CHAPTER 8

2.2K 86 0
                                    


"ROEVI!"

Napalingon si Roevi sa tumawag sa kanya. Nagulat pa siya ng bigla siyang yakapin ng isang pamilyar na lalaki.

"Charles!" Natutuwang gumanti siya nang yakap ng makilala ang lalaki.

Binitawan siya nito at pinagmasdan ang kabuuan niya. "Kumusta ka naman?" nakangiting tanong nito sa kanya. "Mukhang mas lalo kang gumanda ah."

Natatawang napailing siya at magaang sinuntok ang braso nito. "Hanggang ngayon bolero ka pa rin. Buti naman at napadaan ka dito?"

Ex-boyfriend niya si Charles na isang Pediatrician. Dati din itong nagtatrabaho sa Trinidad General Hospital. Tumagal din ng halos anim na taon ang relasyon nilang dalawa.

"May binisita lang ako dito nung nakita kita. Gusto mo bang magkape para makapagkuwentuhan tayo?"

Tumingin siya sa wrist watch. "Sige ba. Basta ililibre mo ako," nakangising sabi niya dito. Naglakad sila papunta sa malapit na coffee shop.

"So kumusta ka na ngayon? Mukhang nakapagmove on ka na din sa akin ah."

Muntik nang maibuga ni Roevi ang iniinom na kape sa sinabi ni Charles. Natatawang napailing siya. "At hanggang ngayon ay malaki pa din ang tiwala mo sa sarili mo. Buti pinagtitiyagaan ka pa ni Iya?" pang-aasar niya dito.

Itinaas nito ang isang kamay na may wedding ring. "Nah, she loves me kaya hindi niya ako iiwan." Bigla itong sumeryoso. "But kidding aside, gusto niyang malaman kung kumusta ka na. you know after what happened."

Nagpakawala si Roevi nang malalim na hininga. "Ilang beses ko na bang sasabihin sa inyo na wala na sa akin ang nangyari noon. Past is past at natutuwa ako na mukhang masaya kayong dalawa."

Iya was her bestfriend. Tulad ni Charles ay dati din itong nagtatrabaho sa pinapasukang ospital bilang nurse. Sa totoo lang ay parang magkapatid na ang turingan nila ni Iya kaya naman para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang malaman niyang mayroon itong sikretong relasyon ni Charles. She was devastated that time.

Napilitang lumipat sa ibang ospital ang dalawa para na rin makaiwas sa tsismis. Dalawang taon na ang lumilipas pagkatapos ng nangyari kaya masasabi niyang tuluyan na siyang nakapagmove on. Wala na din siyang makapang anumang galit sa dibdib niya ngayong nakita ulit niya si Charles. Sa totoo lang ay natuwa siya noong nalaman niyang nagpakasal na ang dalawa.

"Hindi mo maaalis sa amin na mag-alala, Roevi. Besides, we first became friends bago naging tayo. At ang balita naming ni Iya ay wala ka pa ding boyfriend hanggang ngayon."

"Ang mabuti pa, imbes na ang love life ko ang asikasuhin mo, just focus your attention on Iya and your baby. Tanggap ko din naman na may kasalanan din ako kaya siguro nagdecide kang maghanap ng atensiyon sa iba."

"I really loved you back then, Roevi. Sa totoo lang ay dumating na sa puntong balak ko ng magpropose sa iyo." Nagulat siya sa sinabi nito. "Kaya lang ay hindi matuloy-tuloy ang balak ko kasi may pakiramdam ako na hindi mo ako mahal tulad ng pagmamahal ko sa iyo." Magpoprotesta sana siya nang itaas nito ang kamay. "Please don't get me wrong. I know that you loved me in your own way pero alam kong hindi iyon buo, Roevi." Malungkot itong ngumiti. "Nagsimula siguro tayong magbago dahil na din sa parehong busy ang schedule natin at nawalan na tayo ng oras para sa isa't isa. Then I started to notice Iya. I swear it was not part of my plan but I fell in love with her. Sa totoo lang ay itinaboy niya ako noong una pero kinulit ko siya. Hanggang sa nalaman kong mahal din niya ako. Ayaw ka naming saktan noon kaya inilihim namin ang relasyon. We were both sorry for what we did, Roevi. God knows how many times that we tried to talk to you pero natatakot kaming dalawa. Hanggang sa ikaw na mismo ang nag-reach out sa amin."

Harry, The VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon