Third Person's POV
Araw ng kaarawan ni Zero at nasimulan na rin ang party. Maraming tao, iba't-ibang kilala na company owners at mayayamang business owners ang bisita ni Eliza, mommy ni Kent. Nandun din ang mga kaibigan at pamilya ni Lindsay. Nandun na rin ang mga tropa ni Kent.
Sa isang sulok naman ay may palihim at pabulong na nag-uusap.
"Lind anak, hinahanap na ni Zhiro ang anak niyo. Nalaman na niya na nagkaanak kayo. Paano na? Ano ng idadahilan ko sa kanya?" Carissa (Lindsay's mom)
"Mommy, nakokonsensya na rin ako kay Cris. Masyado na ring matagal itong paglilihim ko sa kanya at ayokong magalit ulit siya sakin dahil okay na kami ngayon. Balak ko po sanang ipagpaalam kay Tita Trish na sasabihin ko na kay Kent. Siya rin naman ang may pakana ng lahat ng 'to."
"Hindi na sana ako pumayag noon pa. Kundi dahil lang sa makasarili mong daddy na puso business ang nasa utak eh di hindi ka sana namomroblema ng ganito. Hayaan mo at sasamahan kita papunta kay Eliza."
Nung naglalakad na sila patungo kay Eliza ay hinarang sila ni . . .
Kent's POV
Napadaan ako sa garden dahil hinahanap ko si Lind, pinapahanap siya ni mommy para ipakilala sana sa mga kaibigan niya. Hindi ko inaasahan lahat ng narinig ko.
"Lind anak, hinahanap na ni Zhiro ang anak niyo. Nalaman na niya na nagkaanak kayo. Paano na? Ano ng idadahilan ko sa kanya?" narinig ko yung boses ni tita Rissa. Parang narinig ko yung pangalan ni Zero.
"Mommy, nakokonsensya na rin ako kay Cris. Masyado na ring matagal itong paglilihim ko sa kanya at ayokong magalit ulit siya sakin dahil okay na kami ngayon. Balak ko po sanang ipagpaalam kay Tita Trish na sasabihin ko na kay Kent. Siya rin naman ang may pakana ng lahat ng 'to." Lind
"Hindi na sana ako pumayag noon pa. Kundi dahil lang sa makasarili mong daddy na puro business ang nasa utak eh di hindi ka sana namomroblema ng ganito. Hayaan mo at sasamahan kita papunta kay Eliza." Tita Rissa.
Kaya pala. Kaya pala napakalihim nila sa akin. Ewan ko kung matutuwa ba ako o magagalit ako sa nalaman ko.
Matutuwa dahil hindi ko anak si Zero at mababalikan ko na si Chrishae.
Magagalit dahil higit dalawang taon akong naging tanga. Kung hindi ko pa yun aksidenteng narinig malamang nagdidiwang na sila ng 3rd anniversary ng pagiging tanga ko.
Naglakad ako palapit sa kanila at hinarangan.
"C-cris, a-anong ginagawa m-mo d-dito?" Lind.
"Napadaan lang ako HONEY, hinahanap kasi kita. Pinapahanap ka ni mommy, gusto ka ipakilala sa friends niya."
"H-hijo, may n-narinig ka b-ba?" Tita Rissa.
"That Zero is not my son?That You and my effin' mother made me like a fool? Made my life miserable, that i'm livin' like a prisoner ?" walang emosyon kong sabi.
"Cris I'm sorry. I'm really really sorry. " Then she knelt and started to cry. "Your mom just forced me to do that. Hindi ako makatanggi dahil palubog din yung company namin noon at walang pakeelam ang daddy ko sa akin at binayad niya ako at ang baby ko kay Tita Liza. "
"Alam kong hindi mo kami mapapatawad hijo, mahirap pero hindi kami magsasawang humingi sa'yo ng tawad."
"You're forgiven. I'm not fond of keeping shits to myself. Stand and slap my mother's face!" sigaw ko kay Lind at nagulat siya. "Do it for me and for Zero" sabi ko at naglakad pabalik sa party.
Nasa mini-stage na si mom at naga-announce.
"Let us all welcome my baby prince. Eizhero Ereos!" sigaw niya at nagpalakpakan naman yung mga tao.
BINABASA MO ANG
First's ( COMPLETED )
Teen Fiction" Our past helps us to face future , it's okay if it still hurts but never let yourself na makulong sa past na yan , you never know nasa tabi- tabi lang yung papalit sa past na yan " - Cris Kent Ereos