Chapter 14

54 6 0
                                        

Gagawan ko rin si Lind ng POV kaya naman siya ang laman sa intro sa Chapter 14 ko ^_^ Konting tiis muna uuwi din si Kent :D

***

Isang taon na naman ang nakalipas, isang taon na lang ulit ang hihintayin para magkita ang magkasintahan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari na nalaman ni Chrishae ay mukhang hindi na magiging masaya pa ang isa't- isa.

- - -

Lindsay's POV

Sa wakas at nasabi ko rin kay papa lahat- lahat. Nagawan ko na ng paraan ang problema ni Kent. Yah he's handsome, I like him but Jake would be my only love. Kent is for Chrishae kaya hindi ako makakapayag na hindi magwork ang love story nila! ^_^ I'm so excited to tell this to Kent. Geez!

"Cris ! Where are you?" sigaw ko , andito ako sa house nila.

"Andito ako sa likod mo! hahaha" Cris

"Hey look , I have a good news." sabi ko

"What's that?" tanong niya

"We're not gettin married Cris!" sigaw ko. Bigla niya akong niyakap, pero ano ba 'tong nararamdaman ko? Bumubilis yung heartbeat ko at hindi ko magawang makahinga. This is not good.

"Thank you Lind, I owe you a lot!" niyakap niya ako ulit. "Sasabihan ko sila agad. Ah no, I'll surprise them. Bukas na bukas uuwi ako." at binitawan niya na ako. Shemayss ano ba itong nararamdaman ko?!

"Mommy! Mommy!" at umakyat na nga siya sa room ng mom niya.

Umalis na ako, naglakad papalayo dahil ayoko. Ayokong lumago itong feelings ko sa kanya. This is not right at all. He love someone.

- - -

Kent's POV

Tuwang- tuwa ako sa sinabi ni Lind. Umakyat ako kay mama at pinayagan niya ako na umuwi na bukas din. Pero isasama ko daw si Lind kaya it's okay. Sa wakas! Makikita ko na rin si Chrishae my honey-sweet-love-babieboo :D

***

Hahy. It's morning again, uuwi na ako sa Pinas :D makikita ko na siya. Magpopropose na ako. Pasayaw-sayaw ako ngayon dito sa sasakyan at papaalis na puntang airport dun ko na lang hihintayin si Lind. Malapit lang din naman yung airport ng Ame. dito sa'min eh.

"Here I come babieboo :D" sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng airport. Nandito na pala si Lind.

"Hindi naman halatang excited ka ah?" sabi niya na bumunungisngis pa.

"Syempre makikita ko na siya sa wakas ^_^" sabi ko

"Kaya halika na at baka maiwan pa tayo ng eroplano." Naglakad na nga kami papunta sa eroplano. Ganun lang yun kadali, wala ng hintay- hintay pa dahil sikat ang family namin dito. Buti na lang :D

Hahy. Tutulog muna ako baka tumalon ako sa eroplano sa sobrang kaexcite'an ko . Hahaha

- - -

Kier's POV

Kanina pa ako  katok ng katok sa kwarto ni ate pero hindi naman niya binubuksan. Nung bumaba ako saka naman lang sinabi  nila mama at papa na umalis si ate. Ang peste naman ang sakit ng kamay ko kumatok tapos wala pala siya. -_-

"Mamu san daw po pumunta?" tanong ko ke mama

"Sa resthouse ata natin natin." dun na naman?

Nakakasenti kaya dun. Antahimik, maluwang fresh air. Nandun din lahat ng kailangan namin. Dun kami minsan tumatambay ni Angel.

First's ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon