kay rochelle. Pero hindi niya ako pinansin at nakatuon lang ang buong attention nito sa bagong dating na lalaki...
"Bakit ko naman yun gagawin amoreeee ??? Alam mo namang ikaw lang yung gusto kong alagaan eh. Ayaw ko ng iba. "
tsk childish. Napaiwas ako ng tingin nung hawakan niya sa pisngi yung lalaki.
"Please do this for me Charles."
sabi ni rochelle in a baby tone. Tsk isa pa to eh. Umalis na lang ako don at pumunta sa classroom.
Sakin nga hindi niya magawang tumawa tapos don sa unggoy na Charles at lance kaya niya?
At may pahalik halik pa siya? Tsk para silang timang.
"Brad? Bar tayo after class? "
aya ko sa tatlong itlog.
"Woahh! Teka lang Teka lang, ikaw? Nag aayang pumunta sa bar? "
takang tanong ni mark. Lumingon naman si Louie samin.
"Problema mo? Bat bigla kang nag aya na magbar? "
sabi ni Louie. Tumango naman si keith.
"Tsk wala. Trip ko lang. Bakit? Hindi na ba pwede.? "
sabi ko tsaka humalumbaba. Magsama silang dalawa. Q_Q
Inaapi nila ako.... T^T
__________________________________
Edited
BINABASA MO ANG
My Bodyguard (Completed)
Teen Fiction"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga ginagawa niya? Ako nga pala si Kiel Ashley Adams and this is a story about me and my bodyguard.