ROCHELLE POV
TAPOS na kaming kumain at nandito na kami ngayon sa garden since marami pa kaming time magpahinga.
"You wanna sleep ash? "
Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at tumango. Kaya umupo ako ng maayos at pinahiga ko siya sa lap ko.
"Tulog ka na ba ash? "
Mahinang tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot kaya ngumiti na lang ako ng tipid.
Pinasadahan ko ng daliri ko yung buhok niyang kulay black. Pababa sa kilay niyang
maganda ang hugis.
Ang mata niyang kulay brown at nakakalunod pag tinitigan mo ng matagal.
Ang ilong niyang napakatangos at ang labi niyang kulay pula. His kissable lips. Mga labing hinalikan ko sa Baguio.
" If this is a dream then please don't wake me up because I want to be with you everyday of my life. I want to spend my life with you ash. Sana ganito na lang tayo palagi. Sana matapos ko na yung misyon kong mahanap yung taong nagbibigay sayo ng threats dahil ayaw Kong mapahamak ka pa. Sana wala ng gulo ang dumating. Pangako gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lang ash. Hindi ko Alam kung paano at kailan pero Mahal na mahal na kita. To the point that I can't stop myself from falling to you so hard. "
Sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya.
"I love you too rochelle. "
Nagulat ako dahil nagsalita siya habang nakapikit. Akala ko tulog pa siya pero hinapit niya bigla yung ulo ko at hinalikan niya ako habang nakahiga siya sa lap ko kaya nakayuko ako sa kanya.
Bumitaw na siya sa halik namin at ngumiti sa harap ko.
"I love you too."
Sabi niya ulit kaya ngumiti ako sa kanya. Napatingin ako sa langit dahil ramdam kong umuulan na kaya tumayo kaming dalawa pero mabilis na pumatak yung ulan kaya nagtawanan na lang kami at naligo sa ulan.
"Huli ka! Hahahahaha"
Sabi ni ash nung mahapit niya ang bewang ko at binuhat niya ako in a bridal style.
"I'm happy because my bodyguard is my girlfriend. "
Saad niya at hinalikan niya ako sa ilalim ng ulan.
__________________________________
Edited
BINABASA MO ANG
My Bodyguard (Completed)
Teenfikce"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga ginagawa niya? Ako nga pala si Kiel Ashley Adams and this is a story about me and my bodyguard.
