NATIGIL SA paglalakad sina Roevi at si Melissa nang harangin sila ng dalawang lalaki. Sa tingin niya ay hindi taga-Catamlangan ang mga ito base na din sa mahigpit na pagkakahawak ni Melissa sa braso niya. Bigla siyang binundol ng kaba nang maalala niya kung nasaan sila. Papunta sana sila sa may ilog para maligo. Puro puno pa man din ang nandoon at madalang ang dumadaang mga tao. Isa pa, nakakatakot ang hitsura ng mga lalaking kaharap.
"Ikaw ba iyong doctor sa Centro?" tanong ng lalaking balbas sarado.
Mas lalong humigpit ang hawak sa kanya ni Melissa. "A-ako nga. May kailangan ba kayo sa akin?" tanong niya na pinilit na huwag ipakita sa mga ito na natatakot siya.
"Sumama ka sa amin," sabi nito sa kanya. Napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya.
Pinigilan ito ng kasama nitong lalaki na sa tantiya niya ay hindi nalalayo ang edad sa kanya. Kabaligtaran ng balbas-saradong lalaki ay malinis ang hitsura ng lalaki. "Huwag kang matakot sa amin, Miss. Hindi ka namin sasaktan." Itinaas pa nito ang dalawang kamay. "Pagpasensiyahan ny'o na ang kasama ko kung natakot niya kayo. Nalaman lang kasi namin na may doctor sa Centro at kailangan namin ng tulong mo.
"Anong tulong?"
"Ilang araw ng may mataas na lagnat ang leader namin. Hindi namin siya puwedeng dalhin sa ospital. Nalaman naming na mayroong doctor dito sa Catamlangan kaya naglakas loob na kami na puntahan ka para humingi ng tulong. Huwag kang mag-alala dahil sinisiguro ko na walang mangyayaring masama sa iyo. Ibabalik ka namin dito ng ligtas."
Kahit may pag-aalinlangan pa din ay hindi mahindian ni Roevi ang tawag ng tungkulin niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumagot. "Okay lang ba na hintayin ninyo ako dito? Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa bahay."
Magpoprotesta pa sana ang balbas-saradong lalaki pero pinigilan ito ng kasama nito. "Maghihintay kami dito."
Nagmamadali siyang bumalik sa Centro kasama ang takot na takot na si Melissa. "Huwag kang sasama sa kanila, Roevi dahil baka kung ano ang gawin nila sa iyo. Puwede nating sabihin kay Kapitan ang tungkol sa mga lalaking iyon," natatarantang sabi ni Melissa.
"Huwag kang maingay, Melissa at baka marinig ka nina Tito." Nagpakawala siya nang malalim na hininga. "Kailangan nila ng tulong ko, Mel," sagot ni Roevi at nagmamadaling kinuha ang bag na may lamang gamot at mga gamit. Kahit kasi naka-leave siya sa trabaho ay lagi siyang nakahanda lalo na sa mga ganoong pagkakataon. Hinarap niya ang pinsan na bakas sa mukha ang matinding pag-aalala. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat. "Huwag kang masyadong mag-alala dahil tulad ng sabi nila kanina, ibabalik din nila ako dito. Huwag mo ding sasabihin sa iba ang tungkol sa mga lalaking nakilala natin, okay? Babalik din ako kaagad."
"P-pero-"
"Sige aalis na ako."
Mabuti na lang at hindi nagtatanong sa kanya ang mga nakakasalubong kung saan siya pupunta. Hindi naman nagtagal ay nakarating siya sa lugar kung saan naghihintay ang dalawang lalaki. Tumayo ang lalaki nang makita siyang parating. Kinuha nito ang mga dala niyang bag. "Sumunod po kayo sa amin, Dok"
Walang salitang nagsimula silang maglakad. Nasa unahan niya ang nakakatakot na lalaki habang ang binata na nalaman niyang Lito ang pangalan ay nasa likuran niya. May isang oras na yata silang naglalakad at gusto ng umungot ng pahinga ni Roevi pero natatakot siya na baka magalit sa kanya ang lalaki sa harap. Isa pa, unti-unti na ding sumasakit ang paa niya sa paglalakad ng matagal. Matapos ang isa't kalahating oras nang paglalakad ay narating na din nila ang parang isang maliit na komunidad.
Parang tama nga ang hinala niya na miyembro ng armadong grupo sina Lito at ang kasama nito. Ipinanalangin niyang tuparin ng mga ito ang sinabi kanina at makauwi siya ng ligtas.
![](https://img.wattpad.com/cover/126789737-288-k495345.jpg)
BINABASA MO ANG
Harry, The Villain
AçãoHe destroys. She saves. He is cold as night. She's warm like the sun. He got so many secrets. She wanted to know everything. He pushes. She pulls. Harry knew Roevi was trouble the very first time their eyes met. Limang taon na siyang tahimik na n...