CHAPTER 55

3K 73 0
                                    

ROCHELLE POV

Pinugutan ko ng ulo ang huling lalaking may katana at tumingin kay Noel with my blank face.

"Like I said, hindi mo pa ako nakikitang magdemonyo. "

Sabi ko at unti unting naglakad papunta sa kinatatayuan nila.

"Diyan ka lang..."

Sabi ni Noel pero humakbang pa ako kaya tinutok niya sakin ang baril niya si sheya naman ay tinutok ang baril sa sintido ni ash kaya mas lalo akong nagalit.

"Isang hakbang mo pa at sasabog ang bungo ng lalaking ito. "

Banta ni Noel bago sila naglakad papunta sa rooftop at wala akong magawa kundi ang titigan sila.

"Patayin niyo Yang babaeng yan!"

Utos nito at nagsilabasan ulit yung mga tauhan nilang sa tingin ko ay halos 100 ang dami.

Binalik ko sa likod ko ang katana ko tsaka ko binunot ang dalawang baril ko sa bewang ko at kinasa ito.

"Binyagan natin itong bago kong alaga. "

Nakademonyong ngiti kong saad bago sumugod sa kanila at pinagbabaril sila sa noo.

Nung maubos ang bala ng baril ko ay kinuha ko naman ang dagger ko at sinasaksak ang bawat lumalapit sakin sa dibdib o sa lalamunan nila.

Nung maubos sila ay kinalas ko na yung tali na nakagapos kay charles at tinawagan si calvin para pumunta na dito to save his brother.

"Hintayin mo si calvin dito, mamaya dadating na siya. Tatapusin ko lang ang misyon ko. Kailangan ko siyang iligtas dahil hindi ko kakayanin pag nawala siya sakin. "

Sabi ko at tumakbo na papuntang rooftop. Pagbukas ko ay bumungad agad sakin ang
baril ni sheya kaya agad akong umiwas at sinipa yung kamay niyang may hawak ng baril kaya nabitawan niya ito.

"Tulad ng sabi ko noon sayo rochelle. Kung sana hindi ka na nakialam at pumasok sa buhay ni ash ay wala ka dito ngayon."

Sabi ni sheya bago ako sinugod ng mga suntok at sipa pero iniwasan ko lang iyon at sinangga ang isang suntok niya bago ko siya sinuntok sa panga kaya napa atras siya.

"Tama nga ako. Ikaw ang may ari nong panyong yun. Ikaw din ang walang hiyang sumaksak sa balikat ko. Qualified ka na nga sanang maging artista kaso mukhang hindi sila tumatanggap ng mga hayop kaya sayang ka."

My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon