EPILOGUE

3.6K 175 55
                                    



KASALUKUYANG nasa study room ng mansiyon ni Yvann Devanadera sina Conrad del Rio, Keiran dela Vega at Jordan Navarro. Dahil mayroong meeting ang mga anak at apo nila na ay nagpatawag din si Yvann ng meeting para sa mga elders ng Black Lotus. Meeting na ang kinalabasan ay paglalaro nilang apat ng baraha.

"Masyado na tayong busy sa mga trabaho natin. Idagdag pa na simula noong ipinaubaya na natin sa mga bata ang pamamahala sa Black Lotus ay madalang na lang tayong magkita-kita," ani Conrad habang binabalasa ang mga baraha. They are playing poker.

Natawa si Keiran. "I remember that you used to play like this before. Lalo na noong nabubuhay pa si Papa."

Dahil sa sinabi ni Keiran ay biglang naalala ni Yvann ang mga dating kaibigan. Jordan and Keiran are twenty years their junior. Ang ama ng dalawa ang kasama nila ni Conrad dati. Nang mamatay ang mga ito ay sina Keiran at Jordan na ang pumalit sa posisyon na iniwan ng mga ama. Tulad ng sinabi ni Keiran ay naging past time nila noon ang paglalaro ng baraha.

Napangisi si Conrad. "Naaalala ko noong bago pa lang kayong dalawa. Both of you are so aggressive to prove yourself."

Natawa sina Keiran at Jordan nang maalala ang kabataan. Maging siya ay natawa din ng may maalala. "Naaalala ko pa na ako ang laging umaayos ng mga gulong pinapasukan ninyo." Ganoon na ba kabilis lumipas ang panahon?

Natawa si Jordan. "Well, can you blame us? Halos lumaki na kami sa Black Lotus kaya masisisi n'yo ba kami kung gusto naming patunayan sa inyong dalawa na karapatdapat kami para palitan sina papa sa posisyon nila sa Black Lotus?" Napailing ito. "Bata pa lang ako ay nakikita ko na ang sarili ko na tatanda ako na parte ng organisasyon. And now, who would've thought that the day will come that we will be having another life aside from Black Lotus."

"Marami nang pinagdaanan ang Black lotus," sabi ni Yvann habang sinisilip ang mga barahang ibinigay ni Conrad. "At natutuwa ako na hanggang ngayon ay nananatili pa din tayong matatag."

"Ang mga batang makukulit noon ay may mga pamilya na ngayon." Napailing si Keiran. "Sometimes, I can't help but feel old. Lalo na at mabilis na akong mapagod kapag naisipan ni Skylar na maglaro ng habulan." Lumambot ang hitsura ni Keiran nang maalala ang apo.

Nagkatawanan silang apat. "Pero nakakatuwa ang may maliit na bata sa bahay. Minsan ay pinagsasabihan ako ni Nicolette na huwag masyadong in-spoil si Cannon." Napangiti si Yvann nang maalala ang pinakamamahal na apo.

"Tell me about it." Naiiling na sabi ni Conrad. "Noong minsan ay pinilit ako ni Chelsea na basahan siya ng fairytale."

Napangiti si Yvann habang pinagmamasdan ang mga kasama. Para sa kanila, hindi lang isang organisasyon ang Black Lotus. For them, Black Lotus is a big family. And family protects each other. Natutuwa din siya na nakikitang mas tumitibay ang relasyon ng apat na pamilya at ng mga miyembro ng Black Lotus.

"Then let's toast for the new generation of Black Lotus."

Sabay-sabay nilang itinaas ang mga baso.



-THE END-


margarette ace: Sana po nagustuhan ninyo ang story nina Roevi at Harry. Maraming maraming salamat po sa pagbabasa. Sana abangan ninyo ang iba ko pang stories. :) 

Your comments are highly appreciated. 

Thank you so much!

*power hug!*




Harry, The VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon