ROCHELLE POV
Pumunta ako sa lockers para tawagan si Pres dahil sa nangyari kanina. Actually wala naman talagang tumawag sakin kanina sa room.
Ginawa ko lang yun para ma divert sakin ang attention ni sir dizon at hindi na mapahiya si Ash sa loob. Halata naman kasing takot siya dun sa teacher na yun...
Sino ba naman ang hindi matatakot sa itsura nun? Eh sungay na lang at buntot ang kulang para magmuka siyang toro...
"What can I do for you Ms.H.?"
Tanong ni Pres sa kabilang linya nung sagutin niya ang tawag ko...
"Pres investigate everything about mr. N and send me the results ASAP."
sabi ko bago pinatay yung tawag napabuntong hininga muna ako upang ma refresh ang isip ko...
"Sino yun? "
lumingon ako at nakita ko si ash sa likod ko na nakakunot ang noo. Akala ko ba ay nasa room to? Pinalabas pa din ba siya kahit ako na yung kaharap kanina ni Sir?
Tigas din naman kasi ng ulo ng isang to...
"No one. "
sabi ko sa kanya at nagkibit balikat na lamang siya tsaka binuksan yung locker niya kaya nahulog yung napakaraming letters na may ibat ibang kulay pero may isang kulay ang nakaagaw ng attention
ko kaya pinulot ko yun.Lumapit naman sakin si ash kaya binuksan ko yun...
" MALAPIT ka ng mamatay Mr. Keil Ashley Adams. BE READY. -mr. N "
nilukot ko yung papel dahil sa inis at humarap sa kanya na mukhang gulat pa din dahil sa nabasa niya...
"Do you know mr. N? "
tanong ko sa kanya. Umiling lang siya habang nakatingin pa din sa black letter na nilukot ko.
" By any chance... May nakaaway ka bang N ang initial? "
tanong ko ulit Pero bago pa siya sumagot ay may narinig akong kaluskos kaya lumingon agad ako sa right side ko at may nakita akong anino.
"Bumalik ka na sa mga kaibigan mo. Wag kang lalayo sa kanila. "
bilin ko sa kanya bago hinabol yung nagmamasid samin. Lagot ka sakin pag nahuli kita...
"Rochelle wait! "
Lumingon naman ako sa kanya dahil sa sigaw niya kahit patalikod na akong tumatakbo palayo sa pwesto namin kanina...
"Mag iingat ka. "
malayo na ako sa kanya dahilan para hindi ko marinig yung sinabi niya kaya tumango na lang ako bago tumakbo.
Nasa likod na ako ng campus sa kakahabol dun sa nagmamasid samin at liliko na sana ako pero may humila sakin at tinakpan yung bibig ko.
"Wag kang makialam kung gusto mo pang mabuhay. "
sabi nito kaya nagpupumiglas ako pero may naramdaman akong matalim na bagay na bumaon sa balikat ko.
"Arghh.. "
tumawa naman siya kaya kahit masakit ang balikat ko ay kumuha ako ng bwelo at binunggo ko yung ulo ko sa kanya kaya nabitawan niya ako.
Nakayuko siya ngayon sakin at base sa katawan niya ay babae siya.
Pero hindi ko makita ang mukha niya dahil naka bonet siya.
"What do you need from ash? "
tanong ko bago ko siya sinipa sa mukha kaya natumba siya.
Aalisin ko na sana yung bonet niya pero sinuntok niya ako sa mukha.
"Hindi pa tayo tapos ROCHELLE."
sabi niya bago tumakbo paalis.
Hahabulin ko pa sana siya pero may nakita akong panyo kaya pinulot ko iyon at tinago. Umalis na din ako sa likod ng campus.
*ring.. Ring... Ring.. *
"What? "
tanong ko sa kabilang linya kahit na hindi ko pa din tinitignan ang caller...
"NASAN KA NA?!!"
Nilayo ko yung phone ko sa tenga ko at tinignan yung caller. Tsk si ash lang pala.
"I'm... I'm coming. "
hinihingal na sagot ko dito dahil ramdam ko na ang sakit at kirot sa balikat ko na sinaksak niya kanina...
Bwesit! Kung sino man yun ay sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya...
"Teka... Bakit ka hinihingal? "
mahinahong tanong nito. Tsk kanina lang sinisigawan ako ngayon naman naging maamong tuta na siya. -_-
"Wala... Sige papunta na ako sa classroom."
sabi ko bago binaba yung tawag.
Umupo muna ako sa isang bench at kinuha yung panyo ko para itali sa balikat kong dumudugo. Pumunta na din ako sa cr para
magpalit ng uniform at mag hilamos para hindi nila makita yung mga dugo sa damit ko.Balang araw ay mahuhuli din kita...
________________________________
Votes and comments are highly appreciated.
Edited.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard (Completed)
Novela Juvenil"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga ginagawa niya? Ako nga pala si Kiel Ashley Adams and this is a story about me and my bodyguard.