CHAPTER 9

2.2K 91 6
                                    


ISABEL cursed under her breath while walking towards the hospital's exit. She hated hospitals pero kailangan niyang magpunta doon para sa check-up niya. Nasa may exit na siya nang mapansin ang isang lalaki na nakatayo sa may gilid ng ospital na mukhang may hinihintay. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang lalaki na base sa tindig ay masasabi niyang maganda ang pangangatawan.

He had muscles on the right places. May kahabaan ang buhok nito na umabot hanggang balikat at natatakpan ng sombrero ang kalahating parte ng mukha nito. Napahinto siya sa paglalakad ang tumuwid nang tayo ang lalaki paglapit nang isang babae. Dahil sa pag-angat nito ng tingin ay nakita niya ang mukha nito.

Shit! Hindi siya puwedeng magkamali! Kamukha ni Harry ang lalaki!

Hindi puwede! Imposibleng buhay si Harry! Matagal na siyang patay!

Pero ang kalahating parte ng isip niya ay sigurado na si Harry ang nakikita niya. Mabilis niyang sinundan ang mga ito pero pinanatili niya ang distansiya para hindi siya mapansin ng mga ito. Minemorize niya ang plaka ng sasakyang gamit ni Harry.

Mabilis niyang dinial ang number ni Philip. "Yes, babe?" Pinigilan ni Isabel ang mapapikit sa sensual na dating ng boses ng kinakasama.

"He's alive, Philip!" bulalas ni Isabel. Mabuti na lang at kakaunti ang tao sa parking lot.

"Who are you talking about?"

"Si Harry! Buhay siya, Philip!"

"That's imposible!"

"I saw him with my own eyes!" gigil na sabi niya habang naglalakad papunta sa sasakyan niya.

"Sigurado ka na siya ang nakita mo?"

"Of course! Matagal kong nakasama si Harry kaya kahit mahaba pa ang buhok niya ay kilalang-kilala ko siya." Bahagya niyang nailayo ang cellphone sa tainga nang marinig ang galit na pagmumura nito sa kabilang linya. "Nakuha ko ang plate number ng sasakyan niya." Sinabi niya dito ang plate number. "Pabalik na ako diyan."

Mabilis na ipinahanap ni Philip ang may-ari ng sasakyang nakita niyang gamit ni Harry. Dahil sa din sa pera at koneksiyon ay mabilis silang nakakuha ng impormasyon. The car was named under Spain Alonzo na nalaman nilang isa sa bodyguard ni Katrina Navarro na half sister naman ni Harry. Kaya positibo sila na buhay nga si Harry.

"Punyeta!" hindi na nagulat si Isabel nang ihagis ni Philip ang hawak na baso na nagkapira-pirasso sa sahig. "All these years ay napaniwala tayo ni Harry na patay na siya?" galit na sigaw nito. Hindi pa nakuntento ay muli itong bumalik sa lamesa kung saan nakalatag ang mga pictures ni Harry kasama ang isang babae. Na ayon sa mga impormasyong nakuha nila ay isang doctor sa pinuntahan niyang ospital.

"Kahit ako ay hindi makapaniwala na napaniwala niya ang lahat ng tao na patay na siya." Napasimangot siya nang makita ang babaeng kasama nito sa pictures. Kumpara sa mga naging karelasyon ni Harry noon ay malayong-malayo ang hitsura ng kasama nito. Masyado itong simple para maging girlfriend ni Harry.

"Marami ng utang sa akin si Harry. At kailangan niyang magbayad." Galit na sabi ni Philip at ibinagsak ang mga palad sa lamesa. "And I swear that this time, I will definitely make sure that he is going to die!"

Lumapit siya kay Philip at hinaplos ang likod nito. Iniwan niya noon si Harry para kay Xavier del Rio. She was blinded by the guy's fortune. Nang hindi siya nagtagumpay na mabingwit si Xavier ay nakilala niya si Philip. She needed someone who will give her everything she wants. Nalulugi na kasi ang family business nila at hindi niya kayang mamuhay ng wala ang mga luho niya. At sa halos limang taon nilang relasyon ni Philip ay nag-eenjoy naman siyang kasama ito. Kahit noong nalaman niyang konektado sa isang malaking drug cartel si Philip ay hindi niya ito iniwan. Dahil naibibigay nito ang mga luho niya. Walang anumang emotional attachment ang namamagitan sa kanilang dalawa. What they feel to each other is pure lust.

Harry, The VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon