CHAPTER 12

2.3K 86 1
                                        


"I DON'T think I can do it."

Nilingon ni Roevi si Harry. There was uncertainty in his eyes and she hated it!

Nilapitan niya ito at inayos ang necktie na suot nito na nawala na sa pagkakabuhol. Parang isang modelo si Harry na lumabas mula sa isang magazine. "Harry, listen, kailangan mong tumuloy para na rin makausap mo na ang papa mo."

"I'm scared," mahinang sabi nito at humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya na parang doon kumukuha ng lakas.

Parang dinurog ang puso niya habang nakatingin sa mukha ni Harry. There was pain in his voice. Hinalikan niya ito sa noo. "I know you're scared, Harry. But you need this. Kahit na sabihin nating nakaraan na ang lahat hindi mo maitatanggi na malaki pa din ang epekto sa iyo ng papa mo. Nararamdaman ko na marami ka pang issues na kailangang harapin lalo na yung tungkol sa papa mo. You need to talk to him for you to be able to put the past behind you. Para na din makapag-move on ka na sa bagong ikaw. That way, you will feel complete.

"Paano kung galit pa din siya sa akin?"

"He is still your faher, Harry. Kahit anong mangyari ay hindi maalis ang katotohonang anak ka niya."

"Thank you, Roevi. maybe you are right. Kailangan ko nga siyang makausap."

Tumango siya. "Good luck, Harry. Hihintayin kita dito."


KANINA pa hindi maspakali si Harry. Parang tinatambol ang puso niya sa sobrang kaba. Nararamdaman din niya ang pagpapawis ng mga palad. Ganito ang epekto sa kanya ni Jordan Navarro. Naaalala niya noong bata siya na nanginginig na sila ng kapatid na si Katrina kapag galit na ang ama.

Ilang beses na niyang nakikita ang daddy niya pero iniiwasan niya itong makaharap at makausap. Tulad nang sinabi niya kay Roevi ay natatakot siya. Natatakot siya sa magiging kalalabasan ng komprontasyon nilang dalawa kung sakali.

Niluwagan ni Harry ang pagkakatali ng kurbata dahil para siyang nasasakal. Nakalimutan na niya kung kailan siya huling nagsuot ng ganoong damit. Nasanay na kasi siya na puro T-shirt at jeans lang ang suot niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili.

"Are you okay?"

Nilingon niya si Katrina at tumango. "Just a little nervous."

Ngumiti ito. Malaki na ang ipinagbago ng kapatid niya sa mga nakalipas na taon. May kaunting guilt pa rin siyang nararamdman dahil sa mga ginawa niya dito noon pero unti-unti ay pinipilit niyang makabawi dito. Si Katrina din ang nag-suggest na kausapin niya ang ama kaya nasa isang private room sila ng isang kilalang restaurant.

"Don't worry, everything will be alright," anito at magaang tinapik ang kamay niya. "Tulad mo ay nagbago na rin si Papa."

Sabay silang napatingin sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Jordan Navarro. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ni Harry. Tumayo si Katrina at lumapit sa ama para humalik sa pisngi nito habang si Harry ay nanatili lang na nakatayo.

Umupo si Jordan Navarro sa upuang nasa tapat niya. Nanatili lang silang nakatingin sa isa't-isa. Tumayo si Katrina ng tumunog ang cellphone nito. "Im sorry, gentleman lalabas lang ako saglit."

Bahagyang pinisil ni Katrina ang balikat niya bago ito tuluyang lumabas. Leaving him and his father. Kahit bukas ang aircon ay may pawis na gumigitaw sa noo ni ni Harry.

Ang mga salitang gusto niyang sabihin ay parang bulang biglang naglahi dahil sa tensiyong namamagitan sa kanilang dalawa.

"I'm sorry, Harry."

Gulat na napatingin si Harry sa ama. Tama ba ang narinig niya o pinaglalaruan lang siya ng imahinasyon? Because there is no well in hell that Jordan Navarro will be the one to apologize Nakita siguro ng ama ang pagkagulat sa mukha niya.

"I know that it's too late, Harry but I want to ask for your forgiveness." Nagpakawala ito nang malalim na hininga. "I want to say sorry for all the things that I did in the past. For not being a good father to you and Katrina. Noong nawala kayo ni Katrina sa akin ay tsaka ko lang narealize ang mga ginawa ko. Hindi ako naging mabuting ama sa inyo ni Katrina kaya nawala ka sa landas noon."

Tumikhim si Harry para maalis ang tila bara sa lalamunan niya. "Dahil sa ginawa ninyo, naging independent kami ni Katrina. Pero deep inside, I just want you to be our father, Dad. Gumawa ako ng gulo para mapansin mo ako. Napansin mo nga ako but in a bad way. I faked my death because I came to realize that I am slowly becoming a monster. And I don't want you to think that I am a failure as a son."

"I'm sorry, Harry. I've been selfish. Akala ko dahil sa ginawa ko ay magiging maayos ang buhay ninyo ni Katrina. But believe me when I say that I love you and your sister in my own little way. Will you give me another chance? Can we start again, son?"

Nag-init ang sulok ng mata ni Harry at tumayo para lumapit sa ama. Tumayo din ito at mahigpit na gumanti nang yakap sa kanya.

"Yes, Dad."

"And, Harry?" Parang may mainit na bagay ang humaplos sa puso niya nang ngumiti ito. "I want to tell you that I am proud of you, son."


SA LABAS ng pinto ay tutop ni Katrina ang bibig para pigilan ang pagkawala nang pinipigilang hikbi. For years she's waiting for this to happen. Even as a child, she's been secretly waiting for this moment to happen: ang magkasundo silang tatlo at maging isang buong pamilya. Iyong wala ng bigat na dinadala sa dibdib.

Sumandal siya sa pinto at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi na niya alintana ang mga nagtatakang tinign na ibinibigay sa kanya ng mga nakakakita.

Marahas niyang pinahid ang mga luha at pumasok sa loob para makita ang ama at kapatid.

MUNTIK nang mapasigaw si Roevi nang paglabas niya mula sa banyo ay may nakita siyang bulto na nakaupo sa kama niya. Binuksan niya ang switch ng ilaw at nakahinga nang maluwag nang makilala si harry.

Kanina pa siya hindi mapalagay habang hinihintay ang pagdating ni Harry. Ilang beses na nga niya itong balak na tawagan para itanong kung kumusta na ito pero pinigilan niya ang sarili. Kaya naman bago pa kung ano ang gawin niya ay dinistract niya ang sarili at naligo.

"Harry?" mabilis niya itong nilapitan. Nakapatong ang siko nito sa magkabilang hita habang nakayuko ito at sapo ang mukha. Nagsimula siyang kabahan dahil laglag ang mga balikat nito.

Nag-angat ito nang tingin at nagtama ang mga mata nila. Hindi niya mabasa ang nasa mukha nito. Naktita niya ang panginigilid ng luha sa mata nito. Nakaramdamann siya ng galit para sa ama ni Harry.

Umupo siya sa tabi nito. "Gusto mo bang sugurin ko ang papa mo para lang ipaintindi sa kanya na hindi na ikaw ang dating Harry?"

"Roevi-"

"Don't worry, it's okay. Kung ayaw niya sa iyo, nandito naman ako. Bahala siya-" Naputol ang anumang sasabihin niya nang mahigpit siya nitong yakapin.

"Roevi, listen. Tanggap na ako ni Papa."

Napakurap si Roevi at nang marealize kung ano ang sinabi ni Harry ay tuluyan nang tumulo ang luha niya. Mabilis na kumalas sa kanya si Harry at pinahid ang luha sa pisngi niya. "Hey, why are you crying?"

"I'm just happy for you."

Lumambot ang mukha ni Harry at muli siyang ikinulong sa mga bisig nito. "Silly girl." Natigilan siya nang maramdaman ang pagyugyog nang balikat nito. "Can you believe that finally, after all this year, tinawag din niya akong 'anak'? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman kanina, Roevi. when he called me 'son' it was as if all the pain inside my heart vanished. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya."

Gumanti siya nang yakap kay Harry. Hindi na niya matandaan kung ilang minuto silang sabay na umiiyak ni Harry. Nang mapagod sa pag-iyak ay humiga sila sa kama. "Thank you, Roevi. kung hindi mo siguro ako pinilit na makipagkita kay Papa, baka hindi ganito ang nararamdaman ko. I feel free."

Masuyo siyang ngumiti at hinalikan ito sa noo. "I am happy that you are finally free from your past, Harry."


Harry, The VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon