CHAPTER 14

4.9K 133 1
                                    

ASH POV

Nagising ako ng maaga kaya naligo na lang ako at naghanda na para pumasok.

"Mag ingat ka."

Aishhh ano baaaa????  Naalala ko na naman yung sinabi niya kagabi!!!.

She's my bodyguard but It feels like kailangan ko siyang protektahan.

Ginulo ko yung buhok ko at umupo na lang sa kama ko habang nakatingin sa salamin.

"Mag ingat ka"

"Mag ingat ka"

"Mag ingat ka"

"Anooo baaaa!!!! "

Sigaw ko at ginulo gulo ulit ang buhok ko dahil sa frustration...

*toktoktoktok*

"Young master?  Ayos lang po ba kayo diyan? "

Hindi ako sumagot sa tanong ni Butler Jan at bumuntong hininga na lamang.

"Young master?  Should I call Ms.Rochelle?"

Nung marinig ko yung pangalan niya ay dali dali akong pumunta sa pinto at binuksan Ito.  Nakita ko naman si Butler Jan na mukhang may tinatawagan kaya kinuha ko sa kanya yung phone.

"Noooo!!! Don't call her! "

sigaw ko tsaka ko pinatay yung tawag.   Nagtataka namang tumingin sakin si Butler Jan pero umiwas na lamang ako ng tingin at kunwaring naiinis...

"Ah.. I mean... *clear throat* where's dad?"

pag iiba ko ng topic. Mabuti na lang at mukhang naibaling ko agad sa ibang tanong ang attention niya kundi baka ano na naman ang naisip niya...

"Ah... Nasa dining area po young master. "

sabi niya kaya bumaba na lang ako pero nahuli ko pa siyang ngumiti at nag pipigil ng tawa,  umismid ako dahil sa reaksiyon niya.

"So son?  How's her first day as your bodyguard? "

Tanong agad ni dad pag upo ko sa dining area.

"Ah...it's ok dad. I guess. "

sabi ko tsaka kumuha ng pancakes hot chocolate at hot dogs.

"Balita ko pumunta daw siya dito kagabi? Did something happened last night? "

tanong ni dad. Nagkibit balikat lang ako tsaka pinagpatuloy yung pagkain ko.

"Good morning Tito Cairo. "

napatingin ako sa taong pinanggalingan nung boses.

*cough**cough*

"Water."

Kinuha ko yung inalok niyang tubig at ininom. Umiwas muna ako ng tingin sa kanya dahil baka mabulunan ako ulit...

"S-salamat."

Sabi ko ng mahimasmasan ako. Bakit parang ako lang ang apektado sa sinabi at ginawa niya kagabi?

"Hinay hinay lng sa pagkainMadami pa diyan anak. Hahahaha"

Tukso sakin ni dad kaya namula yung mukha ko.

"So iha... Have a seat. Join us. "

Nakangiting saad ni dad. Ngingiti na sana ako at titingin sa pwesto ni Rochelle pero natigilan ako ng marinig ko siyang magsalita...

"I'm done Tito. Pumunta lang po ako dito para hintayin si Adams."

cold na pagkakasabi nito. Nagclear throat lang si dad kaya tinapos ko na yung pagkain ko at tumayo...

"dad alis na po kami. "

sabi ko tsaka pumunta na sa kotse ko. Siya naman ay nakasunod lang sakin.

"Keys. "

sabi niya sabay lahad ng kamay sa harap ko. Kumunot yung noo ko dahil hindi ko siya na intindihan...

"I'll drive."

Sabi niya in a cold voice. Kaya napalunok na naman ako... everytime na maririnig ko siyang ganyan ang boses ay parang gusto ko na lang magtago at lumayo sa kanya dahil ang lamig talaga ng boses niya...

"No. I'll drive. "

sabi ko pero sinamaan niya ako ng tingin. Kaya napalunok ako at nanginginig na binigay sa kanya yung susi. 

Damn why am I acting like this?

"Get inside. "

sabi niya tsaka binuksan yung passenger seat. Pumasok naman ako agad dahil baka magalit pa siya sakin. 

Teka langggg!!!

Ano naman kung magalit siya sakin?

Bakit kaya mo bang magalit siya sayo ash?

  Aishh hindi ko yun gusto!

Napabalik ako sa ulirat ko ng sinarado ni rochelle yung pinto. Tsaka siya umupo sa driver's seat at nagmaneho. Ang tahimik...

Magsosorry ba ko?

Eh kasalanan naman niya kung bakit hindi ko sinagot yung tawag niya eh.

Aishh oo na! 

Nag clear throat muna ako at tumingin sa bintana.

"Tungkol kagabi. I'm sorry dahil hindi ko sinasagot yung tawag mo."

Bulong ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala akong nakuhang sagot kaya tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa side view mirror.

"Seat here. "

Sabi niya kaya napalunok na naman ako... bakit niya ako papaupuin dun?

__________________________________

Votes and comments are highly appreciated.

Edited.

My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon