HINDI na maalala ni Harry kung gaano na siya katagal na nakatingin sa cellphone niya. Pinigilan niya ang sarili na tawagan ulit si Roevi kahit na gustong-gusto ulit niyang marinig ang boses nito.
"Problem?" Nalingunan niya ang half sister na si Katrina na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa conference room ng building ni Xavier del Rio. Simula noong si Xavier na ang naging leader ng Black Lotus ay ito na din ang humawak ng pagpapatakbo sa mga negosyo ng mga del Rio.
Ibinaba niya ang visor ng suot na ballcap at ibinulsa ang cellphone. "It's none of your business. At ano ang ginagawa mo dito?"
Nagkibit-balikat lang si Katrina at umupo sa upuang nasa tapat niya. Tinawagan siya ni Xavier del Rio para sabihing kailangan siya nitong kausapin. Noong isang araw ay ipinaalam niya dito na pansamantala ay nasa Maynila siya. At dahil hanggang sa mga oras na iyon ay malaki pa din ang kasalanan niya kay Xavier ay wala na siyang nagawa kundi ang pumunta doon.
"Pinatawag din ako ni Xavier. And besides, alam kong na-miss mo ako, big brother kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na pumunta dito noong nalaman ko kay Xavier na pupunta ka," sarkastikong sagot ni Katrina. Hindi niya akalain na darating doon si Katrina dahil walang nabanggit si Xavier noong tawagan siya nito noong nakaraang gabi.
Lumaki si Harry na laging nakikipagkumpitensiya kay Katrina sa lahat ng bagay. That's why they were never close. Dahil noon ay isang malaking karibal ang tingin nila sa isa't isa. Madami din siyang nagawang bagay para saktan ang kapatid at ibang tao.
Hindi naman nagtagal ay dumating si Xavier kasunod ang assistant nitong si Margarette.
"Good afternoon, Harry, Katrina." Umupo ito sa may kabisera.
"Bakit mo ako ipinatawag dito?" tanong ni Harry.
Tiningnan siya ni Xavier. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Si Xavier ang pumalit kay Don Yvann bilang leader ng Black Lotus. Noon ay binalot ng galit at inggit ang puso niya nang si Xavier ang naging leader nila. Ngayon lang niya narealize kung gaano siya nilamon ng inggit noon.
"Well, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ipinatawag kita dito para alukin ka na bumalik sa Black Lotus, Harry."
Gulat na nilingon niya si Xavier. Napatingin naman siya kay Katrina na nanatiling kalmado lang. Malakas ang pakiramdam niyang alam na ni Katrina ang tungkol sa sinabi ni Xavier. Kaya ba ito nandoon?
"Are you out of your damn mind?" hindi niya mapigilang maibulalas. "After what I did to all of you, gusto n'yo pa din akong bumalik sa Black Lotus?" Binalingan niya si Katrina. "Alam mo ang tungkol dito?"
Hindi man lang natinag sina Xavier at Katrina sa sinabi niya. "Ako ang nag-suggest sa kanila na bumalik ka sa Black Lotus."
Natigilan siya sa sinabi ni Katrina. Iyon ang huling bagay na inaasahan niyang marinig mula dito. "Why?"
"Dahil isa ka pa ding Navarro at parte ka ng Black Lotus, Harry."
"At sa tingin mo papayag ang ibang pamilya?" he asked bitterly.
"Actually, bago ka namin kausapin ay nauna na naming silang kinausap at pumayag sila na bumalik ka sa Black Lotus."
Nanghihinang muli siyang napaupo at mahigpit na ikinuyom ang mga palad. "Paano kung hindi naman pala ako nagsisi sa mga ginawa ko noon at nagpapanggap lang ako para tanggapin ulit ninyo ako? Hindi ba kayo natatakot na baka isang araw, may masama na naman akong gawin sa inyo?"
"That's all in the past now, Harry," sagot ni Katrina. "At alam kong hindi ka na ang dating Harry na puno ng galit ang puso. Dahil kung ikaw pa din ang dating Harry na kilala namin ay hindi ka tutulong na iligtas kami ni Travis. Kung ikaw pa din ang dating Harry, hindi ka magsisisi sa mga ginawa mo. Alam kong kung anuman ang mga nangyari dati ay hindi mo na ulit iyon hahayaang mangyari ulit."
![](https://img.wattpad.com/cover/126789737-288-k495345.jpg)
BINABASA MO ANG
Harry, The Villain
ActionHe destroys. She saves. He is cold as night. She's warm like the sun. He got so many secrets. She wanted to know everything. He pushes. She pulls. Harry knew Roevi was trouble the very first time their eyes met. Limang taon na siyang tahimik na n...