Chapter 29
Hindi nga nagtagal ay nakapagpropose na rin si Rezon kay Von sa tulong namin. We constructed a fake accident. Kunwari ay may nangyaring masama kay Rezon, alam kasi naming hindi naman madaling mapasunod si Yvonne kaya ganun ang naisip namin. Tutal ay sa asawa ni Lind 'yung hospital kaya napadali lahat.
Noong nakarating na si Yvonne sa hospital ay tsaka isinagawa ang sorpresa. Iyak siya ng iyak noong nakita niyang nakahiga si Rezon na may nakakabit na napakaraming tubo sa katawan niya, at syempre fake lang lahat 'yun ha!. Noong nasabi na lahat ni Yvonne 'yung mga inaasahan naming mangyayari ay tsaka nagising kunwari si Rezon at tumayo na ikinagulat ni Yvonne.
Nagalit ata si Yvonne kaya nagwalk-out siya, at kasama 'yon sa plano! Pinalabas na namin ang ginawang flashmob. Pati ang pagkanta ni Rezon at pagsayaw niya na noon lang namin nakita. Iyak ng iyak si Yvonne. Noong lumuhod na si Rezon at inilabas ang kahon ng singsing ay sumigaw kaming lahat.
NagYES naman si Yvonne at nagthumbs-up sa amin si Rezon. Ang saya nilang dalawa samantalang itong kasama naming si Ella ay inggit na inggit. Hahahaha, hindi niya alam na may binabalak din si Mecos na alam naming lahat maliban sa kanya.
Noong natapos ang proposal ni Rezon at nagpunta kami sa hotel. Nagulat kaming lahat sa mga naganap, hindi na namin alam ito. Hindi na kami ang nagplano nito.
Kakapropose palang, kinasal na agad?! Grabe! Hahahaha, hindi kami makapaniwala. Nagbihis na kaming lahat dahil nakahanda na raw ang mga gagamitin namin. Iyak parin ng iyak si Yvonne na tila'y parang isang panaginip parin ang mga nakikita niya. Pagkarating kasi namin ay nagmistulang wedding hall ang isang part ng hotel. Maraming bisita na kamag-anak nila Yvonne at Rezon.
Matapos ang kasalan ay nagpaalam na rin kami. Nakakapagod din pala 'yung ganun? Ang magpakaheroine sa isang lovestory! Hahaha. Pero infernez! Nakakaover-whelm lahat ng ginawa namin kasi nagwork.
Sabay na kaming umuwi ni Kent dahil iniwan lang namin si Erin kina mamu sa bahay nila.
"Mamu! Nandito na po kami ." sigaw ko habang nasa sala.
"Bakit naman ang tagal niyo? Ang hirap pa naman amuhin nitong apo ko. Nauubusan ako ng english anak!" Mamu.
"Hahaha, sorry po mamu. Eh anong silbi ni Kier na BSBA ang tinapos? Ang galing niya kaya mag-english!" tsaka ako lumingon kay Kier.
"Hon, baka naman kasi may date sila ni Angel" Kent.
"Eh di sana sinama na nila"
"Ate date 'yon hindi baby sitting" pangisi-ngising sagot ni Kier
"He! Salamat nga pala mamu sa pag-alaga kay Erin, iuuwi na po namin siya. Tutal eh malapit na rin gumabi"
Nagpaalam na nga kaming umuwi. Tulog lang si Erin noong nakarating kami sa bahay.
Si Kent naman ay kanina pa ako nilalambing na ... Alam niyo na ... Tae! Hindi ako nakatanggi! Hahahaha, ang hot niya po ih. Hindi ako nakapagtimpi at sumugod sa kanya.
Nung magtatanggal na sana kami ng damit biglang may kumatok.
"Shit naman. Malapit na eh!" mura ni Kent. Hahaha
Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan si Erin.
"Mommy, I can't sleep. Can I sleep with you and daddy?"
"Sure baby" sabi ko at ngumiti kay Kent. Hahaha, 'yung mukha niya PRICELESS!
Parang luging-lugi. Hahaha, pumagitna si Erin sa amin at nakatulog na.
"Pssst" at tumingin ako sa kanya na ngumunguso-nguso pa. Hahahaha itong lalakeng 'to! Pasalamat mahal ko.
Papalapit na 'yung labi naming dalawa ng . . . .
"Aha! Don't make another baby, I don't want to have one. I don't want to be a baby-sitter." Erin.
Tatawa-tawa akong tumango kay Erin at si Kent naman at nakatalikod sa amin. Hahaha, parang bata.
BINABASA MO ANG
First's ( COMPLETED )
Novela Juvenil" Our past helps us to face future , it's okay if it still hurts but never let yourself na makulong sa past na yan , you never know nasa tabi- tabi lang yung papalit sa past na yan " - Cris Kent Ereos