CHAPTER 13

2.8K 98 10
                                    

NAPAYUKO si Harry nang maramdaman ang paghila sa pantalon niya. Pagyuko niya ay nakita niya ang anak ni Xavier na si Chelsea hawak ang kamay ng batang babae na panganay naman ni Keith na si Skylar. Kasama din ng dalawa ang anak ni Nicolette na si Cannon. Sino ang mag-aakala na halos may pamilya na sina Nicolette, Xavier, Keith at Katrina.

Nasa bahay sila ni Xavier para sa monthly meeting ng Black Lotus na kinalaunan ay nagiging tila maliit na get together na ng apat na pamilya na member ng Black Lotus. Pinili niyang magpunta sa garden para pansamantalang magpahangin.

Lumuhod siya para makita ang mga ito ng mabuti. Chelsea inherited her mother's face but she also got her father's personality.

"Tito Harry?"

"Yes?"

"Puwede mo po ba kaming kuwentuhan?"

"Yes! Yes!" excited na sigaw ni Skylar. "I want fairy tale!"

Napakamot sa ulo si Harry. Mukhang mapapasubo siya sa mga batang ito. How can he say no when they are giving him puppy eyes? Napabuntong-hininga siya.

"Okay."

"Yes!" excited na sigaw ng mga ito.

Umupo ang mga bata sa may Bermuda grass at ganoon din ang ginawa niya. "Once there was an evil prince who is punished to be exiled in a far away land."

"Why was he exiled?" puno ng kuryosidad na tanong ni Cannon.

Binalingan ito ni Chelsea. "Cannon, hindi pa tapos magkuwento si Tito Harry," nakasimangot na sabi nito.

"I'm just curious," nakalabing sabi ni Cannon.

Natawa siya at ipinagpatuloy ang pagkukuwento. "Then one day the evil prince met a beautiful doctor." Napangiti siya nang maalala ang unang pagkikita nila ni Roevi. "She ran into him because his dog is chasing her. Dumugo yung ilong ni evil prince."

Nanlaki ang mata ng mga ito. "Then after that incident, lagi na lang pasikretong pinagmamasdan ni evil prince si beautiful doctor. Until the evil prince realized that he's slowly falling for the evil doctor so he tried to push her away."

"I'm starting to hate the evil prince," nakasimangot na sabi ni Chelsea

I used to hate him too, kid, nasabi ni Harry sa sarili.

"What happened next?" tanong ni Cannon.

"Nagalit yung beautiful doctor at iniwan si evil prince. Doon narealize ni evil prince na hindi niya kayang mawala si beautiful doctor so he decided to go after her." Natawa siya nang pumalakpak ang tatlong bata.

"Did the prince and the doctor lived happily ever after?" Chelsea asked him.

Umiling siya. "Noong nagkita ulit silang dalawa, sinubukan siyang itaboy ni beautiful doctor pero hindi sumuko si evil prince. Ginawa niya ang lahat hanggang sa napatawad siya ni Doctor."

"Did they lived happily ever after then?" tanong ni Cannon.

"No. Dahil nung akala nina doctor at evil prince na okay na ang lahat, dumating ang mga bad people. They tried to hurt the doctor to get even with the evil prince."

Muling bumalik sa isip ni Harry ang eksena noong muntik nang mawala sa kanya si Roevi. Kahit matagal nang nangyari ay may pagkakataon pa din na napapanaginipan niya ang gabing iyon pero mayroong ibang ending. Sa panaginip niya ay tuluyang nilamon ng apoy ang bahay at hindi niya nailigtas si Roevi. Kaya tuwing nananaginip siya nang ganoon ay lagi niyang hinahanap si Roevi. Makakahinga lang siya ng maluwag kapag nakita lang niya ang mukha nito.

Harry, The VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon