CHAPTER 11

2.3K 82 0
                                        

"READY?" tanong ni Katrina kay Harry mula sa wireless headseat na nasa tainga niya. Kasalukuyan silang nasa biyahe papunta sa lugar na pinagtataguan ni Philip dela Cerna. Mabilis ang mga kilos nila dahil oras ang kalaban nila. Base sa wrist watch niya ay pasado alas nueve na ng gabi. Isang oras na lang bago ang ibinigay na palugit ni Philip.

Tulad ng plano ay mauuna siyang magpapakita kay Philip habang patagong pumuwesto naman ang iba niyang kasama sa paligid at nag-aabang. Mag-isa siyang nagpunta sa isang lumang bahay.

"Harry!" nakangising bati ni Philip nang makita siya. Hindi na siya nagulat nang makitang kasama nito si Isabel. "I didn't expect you to find this place soon."

"I just followed your rotten smell that's why I found you," hindi nakapagpigil na sagot niya dito. pinilit niyang kinalma ang sarili kahit gustong-gusto na niya itong sugurin. Kailangan muna niyang masigurong maayos ang lagay ni Roevi.

Hindi man lang naapektuhan si Philip sa sinabi niya. Natawa ito. "Matalas pa din ang dila mo, Harry."

"I'm not here to chat, Philip. Nasaan si Roevi?" deretsang tanong niya dito. Mabilis din niyang pinag-aralan ang paligid. Sa bilang niya ay nasa labinlima ang nakakalat na tauhan ni Philip sa paligid.

"Masyado ka namang atat, Harry. Matagal tayong hindi nagkita-kita so we had a lot of catching up to do," si Isabel ang sumagot. "Sinasabi ko na nga ba at nagkukunwari ka lang na hindi mo ako kilala noong nagkita ulit tayo."

"Cut this crap, Isabel. Ako ang kailangan ninyo at nandito na ako. Pakawalan n'yo na si Roevi."

"No. I hate that girl. Inagaaw ka niya sa akin, Harry. Ako lang ang babaeng dapat mong mahalin, Harry."

Napatingin siya kay Philip pero mukhang hindi ito apektado sa sinabi ni Isabel. "Pero iniwan mo ako para kay Xavier, Isabel," paalala niya dito. Gusto na niyang kalimutan ang mga panahong halos sirain niya ang buhay para lang kay Isabel. Iyong mga panahong halos sambahin niya ito at gawin niya ang lahat ng gusto nito. This woman in front of him is pure evil.

"Speaking of Xavier." Nawala ang pagkakangiti nito at tumalim ang mata nito. "That man! Ni hindi man lang ako tinapunan ng pansin! That's why pinag-away ko kayong dalawa. I'm really great. Right, Harry?"

Muling bumangon ang galit sa dibdib niya. Mukhang dumoble ang pagkakautang niya kay Xavier. Nasira ang buhay niya sa isang walang kuwentang bagay.

"Where's the fun if I will do that?" Pumalatak si Philip. "Besides, nagbago na ang isip ko."

Kinabahan siya sa uri nang pagkakangiti nito. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya sa kontroladong tinig.

"Well I decided to start the party," nakangising sabi nito. Bago pa niya ulit matanong kung ano ang ibig nitong sabihin ay nakita niya ang pagsiklab ng apoy sa bahay.

"You bastard!" sigaw niya at binunot ang baril at itinutok iyon kay Philip. Sabay silang bumunot ng baril at itinutok iyon sa isa't isa. "Kapag may nangyaring masama kay Roevi, sisiguraduhin ko na magbabayad ka, Philip. At kahit saang lupalop ka pa ng impiyerno magtago, susundan kita." Nanggigigil na ang daliri niya na kalabitin ang gatilyo ng baril.

"Huwag kang mag-alala, Harry. Mauuna ka naman sa akin sa impiyerno." Napasigaw si Philip nang may tumama sa kamay nito. Nabitawan nito ang baril at sapo ang dumudugong kamay. Si Isabel naman ay napasigaw at tumakbo palayo.

Sinipa niya si Philip sa sikmura kaya napahiga ito sa lupa habang gumugulong pa din sa sakit. Nalingunan niya si Claud na may hawak na baril at nakatutok kay Philip. Ito siguro ang bumaril sa kamay ni Philip. Maging ang ibang kasama ni Philip ay nakahandusay na sa lupa at isa-isa nang nagsidatingan ang mga kasama niya.

Harry, The VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon