Kent's POV
'coz all of me,
loves all of you
love your curves and all your edges
all your perfect imper- - -
"KANINONG PHONE BA 'YON? KUNG HINDI MO PA PAPATAYIN AKO MISMO PAPATAY SA'YO!" Bwiset ang aga-aga nasisira araw ko!
"Sorry po sir. " Sabi nung maid tapos umalis agad. Psh, sino namang corny na tao ang magriringtone ng ganun? Kapanget! Wala man lang kataste-taste!
"Ano ba 'yan honey, ang aga-aga nakawigaw ka. Bitter ah?" Lind.
"Ano bang pakialam mo?! Isa ka rin eh! Umalis ka nga sa harapan ko! Lalo mong sinisira araw ko!" araw-araw ganito yung pinapakita ko kay Lind para umalis na siya dito sa bahay pero pag paalis na siya, pababalikin naman siya ni mommy.
Yah alam kong may nasasaktan ako . So what? They doesn't even know how can I heal those pains i'm keeping inside of me. Palibhasa sarili lang kasi nila iniisip nila gaya nila Mama, Lind. Kung alam ko lang na mangyayari lahat ito, sana hindi na ako tumuloy noon sa US kung ganito lang din pala mangyayari sa future ko, future namin ni Chrishae.
"I'm sorry Cris. "
"Will you stop apologizing! Kahit pa lumuhod ka at lumuha ng dugo diyan wala ka ng magagawa pa. Hindi mo na siya maibabalik sa akin at hindi mo na maaalis yan! Dahil ayoko ring magkasala sa Diyos kung maaari. So please, just move away from me and never talk to me. Stop calling me honey or whatever, it's so gross!" tapos umalis na ako sa harap niya.
Lumabas ako at pumunta sa kung saan man. Napadpad ako sa bahay nila pero walang tao. Kumatok ako sa pintuan pero walang nagbubukas, baka nga walang tao.
May napadaan na matandang babae at lumapit siya sa'kin.
"Wag mong sayangin ang oras mo dyan iho, walang tao ang bahay na iyan. " Sabi niya.
"Uhm. Alam niyo po ba kung saan sila pumunta?" sabi ko.
"Alam mo hijo kung mahal mo ang isang tao, malalaman mo kung nasaan man siya pumunta at kung ano ang mga nararamdaman niya. Pero sa kaso niyo ni Chrishae, malabo ng magkaroon pa ng happy ending ang lovestory niyo kaya palayain mo na siya ngayon din. Malamang pasakay na siya sa eroplano. " Diko siya magets -.-
"Ano po? Hindi ko po kayo maintindi---" pero pag-angat ko ng ulo ko wala na yung matanda, naglalakad na siya tapos pumasok sa bahay niya ata. Ang bilis naman niya?
Kumaripas ako papunta sa kotse ko at pumunta sa airport, sabi kasi niya papasakay na siya ng eroplano kaya , malamang nasa airport si Chrishae. Saan naman kaya siya pupunta?
.
Pagkababa ko ng kotse at pagpasok sa airport eh nandun lahat ng tropa namin at pamilya ni Chrishae.
"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ni Tita Trish.
"Tita nasaan po si Chrishae? Saan po siya pupunta? Gusto ko po siyang makausap please. " sabi ko
"Ano pa bang pag-uusapan niyo? Tapos na ang lahat sa inyo, maawa ka naman sa anak namin. Nahihirapan na nga siya tapos iniwan ka para sa kapakanan ng magiging asawa at anak mo. Hindi ka na nahiya!" Tito
"Sorry po, nasaan po si Chrishae?" sabi ko. Tapos lumapit ako sa kanila at pumasok sa loob pero may mga guards, pinipigilan nila ako pero pinipilit ko paring makapasok.
"Anong nangyayari dito?!" sabi nung babae na nakauniform, manager ata yun.
"Ma'am pinipilit niya pong makapasok pero wala naman po siyang permiso o hindi naman po siya nakapabook ng flight" sabi ng guard na nakahawak sakin.
BINABASA MO ANG
First's ( COMPLETED )
Teen Fiction" Our past helps us to face future , it's okay if it still hurts but never let yourself na makulong sa past na yan , you never know nasa tabi- tabi lang yung papalit sa past na yan " - Cris Kent Ereos
