CHAPTER 5

2.2K 90 4
                                    


NAALIMPUNGATAN si Roevi nang makarinig nang kalabog sa labas ng kuwarto niya. Napabalikwas siya nang bangon at dali-daling inabot ang baseball bat na nasa may gilid ng kama niya. Mahina siyang napamura ng hindi umilaw ang cellphone niya. Nakalimutan yata niyang i-charge kanina kaya na-empty batt.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan nia bago nagpasyang lumabas ng kuwarto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pinilit na huwag makagawa ng anumang ingay. Dinig na dinig niya kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Uso pa naman ang nakawan sa lugar nila.

Bawat hakbang ay mas humihigpit ang pagkakahawak niya sa baseball bat. Muntik na siyang mapasigaw nang makarinig ulit ng kalabog. Nanggagaling iyon sa kusina niya. Mula sa ilaw na nanggagaling sa labas ng backdoor ay wala naman siyang nakitang tao. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya.

Malakas ang buhos ng ulan sa labas at ayon sa balita ay may paparating na bagyo. Kahit kaninang pauwi siya galing sa ospital ay malakas na ang buhos ng ulan. Napailing siya ng makitang nakaawang ang isang binatana. Pumapasok ang ulan sa loob kaya basa na ang isang bahagi ng kusina niya. Napapalatak siya. Mukhang nakapasok na naman ang pusa sa kabilang bahay. Ilang beses na kasing nagagawi sa bahay niya ang naturang pusa kapag nagugutom ito.

Mahinang napamura si Roevi nang biglang mamatay ang ilaw. Kinapa niya ang drawer kung saan nakalagay ang flashlight niya. Pagkatapos niyang isara ang bintana at punasan ang pumasok na tubig ay muli siyang umakyat sa kuwarto niya. Sa panggigilalas niya ay bukas ang French door niya. Nakalimutan ba niya iyong bukas kanina? Napailing na lang siya. Mukhang nagiging makakalimutin na siya. Simula kasi noong bumalik siya ng Maynila isang linggo na ang nakakaraan ay sinubsob na niya ang sarili sa trabaho.

Bigla siyang natigilan nang maramdaman ang pagtaas ng balahibo sa may batok niya. Gusto na niyang maiyak sa sobrang takot. Takot siya sa multo o anumang kababalaghan. Pero dahil likas na matigas ang ulo niya ay lumingon siya. Kasabay ng pagkidlat ay nakita niya ang isang bulto na nakatayo sa may likuran niya.

Nabitawan niya ang hawak na flash light at napatili sa sobrang gulat. Naramdaman niya ang pagtakip sa bibig niya. Sinubukan niyang magpumiglas pero mas malakas ito sa kanya.

"Hey, it's me, Roevi," narinig niyang sabi ng anino.

Nahinto siya sa pagpupumiglas nang makilala ang boses na iyon. Marahas niyang tinanggal ang kamay na nasa bibig niya at hinarap ito. Sakto namang bumalik ang kuryente. Ilang beses siyang napakurap nang bumaha ang liwanag.

"H-Harry?" hindi makapaniwalang bulalas niya nang makilala ang lalaki sa harap niya. Nanlambot ang mga tuhod niya dahil sa takot na naramdaman kanina.

"Roevi," tawag nito sa kanya.

Natutop niya ang dibdib. "Balak mo ba akong patayin sa atake sa puso, ha? At isa pa, ano ang ginagawa mo sa loob ng bahay ko ng ganitong oras?"

"Masyado na akong nababasa sa labas so I decided to come inside using your French door," balewalang sagot nito.

Pinandilatan niya ito. "Kanina ka pa nasa labas?"

Tumango ito at pinagpag ang basang buhok. "Gabi na ako nakarating dito and I was planning on sleeping on your terrace kaya lang nabasa na ako ng ulan. So I decided to come inside."

"At pumasok ka gamit ang French door ko ganon?" Kahit paano ay nabawasan ang inis na nararamdaman niya dito. Natigilan siya ng may biglang maalala. "At bakit ka naman matutulog sa labas? But in the first place bakit nandito ka?"

Iniwas nito ang mata pero nahuli niya ang lungkot na dumaan sa mata nito. Nagkibit-balikat ito. "Narealize ko lang na tama ang sinabi mo sa akin. Na marami pa akong puwedeng gawin para pagbayaran ang mga kasalanan ko." Parang may kung anong humaplos sa puso niya sa sinabi nito. "Kaya nagdesisyon akong umalis ng Catamlangan. Ikaw mismo ang nagsabi na kailangan kong harapin ang mga naging kasalanan ko sa nakaraan ko kaya simula sa araw na ito, kargo mo na ako."

Harry, The VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon