PAPUNTA NG bulod si Roevi ng makitang makakasalubong niya si Harry. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Huli na para bumalik siya sa pinanggalingan dahil nakita na din siya nito.
"Hi, good morning, Harry!" nakangiting bati niya dito. Binalingan niya si Whitey na kasama nito. As usual ay galit na naman ito sa kanya. "Good morning din sa iyo, Whitey! Ingat kayo sa daan! Sige, mauna na ako sa inyo."
Gustong batukan ni Roevi ang sarili nang lampasan ang mga ito. Dahil sa nangyari noong nakaraang gabi ay wala na siyang mukhang maihaharap kay Harry.
"Roevi."
Napahinto si Roevi sa paglalakad nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Harry. Dahan-dahan niya itong nilingon.
"Okay ka lang ba?"
Gustong pumadyak ni Roevi. "Sorry nga pala kahapon." Tiningnan niya ang suot na tsinelas at sinipa ang isang maliit na bato. "I made a fool out of myself in front of you." Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya at tumingala sa asul na kalangitan. "Nahirapan ka tuloy sa pagbubuhat sa akin."
Nilingon niya si Harry at nakita niya ang pagkibit-balikat nito. "Okay lang sa akin. Para lang akong nagbuhat ng isang sako ng bigas."
Napangiwi si Roevi sa narinig. "Hindi mo na kailangang dagdagan pa ang kahihiyan ko."
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."
Alanganin siyang ngumiti. "Puwede bang na kalimutan mo na ang ginawa ko kahapon. Para na din sa ikapapanatag ng konsensiya ko."
"Paano kung ayaw ko?"
Gulat na napalingon siya dito. "Inaasar mo ba ako?"
Nagkibit-balikat ito. Napansin niya ang pinipigilan nitong ngiti. "Gumaganti lang ako sa ginawa mo kahapon."
Natigilan siya at nanatiling nakatingin kay Harry. Tama ba ang nakita niya? Ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong ngumiti. Kahit na tipid lang iyon. "Nga pala, fiesta na bukas. Gusto mo bang pumunta sa bahay? Maghahanda sina Tito."
Biglang sumeryoso ang mukha nito. "No thanks. Marami akong mas importanteng bagay na kailangang gawin." Tumalikod ito at nagsimulang maglakad.
"E sa sayawan pupunta ka?" pahabol na tanong niya. May pag-asang tumubo sa puso niya nang huminto ito at muling lumingon sa kanya.
"Hindi ako mahilig sa ganoong bagay," masungit na sabi nito bago tuluyang umalis.
"Sungit," inis na bulong niya habang tinitingnan ang papalayong bulto ni Harry.
Akala niya ay okay na si Harry pero mukhang bumalik na naman ito sa pagsusungit nito. Napailing na lang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad.
NAKANGITING pinapanuod ni Roevi ang mga nagsasayawan sa dance floor. Dahil fiesta sa lugar nila, mayroong sayawan na ginaganap sa basketball court. Kawayan ang bakod doon at umarkila pa ng sound system ang barangay. Maging ang mga kalapit na barangay ay dumayo din sa kanila. Nakakatuwa lang na hanggang sa panahong iyon ay buhay pa din ang sayawan sa barangay. Fifty pesos ang bayad sa entrance.
May mangilan-ngilang nagyaya sa kanyang sumayaw na tinanggihan niya. Mas gusto niyang panuorin na lang na sumayaw ang mga ito. Isa pa, karamihan sa mga nandoon ay mga teenagers at ang tugtog ay upbeat. Hindi siya marunong sumayaw kaya naman nagkasya na lang siya sa panunuod sa mga ito. Maging si Melissa ay parang nageenjoy din sa pagsayaw kasama ang boyfriend nito.
"Bakit nandito ka sa sulok?"
Napapitlag siya nang may magsalita sa tabi niya. Bigla siyang kinabahan ng makita ang isang lalaki sa tabi niya. Hindi niya napansing lumapit ito sa kanya. Nakasuot ito ng itim na T-shirt at jeans. Nakasuot din ito ng sombrero.

BINABASA MO ANG
Harry, The Villain
ActionHe destroys. She saves. He is cold as night. She's warm like the sun. He got so many secrets. She wanted to know everything. He pushes. She pulls. Harry knew Roevi was trouble the very first time their eyes met. Limang taon na siyang tahimik na n...