PAKIRAMDAM ni Roevi ay babagsak na siya anumang oras dahil sa sobrang antok. Mabuti na lang at maayos pa siyang nakapagdrive pauwi. Pasado alas otso na ng umaga nang matapos ang shift niya sa ospital. Ginugulo din kasi ni Harry ang isip niya kaya naman hindi siya nakatulog noong isang gabi.
Muli siyang napabuga ng hangin nang maalala ulit si Harry. Nasaan na kaya ang binata? Bumaba siya ng sasakyan para buksan ang gate.
"Good morning, Roevi!"
Marahas na napalingon sa Roevi sa likuran niya at ganoon na lang ang gulat niya ng makita si Harry. Ilang beses siyang napakurap sa pag-aakalang pinaglalaruan siya ng mga mata pero hindi nawala sa harapan niya ang binata. Nakasuot ito ng ball cap.
"H-Harry? Ano ang ginagawa mo dito?"
"Napadaan lang ako nung nakita kita," sagot nito.
"Napadaan? Bakit saan ka ba nakatira ngayon?" puno ng kuryosidad na tanong niya dito. Hindi niya akalain na sa mismong subdibisyon kung nasaan siya at doon din titira ang binata.
"Diyan lang." Parang nanlaki ang ulo ni Roevi nang ituro ni Harry ang katabing bahay niya.
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Niloloko mo ba ako? Hindi ko alam na pinapaupahan ni Lola Natty ang bahay niya." Nakapamaywang na sabi niya dito. "At malabo din na kamag-anak ka niya."
Nagkibit-balikat ito. "Let's just say that I made her an offer that she can't resist," nakangising sagot ni Harrry.
"At ano ang offer na 'yon, aber?"
"Well, tinanong ko siya kung gusto niyang magbakasyon sa kamag-anak niya sa ibang bansa at ako muna ang bahalang magbantay sa bahay niya habang wala siya. Pumayag naman siya. Hinatid ko nga siya kanina sa airport e."
"At sa tingin mo mapapaniwala mo ako na pumayag siya sa alok mo gayong hindi ka naman niya lubos na kilala?"
Mukhang hindi naman ito naapektuhan sa mga sinabi niya. "Nakita niya akong nakatayo dito sa labas ng bahay mo noong isang araw kaya tinanong niya kung ano ang ginagawa ko. Sinabi ko na ex-boyfriend mo ako at gusto kong makipagbalikan sa iyo pero galit ka sa akin kaya ayaw mo akong tanggapin. I even told her na hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ulit ako tinatanggap. I never thought that she would belive me. Then, kinuwento niya sa akin ang tungkol sa kanila ng ex-boyfriend niya. At nagkataon naman na may sakit pala ang kapatid niya sa U.S at hindi lang niya maiwan ang bahay niya kaya hindi siya makaalis. So it was like hitting two birds with one stone."
Nasapo niya ang ulo ng bigla iyong sumakit. "Hindi pa din ako makapaniwala na napapayag mo siya. That's imposible."
"Well that's what you call charm."
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, Harry. Kasi parang mababaliw na ako sa pag-iisip e. One moment you are snob and stiff then next second, lagi ka na lang nakangiti."
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "I'm sorry if I am confusing you. Noong pagkatapos nating mag-usap sa may ilog ay narealize ko na tama ang mga sinabi mo. Gusto ko ulit magsimula, Roevi. At isa pa, gusto kong makilala mo din ako ng mabuti. You already knew about half of my past at gusto kong sabihin sa iyo ang lahat ng tungkol sa akin." Ilang sandali siya nitong pinagmasdan. "Pero makakapaghintay pa naman ang sasabihin ko. You look sleepy. Ang mabuti pa magpahinga ka na muna at babalikan kita mamaya pagkagising mo."
Parang robot na tumango si Roevi at pumasok sa loob ng bahay. Pagkatapos maghilamos at magpalit ng damit ay pabagsak siyang humiga sa kama. Dahil na din sa pagod ay pansamantala munang kinalimutan ni Roevi ang tungkol sa sinabi ni Harry at hinayaan ang sarili na magpatangay sa antok.

BINABASA MO ANG
Harry, The Villain
AçãoHe destroys. She saves. He is cold as night. She's warm like the sun. He got so many secrets. She wanted to know everything. He pushes. She pulls. Harry knew Roevi was trouble the very first time their eyes met. Limang taon na siyang tahimik na n...