CHAPTER 17

4.6K 140 1
                                    

ASH POV

"A-anong nangyari kanina? '"

tanong ko nung dumating kami sa school.  NASA parking lot pa din kami at hindi pa kami bumababa mula nung dumating kami dito matapos niyang matalo ang mga lalaking yun...

"Tell me,  bakit nilock mo yung pinto? "

mahinang tanong ko habang nakayuko. Nakita ko mula sa perpheral vission ko na Tumingin siya sakin.

"Ba-bakit mo g-ginawa yun? "

utal-utal na tanong ko tsaka tumingin din sa kanya. Naguguluhan pa din ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko...

"Obligations."

Sabi niya tsaka binuksan yung pinto at bumaba. Sinundan ko lang siya ng tingin.

I can't believe it. She just... Saved me..

Agrhh of course it's her obligation to save you ash!

*pok*

"arayyy!! "

daing ko dahil biglang bumukas yung pinto sa gilid ko tsaka binatukan ako ni rochelle.

"Bumaba ka na. Late na tayo."

Sabi niya kaya bumaba na ako. Nauna naman siyang maglakad papuntang room.

"Hey! "

tumigil siya sa paglalakad at lumingon sakin habang nakakunot ang noo...

"Bakit? "

bored na tanong niya tsaka namulsa. Pacool akong naglakad at tumabi sa kanya.

"Your my bodyguard. Dapat nasa tabi lang kita palagi."

Nakangiting sabi ko tsaka naglakad. Sumabay na lang siya sakin dahil wala naman siyang magagawa... 

I'm still bothered dahil sa nangyari kanina pero binalewala ko na lang yun. 

"Your late mr.Adams and ms. Mcsweltz."

Sigaw ni Mr.Dizon samin pagbukas ni rochelle ng pinto.

Pero pumasok lng si rochelle kahit na sinusundan siya ng tingin ni mr. Dizon.

"Ah.. We're sorry for being late mr. Dizon."

paumanhin ko bago pumasok at umupo sa tabi ni rochelle. Isa si Mr. Dizon sa mga pinaka strict na teacher dito sa university kaya medyo takot ako sa kanya...

"Psst.. "

lumingon ako kay Keith dahil siya ang sumitsit sakin...

"Bakit? "

pabulong na tanong ko sa kanya. Kumuha naman siya ng libro at kunwaring nagbabasa pero sakin siya nakatingin...

"San kayo galing? "

bulong niya ulit... wala akong nagawa kundi ang lingunin siya at sagutin ang tanong niya...

"May humahabol samin kanina mabuti na lang.. "

Pero napatigil ako dahil pagtingin ko sa kaliwala ko mukha ni Mr. Dizon yung bumungad sakin kaya napalundag pa ako sa upuan ko...

"Sige mr. Adams,  mabuti na lang at ano?"

nakataas kilay na tanong niya sakin. Yung iba namang classmates namin ay nagpipigil ng tawa habang nakatingin sakin.

"Pfft.. Hahahaha"

tawa nila mark at louie kaya tumingin  sa kanila si mr. Dizon dahilan para tumahimik sila. 

"Ah..."

Pinanliitan ako ng mata ni mr. Dizon kaya napalunok ako at hindi makasagot...

"Ano?  May sasabihin ka ba mr. Adams? "

tanong nito sakin habang nakataas pa din ang kilay... bakit ba ganito ang mukha niya! Nakakatakot kaya!

"Tungkol naman saan ang pinag uusapan ninyo ni mr. Navarro? Mind sharing it with us? "

tanong nito bago naglakad papunta sa harap. Magsasalita pa sana si mr.  Dizon pero naputol ito dahil may nag riring na phone.

"Kaninong phone yan? "

sigaw ni mr. Dizon. Napatingin kami lahat sa katabi ko dahil tumayo siya.

"I'll answer this. "

sabi niya sabay angat ng phone niya. Namumula na si mr. Dizon dahil sa galit pero parang wala lang sa kanya.

"Go to detention room now ms. Mcsweltz. "

sigaw ni mr. Dizon pero binalewala ito ni rochelle at sinagot yung phone niya sa labas. 

Sinundan naman siya namin ng tingin. Wala pang limang minuto bumalik na siya.

Napansin naman niyang nakatingin kaming lahat sa kanya lalo na si mr. Dizon na mukhang sasabog na.

"Alam mo bang hindi pwedeng gumamit ng gadgets during class Ms. Mchsweltz? "

sigaw nito kay rochelle pero wala na namang expression ang mukha niya...

" You just mispronounced my last name. "

walang ganang sagot ni rochelle dahilan upang huminga ng malalim si Sir..

"Aba't!! Go to detention room NOW!!!"

Namumulang sigaw ni mr.dizon pero nagkibit balikat lang si rochelle tsaka lumabas ng room namin.

"Ah sir.. "

magtatanong pa sana ako kaso sakin naman siya tumingin at namumula pa din ang buong mukha niya...

"You too.! Go to detention ROOM NOW!!! "

turo nito sakin kaya nagmadali na lang akong lumabas at hinanap si rochelle. 

San naman nagpunta ang babaeng yun!

_________________________________

Votes and comments are highly appreciated.

Edited

My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon